TCP CHAPTER 2
Tatlong araw na simula nung nilibing ang papa at sa tatlong araw na yon hindi kami nagtinda ng pichi-pichi,Ngayon nalang ulit, kailangan kase namin ni Istan ng pambili ng mga gamit sa susunod na linggo para sa pasukan.
Alas-otso ngayon ng umaga at hinihintay ko si Istan para makapag simula na kaming magtinda. Actually hindi naman kase kami laging magkasama sa pagtitinda, siguro isa o dalawang beses lang sa isang buwan. Hiwalay ang daan na tinatahak namin tuwing kami ay magtitinda upang mapadali, ako sa kaliwa at sya naman sa kanan. Ayaw na ayaw talaga ako isama ni istan kaso ngayon tinatamad talaga ako kaya kahit ano mang pagtataboy ang gawin nya sa akin ngayon sasama't sasama talaga ako.
"ohh ikaw na magbuhat ako na sa pera" sambit ko paglabas nya ng bahay
"oy oy anong, ayoko!" see? sabi na ay
"sama ako, tinatamad ako"
"ayoko nga sa-"
"nyenyenyenyenyenyenye axfgvh" sigaw ko na animoy hindi ko naririnig ang kanyang mga sinasabi. Naglakad na ako palayo sa kanya habang patuloy parin akong nagsasalita ng kung ano ano. Ayoko ng patagalin pa yung usapan namin tinatamad talaga ako.
"LANNIE"
"Ay dede ng manok"
"aww" sabay naming daing sa sakit na natamo. Nagkauntugan kami dahil sa napatalon ako kanina ng sinigawan nya ako.
"taina ka!!"
"wag mo ko sisihin, sakit kaya sa tainga ng sigaw mo tch!" pagkasabi ko non iniwan ko na sya doon at sinimulang sumigaw para mas maaga kami matapos ng pagtitinda.
"Pichi-pichi"
"Aling Bebang!!" tawag ko sa kapitbahay naming chismosa. Halos araw-araw ata di yan nawawalan ng kwento ehh. Pati mga pangyayari sa Central at kabilang bayan updated sya . Nagtataka na nga ako kung saan kumukuha ng pang-chismis yang si aling Bebang.
"ohh Pichi anong ginagawa mo dito? " hindi ko na nasagot ang tanong nito ng magsalita ang kapatid ko na nasa likod ko na
"Aling Bebang Bili na kayo ng Pichi-pichi" pag bebenta nito
"Aba himala at magkasama kayong nagtinda"
"tinatamad po kasi ako"
"aba'y Pichi kelan ka ba sinipag?" napasimangot ako lalo na ng makita ko sa peripheral vision ko na nagpipigil na tawa si Istan. Luh di kaya ako tamad, tinatamad lang palagi pero kahit kaya tinatamad ako ginagawa ko parin yung mga gawain ko. grrr.. Sama!!
"nga pala yung binata na niligtas ng papa mo nakilala nyo?" magsasalita na sana ako ng maunahan ulit ako ng katabi ko
"ho? lalaki po yung niligtas ni papa? pano nyo po nalaman? bakit po ngayong nyo lang sinabi?" sunod-sunod na tanong nito.
"iho isa-isang tanong lang mahina ang kalaban, so hindi nyo nakilala yung lalake?"
"kaya nga po tinatanong diba" nais ko sanang sabihin pero ayoko namang maging bastos lalo na at matanda ang aming kausap. Hindi na lamang ako umimik, hinayaan ko na lang si Istan na kumausap sa kanya siguro naman masasagot na rin mga katanungan sa aking isip kahit hindi na ako magsalita
"hindi po ehh ni hindi nga po namin alam na lalaki yun ehh pero pano nyo po nalaman?"
"nandoon kase ako noon sa may palengke aba'y nakausap ko pa nga si Timothy non ng bigla syang tumakbo. Nagtaka nga ako kung bakit ito tumakbo tapos ayun nakita ko na may niligtas pala ito na lalaki, siguro nga mga kasing edad nyo lang rin iyon base na rin sa katawan at tindig nito, parang ikaw lang Tristan pero mas matangkad sayo."
BINABASA MO ANG
The Crown Princess
Short StoryIsang mahirap na pamumuhay lamang ang meron sila Therelaine Leigh Nuñez kung saan ang hanap-buhay lamang ng pamilya ay pagtitinda ng pichi-pichi. Pero sa kabila ng kahirapan sa buhay nito ay wala na syang iba pang mahihiling kundi ang masayang pamum...