[Prologue]
"I'm so excited na!First time kong pumunta doon!Maganda kaya doon,maraming guwapong lalaki?Ahg, can't wait na!"Masayang saad ng aking kaibigan na parang kinikilig pa.
At of course ,hindi na maalis sa utak niya ang salitang guwapo,macho at kung ano ano pang lalaki iyan.Para itong virus sa utak niya na wala pang nadidiskubreng gamot.
Iniripan ko na lang ito at naglakad na ako papunta sa likod ng bahay na kung saan naroon si ama.Sumunod rin sa akin si Aiden habang nakasuot sa kanya ang kanyang bag na may lamang mga gamit niya.
Nang makarating kami sa likod ay naabutan namin si ama na may kausap na isang ring matanda.
"Ama,mauna na po kami."
Tinignan naman niya ako at nagpaalam siya sa kanyang kausap.Nang makaalis ang matanda ay naglakad na papunta sa gawi ko si ama.
"Aalis na po kami."
"Pwedeng mag-usap muna tayo nang tayong dalawa lang?"Saad nito sa akin kaya tinignan ko naman ang kaibigan ko.
Tumango at ngumiti muna siya sa akin bago siya umalis.
"Bakit po ama?"Takang tanong ko kay ama pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Aalis ka na ba talaga?"Alam kong pinipigilan niya ang kanyang luha na hindi pumatak kaya niyakap ko na lang siya pabalik.
"Opo ama,kailangan ko po talagang magtrabaho para sa pag-aaral ko at para na rin hindi naman ako umaasa sayo."Tinapik tapik ko ang kanyang likod at sa di kalauna'y pumatak na ang kanyang luha sa aking damit.
"Iiwan mo na naman ako? Mag-isa na naman ako dito sa bahay?At tsaka kaya ko namang tustusan ang pag-aaral mo."Umiling iling ako dahil sa sinabi niya.
Magmula noong namatay ang aking ina ay naging ganyan na si ama.Nagiging masyadong emosyonal kapag umaalis ako dito sa maliit naming bahay.
Ayaw niya kasing mapag-isa.Ayaw niyang mag-isa dito sa bahay na puno ng kalungkutan.Pero kahit na ganoon nama'y naiintindihan ko parin naman siya.
Humiwalay ako sa yakap pero nakahawak pa rin ako kay ama.Tinignan ko muna siya sa kanyang mata at ngumiti bago ako nagsalita."Babalik rin po ako kaagad."
Malungkot siyang tumango tango bago tumingin sa akin , deretso sa aking mata.
"Kung hindi na kita mapipigilan,sige,basta mag-ingat ka lang.Huwag na huwag mong papabayaan ang sarili mo."
"Opo, susundin ko lahat ng bilin niyo sa akin."Nakangiting saad ko tsaka ko siya niyakap ulit."Kayo rin po, ingatan niyo rin ang sarili niyo.Huwag niyo hong papagurin ang sarili niyo para hindi na lumala ang sakit niyo."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil baka maging emosyonal na naman kami.At naglakad na ako papaalis.
"Paalam anak!"
[Gemini_III]
YOU ARE READING
Colore Vero [BxB] [On-Going]
AcakEveryone have a past that they want to be concealed.There are things that happened that they don't want to talk about.There are people whom they want to forget.And there are secrets for the day they're revealed.