TCP CHAPTER 1
Annyeong <3(^_-)
Therelaine
Mahirap mabuhay sa mundong puno ng takot at pangamba na baka isang araw dumating yung panahon o yung oras na syang kinakatakot mo. Yung isa sa mga taong malapit sayo ang bigla nalang mawala. Hindi natin alam kung kailan darating yung araw na mawawala ka na o yung mga taong malalapit sa iyo. Kaya dapat i-enjoy mo na ang buhay mo habang nabubuhay kapa.
Anong pakiramdam na mawalan ng mga mahal sa buhay? Ano ang pakiramdam na maiwan?. Dalawa sa libo-libong tanong na minsan ng sumagi sa isip ko. Ano nga ba? mahirap pala, masakit. Pero alam kong kalahati lang ng sakit na nararamdaman ni mama ang sakit na nararamdaman ko, namin ng kambal ko.
'Papa naman kase bakit mo kami iniwan?'
Namatay ang papa dahil sa tama ng baril. Wala namang may galit sa kanya ehh, wala kaming maisip kung paano nabaril ang papa. Siguro natamaan ng ligaw na bala?, pero imposible, kase tumama ito sa may bandang puso at saka sa dinamirami ng tao sa may palengke bakit sa kanya iyon tumama?. Nasagot ang mga katanungan namin ng may marinig kaming usapan sa unang gabi ng kanyang lamay, na kaya raw ito nabaril dahil sa may iniligtas ito. Mabait ang tatay ko, na sa sobrang bait pati buhay nya kaya nyang isugal para sa iba. Yun ngalang hindi man lamang namin nakilala yung tao na nailigtas nya. Masakit isipin na yung taong niligtas nya ay parang walang pakialam kahit mayron nang buhay na nawala para sa kanya. Ngayon ang libing nya, pero hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam yung taong kanyang niligtas. Walang utang na loob ang puta! ni hindi man lang ba siya nakararamdam ng konsensya?
"Therelaine" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at don nakita ko ang aking kambal.
"ohh Tristan baket??"
"oras na" tinanguan ko na lamang ang kanyang sinabi saka lumapit kay mama na nasa kawayang upuan. Tulala ito habang may pumapatak na luha sa kanyang mga mata. Nang mapansin nitong papalapit ako ay agaran nyang pinunasan ang mga ito.
"Mama oras na daw po" tinanguan lamang ako ni mama saka ito tumayo. Ilang araw pinipigilan ni mama ang pagluha. Nung nasa hospital kami at nalaman nya na namatay ang papa yung time lang na nakita ko syang umiiyak. Nagpapasalamat rin ako na walang nangyari sa kanya noon. May sakit kase ang mama sa puso at hindi sya pwedeng mapagod at hindi rin dapat sumobra ang emosyong kanyang nararamdaman. Alam kong nahihirapan na si mama pero hindi nya lang pinapahalata at nagpapakatatag sya para sa amin ni Tristan
- - - - - -
'Papa? bakit mo kami iniwan? bakit mo isinugal yung buhay mo sa ibang tao? paano na kami ngayon papa?. Papa nagagalit ako. Nagagalit ako sa taong iniligtas mo papa. Alam ko naman na wala syang kasalanan papa ehh, pero hindi ko mapigilang magalit kase ni pasasalamat man lang di nya magawa. Pero wala papa ehh, yung mga paalala nyo lagi na huwag magagalit sa taong wala namang ginawa sayo at iba pa, tumatak lahat yun sa utak ko papa. Siguro nga papa pareho kami ng nasa isip ni Tristan. Pero papa sino nga ba yun? paramdam nga kayo sakin tapos saka nyo ibulong para makilala ko ang putek na yon'
Nakaramdam ako ng paghangin sa paligid kaya agad akong napakapit sa braso ni tristan
'wahh papa naman joke lang ehh wahh, siguro pinagtatawanan nyo na ako jan noh? kase duwag ako? haha pero ayos lang papa mas duwag naman sakin si Tristan wahaha. Papa salamat sa pagmamahal at pag-aalaga nyo sa amin ni Tristan, kase kahit na pasaway kami at sakit nyo sa ulo ay andyan kayo may mahabang pasensya. Halos araw-araw nyo ata kaming nasesermunan. Salamat pa dahil kahit na mahirap tayo, hindi nyo ipinaramdam sa amin na talagang gipit na gipit tayo. Salamat din papa kase pinalaki nyo kami sa pagmamahal. Naalala ko noon papa nung time na halos kalahati ng pichi-pichi ang nasayang namin ni Tristan dahil sa aming kalokohan, hindi nyo kami pinagbuhatan man lang ng kamay sa halip pinagsabihan nyo lamang kami tapos pagkatapos non pinakwento nyo sa amin yung kalokohan na ginawa namin na tinawanan nyo lang haha. Nakakamiss yung ganong panahon papa, gusto ko muling maulit ang ganong moment pero imposible na papa... wala ka na ehh, iniwan mo na kami'
BINABASA MO ANG
The Crown Princess
Short StoryIsang mahirap na pamumuhay lamang ang meron sila Therelaine Leigh Nuñez kung saan ang hanap-buhay lamang ng pamilya ay pagtitinda ng pichi-pichi. Pero sa kabila ng kahirapan sa buhay nito ay wala na syang iba pang mahihiling kundi ang masayang pamum...