TTP 073

77 4 0
                                        

🍁▪🍁▪🍁

"Punyeta."



Kinagat ko ang labi ko at pinaypayan ang sarili. Kinakabahan ako. Sobra akong kinakabahan. Anumang oras ngayon ay pwede ko na siyang makita. Makikita ko na ang crush ko! For real!



Madalas din naman kaming nagvi-video call at masasabi kong close na nga kami pero iba pa rin kapag personal na talaga.



I don't know how should I act. 'Yong normal lang ba dapat or pabebe? Pero joke. I shouldn't act like pabebe dahil hindi naman ako gano'n.



Muli kong tiningnan ang orasan at huminga nang malalim. Hindi nag tagal, narinig ko ang katok ni Mamu. OMG! Is Mamu going to tell me na nandiyan na si Isaac?



I can't help but to smile.



"Anak? May naghahanap sayo rito, manliligaw mo raw?!" sigaw ni Mamu mula sa labas ng kwarto ko.



Napatakip ako ng bunganga ko. So, nagpakilala talaga siya ng kanya, ha.



"Patapos na po, Mamu!" sigaw ko naman pabalik.



Ayaw kong paghintayin si Isaac sa labas pero kailangang maayos na maayos ang itsura ko kapag magkikita na kami.



Pinasadahan kong muli ang itsura ko sa salamin. I'm wearing a yellow checkered blouse and paired it with black pants and white shoes. Kinulot ko rin ang buhok ko para maganda talaga ako. I sprayed perfume all over my body. All over my body talaga para ma-in love siya lalo. Charot!



Nang matapos sa ginagawa ay huminga ako ng malalim at ngumiti.



"You can do this, Miks," I told myself.



Mabuti na lang ay may second floor ang bahay namin. Dahan-dahan ang ginawa kong pag lakad. Sumilip pa ako sa baba at may nakita akong lalaki. He's Isaac for sure!



Oh my gosh!



Tuloy na tuloy ngang talaga! Magkikita na nga talaga kami ngayon! OMG! Hindi ko alam pero gusto ko na lang bigla ang magpakain sa lupa!



"Hey."



Nanlaki ang mata ko at na-estatwa sa kinakatuyan ako. He just greeted me, okay? He fucking greeted me wearing his own sweet smile! OMG! Napaka-gwapo!



Pinasadahan ko ng tingin si Isaac. He's wearing a black shirt and pants, and he paired it with white shoes, too. Tiningnan ko ang mukha niya. Nakataas ang buhok niya na lalong nagpa-gwapo siya, plus, hindi mawala ang ngiti sa mukha niya! Hihimatayin po ata ako.



"Ang gwapo nito, Anak, ah?" rinig kong sabi ni Mamu sa gilid na may hawak nang bouquet of roses ngayon.



Dahil hindi ko alam ang gagawin, imbes na lumapit kay Isaac at batiin siya'y sa tabi ni Mamu ako dumiretso.



"Mu, manliligaw ko ba 'yan?" bulong ko kay Mamu dahil ako hindi makapaniwala.



"Aba. Malay ko sa'yo? Nagpakilala siya bilang manliligaw mo, e," sagot naman ni Mamu sa akin at itinulak na ako papunta sa harapan ni Isaac.



When Mamu did that, I heard him chuckle. Shet. Ang ganda namang ringtone no'n. Charot!



"H-hi," kinakabahan kong bati.



Inayos ko pa ang takas na buhok at lumunok. Ang hirap ding huminga. Parang ang liit ng space ng bahay dahil napaka-lapit ko sa kanya.



Trip To ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon