Prologue

810 41 5
                                    

MATAMAN na nakatingin si Aurora sa lalaking nakatayo sa harap nya habang nakayuko ito. Umayos ito ng upo sa swivel chair at saka seryosong tumingin dito

"What do you want?" she ask seriously that makes Noah frozed.

"Nandito po ako para mag-enroll," kabadong saad nito.

Aurora rolled her eyes in him.

"Alangan namang magtrabaho diba?" sarkastong saad nito sa binata.

Napakamot naman sa batok si Noah at saka inabot kay Aurora ang mga requirements na kakailanganin para makapag-enroll dito sa University.

"Noah Justin Martin, a scholar," basa nito at saka tumingin sa lalaki na ngayon ay nililibot ang tingin sa buong office nya na parang ngayon lang nakakita ng ganito.

She raised her right eyebrow and scan Noah. He was wearing a faded t-shirt and jeans and big eyeglasses. Curl hair and a moreno man.

"Cute" she murmured.

Tumikhim ito dahilan ng paglingon sa kanya ng binata.

"Do you have experience?"

Napakunot naman ang noo ni Noah at saka nagtatakang tumingin sa kanya.

"Experience?"

She chuckled. "Nevermind"

Nahihiyang nakayuko si Noah dahil hindi nya kayang salubungin ang seryosong tingin ng babae.

Aurora smirked and bite her lips.

"Im Aurora Krimson, the President of Perris University," pagpapakilala nito at saka inilahad ang kamay sa binata.

"Nice to meet you po," nahihiyang saad ni Noah at saka tinanggap ang kamay nito at nakipagkamay.

Lumapit naman si Aurora sa isang kabinet at saka kinuha ang isang folder at saka inabot kay Noah.

"Dito nakalagay ang mga rules ng University. You may go" saad nito at saka naupo ulit sa upuan nito.

Lalabas na sana si Noah ng pinto ng tinawag ulit sya ni Aurora.

"Be careful there are some bullies in this University. I know you will be their next target"

Hindi maiwasang kabahan ni Noah sa sinabi ni Aurora. Kailangan nya talagang mag-ingat sa University lalo na't nalaman nyang maraming bully dito.

Ang pinunta nya lang naman dito ay mag-aral at makahanap ng trabaho para may maipadala syang pera sa mga magulang nya. At isa pa pangarap nyang makapasok sa University na ito.

Kumatok ng tatlong beses si Noah ng makita nya kung nasang seksyon sya napabilang.

Bumukas ang pinto at inuluwa nito ang lalaking nasa mid 30. Naka teacher uniform ito kaya nakilala nya kaagad.

Ngumiti ito "You must be the trasferee. Come in" inilahad nito ang kamay na parang inahanyayahan syang pumasok sa loob.

"Okay class we have a new student," striktong saad ng guro at saka umatras para bigyan sya ng kalayaan na humarap sa mga taong nasa loob.

Kita nya ang pandidiri sa mga mukha nito habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman sya ng pilit na pinalakas ang loob.

"Ako nga pala si Noah Justin Martin. Im a scholar," pormal na saad nito.

Napayuko ito ng binigyan lamang sya ng mga ito ng tingin na parang walang silang pakialam sa kahit na anong sasabihin nya.

Hindi ko alam na ganito pala ang mga tao dito

AURORA'S PROPERTY (QUEENS SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon