𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝒪𝓃ℯ

2 0 0
                                    

[James Cooper]  

"Ayaw ko na!Ang init init! Limang araw na natin dito at nasisira na ang mukha ko dahil sa ginagawa natin! Sunburn,alikabok,kati!Agh,ayaw ko na talaga!"Reklamo ni Aiden tsaka niya padabog na ibinato ang hawak na sako na paglalagyan na sana namin ng palay.

"Magtrabaho ka na lang.Wala na tayong magagawa dito,ito na talaga ang ibinigay na trabaho sa atin."Pinulot ko ang ibinato niyang sako at ibinigay ulit ito sa kanya na tinanggap naman niya.

"Bakit kasi sobrang sinungaling nung matandang iyon!Sayang tuloy yung mga ginagamit ko sa aking mukha!Hindi na nga lang ako bibili ng ganoon,sayang rin lang naman!"Inirapan ko na lang ito at naghakot na ako ng palay tsaka inilagay ko sa sako.

Hindi kasi ito ang inaasahan naming trabaho na ibibigay sa amin ni Auntie Maria.Ang sabi niya noon ay maganda ang trabahong ibibigay sa amin pero iyon pala ay magbibilad pala kami ng palay sa kalsada.

Kung alam lang namin ay hindi na kami bumyahe papunta rito sa probinsya.Nanatili na lang sana ako sa puder ng tatay ko.Mabuti pa doon at hindi ako masyadong nahihirapan.

Pero ang sabi ko nga wala na kaming magagawa pa,nandito na kami.Ito na ang trabaho namin at kung hindi naman kami magtatrabaho ay wala kaming magagamit sa pang-aaral namin sa susunod na taon.

Ayaw naman namin kasi na umasa lang sa aming mga magulang.May hiya pa naman kami sa aming mga sarili.

Nang matapos naming mailagay lahat ang palay sa sako ay inilagay na namin ito sa gilid ng kalsada at iniwan na namin doon.May kukuha na rin kasi mamaya sa mga iyon.

Habang naglalakad kami pauwi ni Aiden ay may humarang sa aming daanan.Dalawang lalaki may mga mukha naman,ang ibig kong sabihin ay may itsura naman sila.

"Omygosh James!Ang sarap nila!"Kinikilig na bulong ni Aiden sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya dahil kapag kinikilig iyan ay nangungurot o mananakit."Mabuti na lang at may mga guwapo dito dahil kung wala ay talagang uuwi na ako."

"Katatapos lang trabaho?"Tanong ng isa sa kanila,yung mas guwapo sa kanilang dalawa,na kinahihibangan ni Aiden.

"Oo Noah."Kinikilig na sagot ni Aiden.Pakurap kurap ang mga mga mata."Bakit?"

"Mag-iinuman kami ni William mamaya at wala na kaming ibang kasama,sama kayo?"

"Hindi n-"Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad sumabat si Aiden.

"Ah oo!Sama kami ni James.Diba James?"

Inirapan ko na lang ito at nauna na akong naglakad at nilagpasan yung dalawang lalaki.Oo pagod ako,pero hindi ko ugaling uminom.Kahit kailan ay hindi pa ako umiinom at alam iyon ni Aiden.

Pero dahil nga sa lalaki na naman ay nakalimutan na naman niya ako,na hindi ako umiinom.

"Oyy James!Bakit?"Sigaw ni Aiden pero hindi ko siya sinumbatan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay napagtanto na ata niya na hindi ako umiinom kaya,"Oppss, pasensya na,hindi pala umiinom ang aking kaibigan.Sige ,sa susunod na lang."

Narinig kong tumakbo papunta sa gawi ko si Aiden at sa di kalaunan ay naabutan na niya ako.

"Pasensya na pala doon a, nakalimutan ko na naman.Pero sayang ,sila na ang lumapit sa akin pero tinanggihan ko pa."

Colore Vero [BxB] [On-Going]Where stories live. Discover now