Chapter 1

543 35 9
                                    

KAUSAP ni Noah ang may-ari ng boarding house na uupahan nya. Gusto man nya piliin ang boarding house na malapit sa University pero hindi sapat ang pera nya para bumayad ng 10,000 per month kaya naghanap nalang sya ng mas mura.

"2,500 iho per month libre ang tubig pero ikaw ang magbabayad sa kuryente," saad ni Aling Melly ang may-ari ng uupahan nya.

Tumango naman si Noah sa matanda.

"Next month ako babalik para kunin ang bayad sa upa pero ngayon ay may paunang bayad,"nilabas naman ni Noah ang kanyang pitaka at kumuha ng pera at saka inabot sa matanda.

"Salamat po"

Umalis na ang matanda pagkatapos matanggap ang pera. Kinuha naman ni Noah ang kanyang mga bagahe at pinasok sa loob.

Nilibot naman nito ang kanyang paningin sa buong kwarto.

"Maliit sya pero okay na" hindi naman sya masyadong gumagamit ng kuryente at tubig. Inayos na nito ang kanyang mga gamit at nilinis ang silid.

Pagkatapos nyang maglinis ay pumasok sya sa magiging kwarto nya. Nilagay nito ang kanyang mga damit sa kabinet.

Nang magising si Noah ay pasado ala sais emedya na ng gabi. Buti nalamang kahit papano ay may dala syang mga dilatang pagkain. Pumunta ito sa maliit nyang kusina. Pinili na lamang nito ang sardinas na maging ulam.

Habang kumakain sya ay hindi nya maiwasan isipin ang sinabi sa kanya ni Aurora ang presidente ng paaralang pinapasukan nya.

"Eat that or I'll eat you"

Napailing ng ilang ulit si Noah para iwaksi sa isip ang sinabi sa kanya ni Aurora. Pagkatapos kumain ay niligpit ni Noah ang kanyang pinagkainan at saka hinugasan.

"Bat nya naman sinabi iyon?" tanong nya sa sarili habang nakahiga sa kanyang kama at nakatingin sa kisame.

"Bakit nya naman ako kakainin? eh hindi naman ako pagkain,"

Nilibang lamang ni Noah ang kanyang sarili sa pagbabasa ng libro dahil sa hindi sya makatulog.

Nang makaramdam sya ng antok ay tinabi nya ang kanyang libro at saka bumalik sa kanyang higaan.

Alas singko ng umaga nagising kaagad si Noah dahil ito ang second day nya sa unibersidad. Pagkatapos nya maligo ay sinuot nya ang uniform na binigay sa kanya ni Aurora. Kulay pula na longsleeve ang pang itaas nito at abo naman ang baba. Ang necktie naman nito ay kulay pula rin pero may konting guhit na design na pahilis. Nakatatak sa kaliwang dibdib nya ang simbolo ng University.

Pagkatapos magbihis ay nagtimpla sya ng kape at saka kinuha ang tinapay na pinadala sa kanya ng kanyang ina bago sya umalis ng probinsya.

Sinawsaw nya ang tinapay sa kanyang kape at saka kinain. Habang kumakain ay nag-aadvance reading sya para may konting kaalaman agad sya sa magiging topic nila mamaya.

Habang nilolock ni Noah ang pinto ay dumaan si Aling Melly. Kaya kaagad nya itong binati.

"Magandang umaga ho Aling Melly," bati nito.

"Naku Noah Tita Melly nalang ang itawag mo sakin dahil masyadong nakakatanda ang Aling Melly at saka 36 anyos pa lamang ako," natatawang saad sa kanya.

Napakamot naman sa batok si Noah at mahinang natawa.

"Pasensya na po"

"Ang aga mo yata ngayon. Magpapaalasais imedya pa lang. Ang pagkakaalam ko ay alas otso ang pasok sa University na pinapasukan mo,"

AURORA'S PROPERTY (QUEENS SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon