TTP 044

68 3 0
                                    

Messenger

JUL 29, 2020 AT 9:38 PM

SSML 💖

Jowa ni Antonio:
May tinatago ata si Mikyla sa atin?

Future bebe ni Leo:
Wala akong tinatago, Liz.

Jowa ni Antonio:
O talaga?

E, bakit kanina ka pa ngiting ngiti sa phone
mo tapos pag  sisilip ako, nilalayo mo?

Walang bebe:
It's her privacy.

Bebe ni Gentleboy:
Privacy raw!

Panis.

Future bebe ni Leo:
Sabby's right.

Jowa ni Antonio:
Luh.

Pinagtu-tulungan n'yo na ako?

Walang bebe:
Bakit ka kasi chismosa?

Future bebe ni Leo:
HOY HAHAHAHAHA.

Bebe ni Gentleboy:
Napaka-sungit ni Sabrina amp.

Jowa ni Antonio:
Hoy, gusto ko lang namang malaman
kung may jowa na si Mikyla, ah.

Bakit n'yo 'ko inaaway? 😢

Walang bebe:
Ang pabebe mo, Liz.

Kay Antonio mo gawin 'yan.

Bebe ni Gentleboy:
😂😂😂

Jowa ni Antonio:
Pero may jowa ka na nga, Miks?

Bebe ni Gentleboy:
Wala 'yan syempre.

Uso ba kay Mikyla 'yon? 😂

Future bebe ni Leo:
Wala nga, Liz.

Walang bebe:
Can't you see her nickname, Liz?

Jowa ni Antonio:
'Di ako makapaniwala.

M.U na kayo no'n?

Bebe ni Gentleboy:
Hindi rin! 😂

Future bebe ni Leo:
Daming alam Seri, ah.

Bebe ni Gentleboy:
Well. 😎

Future bebe ni Leo:
Wew.

Tandaan mo girl, 'di pa rin
kayo M.U ni Gentleboy. ☺

Jowa ni Antonio:
Omg.

Ngayon lang nagsi-sink in ang lahat sa akin.

May lovelife na pala talaga ang
mga kaibigan ko HAHAHAHA.

Walang bebe:
Wala ako.

Future bebe ni Leo:
😂😂😂

Bebe ni Gentleboy:
At least, 'di ka stress Sabby.

Jowa ni Antonio:
Si Mikyla topic natin.

Parang 'di nagke-kwento sa atin, 'no?

Future bebe ni Leo:
Wala naman akong ike-kwento.

Walang bebe:
'Di pa talaga kayo M.U niyang Leo?

Future bebe ni Leo:
Hindi nga.

Magiging pa lang.

Bebe ni Gentleboy:
Wow.

Taas ng pangarap.

Future bebe ni Leo:
Ikaw rin. Boba.

Jowa ni Antonio:
Hindi ka niya gusto, Miks?

Future bebe ni Leo:
Hindi nga.

Paulit-ulit?

Bet na bet na saktan ako?

Bebe ni Gentleboy:
Wow.

Akala mo naman seryoso.

Future bebe ni Leo:
HAHAHAHAHA.

Pero seryoso, 'di ko siya ka-M.U
at higit sa lahat, 'di ko siya jowa.

Crush ko lang talaga siya.

Walang bebe:
Kapal naman ng mukha mong
i-set ang nickname mo sa ganyan.

Bebe ni Gentleboy:
Kapal naman ng mukha mong
i-set ang nickname mo sa ganyan. (2)

Jowa ni Antonio:
Kapal naman ng mukha mong
i-set ang nickname mo sa ganyan. (3)

FutureBebeNiLeo:
Then, I'll make sure he's going to be mine.

Seen by everyone

Trip To ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon