Chapter 5

7 2 0
                                    

Lucris' POV

Pagkatapos kong magpahinga sa aking dorm ay napagpasyahan ko na lumabas at pumunta sa library.

Habang patungo ako doon ay hindi ako nakatakas sa mga bulungan ng mga Estudyante na nasa gilid ng hallway.

"Iyan ang kapatid ni Lucy?"

"Tsk guess what, they are both demon. "

" Mukhang lalakas na naman ang allies ng demons..."

I'm so confused.... Ang dahilan at bakit ganyan ang topic nila tungkol saakin...

Di ba pwedeng...'Ang gwapo naman ng kapatid ni Lucy!' o kaya naman ' I'm so in love with him!!'

Hehehehe (。•̀ᴗ-)✧

Pero sa totoo lang curious ako kung bakit ganito sila... Ano ba ang nangyari Kay Lucy at kung ano ang reputasyon nya dito sa Academy na ito at maingat sila sa pagbanggit ng pangalan nya.

Nang makapasok na ako sa library tanging katahimikan lamang ang sumalubong saakin. Kaunti lang ang mga estudyante dito, marahil ang iba ay nasa klase pa nila.

Magkahiwalay pa nga ang mga shelves ng Devils at Angels.

Sa devils ay puro black magics at rituals samantalang ang mga Angels ay pure white magic.

Pumunta ako sa pinaka likuran at doon umupo.

Nilabas ko sa bag ko ang Scroll na ibinigay saakin ni Angela, nilagay ko ito sa lamesa at binuksan.

"Ano yan?" Muntik naman akong napatalon dahil sa nagsalita malapit sa tenga ko. Napalingon naman ako sa nagsalita.

Isang babae na maikli at kulay red ang buhok.

OK!!! Proven and tested!! Lahat ng mga babae dito sa eskwelahang ito ay pure KABUTE!

"Wews wala weak ka... Mabilis matakot...

Bakla!"

(●__●)

'bakla'

'bakla'

'bakla'

'bakla'

Wala na akong pake kung babae sya!! Uupakan ko na toooooohhh!!!!

Nagulat ako ng biglang hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Agad naman akong napalingon sa babae na ngayon ay nakangisi saakin.

"Ayyy gusto akong saktan~ Bakla talaga----"
Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang batukan ng nasa likuran nya.

Huhuhu maraming salamat at may gumanti para saakin •́ ‿ ,•̀

" Tigil mo yan ginagawa mo syang mad sayo eh" Eh!? Conyo? Ngayon ay nakakagalaw na ako sa aking kinauupuan, kinuha ko ang scroll na nasa table at sinubukan Kong iwan sila.

Keyword: Sinubukan

" Tatakasan mo kami ahh? Sayang alam ko pa naman kung saan yan." Napahinto ako sa sinabi ng babae.

Hinarap ko sya at nakangisi sya ngayon saakin habang ang katabi nya namang lalaki ay nahihiya sa ugali ng kasama nyang babae.

"Bakit tutulungan mo ko?" Tanong ko sakanya. Lumapit ang babae saakin at ginulo ang buhok ko.

"Dipende... Kung tutulungan mo rin kami." Napatango ako sa kundisyon nya. Madali lang naman siguro to di ba?

"Heidi, Miss Faira might hear us.." Nilingon ni Heidi yung lalaking kasama nya at tinawanan.

HELLVEN ACADEMY: Devils & AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon