Messenger
MAY 17, 2020 AT 6:31 PM
SSML 💖
Mikyla Nicole:
Lizzy.
Lizzy Elvira:
Whyyy?
Mikyla Nicole:
'Yong pinsan mo pala, nag-chat sa akin. 😃
Lizzy Elvira:
HAHAHAHAHA.
Anong sabi?
Mikyla Nicole:
Kung pwede raw bang manligaw.
Sabrina Marie:
Ang kalat ng pinsan mo, Liz.
Seanah Rienel:
Mas bet niya nga talaga si Mikyla.
Finallow ko siya sa IG, 'di
man lang ako finallow back?
Ang unfair! 😡
Sabrina Marie:
Anong nangyari, Miks?
Mikyla Nicole:
'Yon, friends na kami.
Lizzy Elvira:
HAHAHAHAHA.
Punyeta ka, Miks.
Shet.
Baka iyakan ako ng pinsan ko rito mamaya. 😂
Mikyla Nicole:
Tinanong ko siya kung masakit
ang heart niya, hindi naman daw.
Sabrina Marie:
Bakit ganoon?
Parang ang inosente niya.
Mikyla Nicole:
Inosente nga.
Sabrina Marie:
Inosenteng mukhang playboy.
Seanah Rienel:
Hindi lang inosenteng
mukhang playboy, fck boy rin.
Mikyla Nicole:
I agree.
Sabrina Marie:
I also agree.
Lizzy Elvira:
GRABE KAYO SA PINSAN KO HAHAHAHAHA.
Mabait 'yon, siraulo kayo.
Saka, 'di pa 'yon nagkaka- girlfriend kaya gano'n.
Sabrina Marie:
Ahh, virgin pa.
Mikyla Nicole:
Sabrina, ano naman kung virgin pa?
Seanah Rienel:
😶😶😶
Sabrina Marie:
Wala lang, virgin lang.
Lizzy Elvira:
Oo, Sab, birhen pa ang lalaking 'yon.
Kaya 'di ko alam kung bakit ayaw roon ni Mikyla.
'Di ba ganoon ang bet mo?
Mikyla Nicole:
Luh.
Ang alin?
'Yong fckboy?
Seanah Rienel:
HAHAHAHAHA SHET.
Sabrina Marie:
Oo, ganoon naman talaga ang tipo mo, 'di ba.
Mikyla Nicole:
Luh. Hindi, ah.
Mababait mga tipo ko.
Lizzy Elvira:
Kaya pala pinatulan mo 'yong
ka-blockmate natin last year.
Mas mukha pang fckboy
'yun kaysa sa pinsan ko, e.
Mikyla Nicole:
Umamin 'yon sa akin!
Gusto niya raw ako!
Seanah Rienel:
Oo, naaalala ko 'yon!
Omg! HAHAHAHAHA.
Mikyla Nicole:
Eww, bakit mga tipo ko sa lalaki ang topic n'yo?
😤
Sabrina Marie:
Wala lang, wala kaming ibang ma-topic, e.
Mikyla Nicole:
Kailan na lang ang uwi mo, Liz?
Lizzy Elvira:
Next week na! Omg!
Seanah Rienel:
Excited umuwi ang gaga,
magkikita sila no'ng ka-M.U niya.
Sabrina Marie:
Ilang buwan na kayong mag-M.U, Liz.
Wala kayong balak balak i-level up?
Stay na kayo as forever M.U?
Mikyla Nicole:
Awit 'yan.
Lizzy Elvira:
Ewan ko, 'di naman siya nanliligaw, e.
Seanah Rienel:
Tapos excited umuwi ang
gaga kasi magkikita sila.
Lizzy Elvira:
Manahimik ka nga riyan, Seri.
Mikyla Nicole:
HAHAHAHA 'wag mo na asarin, Seri.
Malay mo bukas sila na lang bigla, 'di ba.
Sabrina Marie:
Uwi ka na, Miks.
'Di kami makapag-club kasi mas
gusto naming kumpleto tayo, 'di ba.
Lizzy Elvira:
Aww, mahal na mahal niyo talaga ako, 'no.
Seanah Rienel:
Oo, kami nga magsusundo sa'yo sa port, e.
Tapos ihuhulog ka namin sa dagat.
Lizzy Elvira:
Eww, Seri, eww.
Seanah Rienel:
Choosy ka pa, makakasama mo
na nga mga isda mong ka-uri.
Lizzy Elvira:
Atleast masarap.
Mikyla Nicole:
Sino
Lizzy Elvira:
Ako, duh.
Mikyla Nicole:
Sinong niloko mo?
Sabrina Marie:
Wala siyang niloko.
Siya ang lolokohin.
Lizzy Elvira:
🙂
Seen by everyone
BINABASA MO ANG
Trip To Paradise
Ficção Adolescente[COMPLETED] An Epistolary Mikyla Nicole is fond of happy endings, it's because she watches a lot of drama's and reads stories that has happy endings on it, but she don't want to be related in real-life boys. When Leo Isaac came to her life, that's w...
