🍁▪🍁▪🍁
"Tulala ka na naman, girl," pang-aasar ni Lizzy kay Seri at saka tumawa.
Ngayon ang day 5 ng Batangas trip namin at kahapon ay may dumating na hindi namin inaasahan dahil talaga nga namang nakakabigla. Dumating si Gentleboy kaya naman ngayon, sa tingin ko'y tulala si Seri dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.
"Grabe. Ang gwapo niya, 'no?" bulong ko para asarin si Seri at tumingin nga siya nang matalim sa akin. Tinawanan ko lamang siya.
"Sumasakit ang ulo ko rito. Tara, labas na tayo."
Nanguna sa pag labas si Sabrina na sinundan ni Seri at Lizzy. Nag suklay naman muna ako at inayos ang sarili. Day 5 na ngayon at wala na kaming magawa dahil halos lahat ay nagawa na namin. Puro na lang kami pictures dito. Nakapag-island hopping na kami at kung ano pang pwedeng gawin. Literal na peace of mind na lang talaga ang tanging gusto naming gawin.
Kakagising lang nila Seri pero ako'y kanina pa gising dahil ako ang naka-toka para sa breakfast namin. Pagkarating namin sa sala ay nandoon na si Gentleboy o si Ellias kasama si Six at syempre, ang boyfriend kong si Isaac.
Napangiti ako nang kindatan ako ni Isaac. Ang sarap ng ganitong feeling. Ang sarap na kasama ko lang ang taong mga mahal ko sa buhay sa iisang bubong. I will never forget this moment!
"Kain na tayo," yaya ko sa kanila at dumiretso ng kusina.
Sumunod sa akin si Sabby at Seri at tinulungan ako sa paghahanda ng plato.
"Grabe, kinakabahan ako, girl. Bakit ba kasi ang gwapo niya?" humawak pa si Seri sa puso niya na parang kinakalma ang puso dahil mabilis ang tibok nito.
"Mga tinginan sa'yo ni Ellias e, 'no," nag ngising aso si Sabrina at tiningnan si Seri. "Parang may something..." dagdag pa ni Sabrina.
"Ito na ang chance mo lumandi, sis," pagbibiro ko rin na tinawanan lang ni Seri.
"'Wag n'yo naman akong paasahin. Mga loko kayo," ani Seri at umirap.
Tinawanan lang namin ni Sabrina si Seri. Maya-maya lang ay sumunod na rin sa amin ang iba pang kasama.
Dumiretso naman si Isaac sa tabi ko at bumulong."Good morning, love," sabi niya at marahan akong hinalikan sa pisngi.
"Kay agang pag landi rin sa inyo!" sabi ni Lizzy sa harap namin, tuwang tuwa.
"Ahh iniwan," pang-aasar ko. Ang kaninang tuwang-tuwa niyang mukha ay napalitan ng pagka-irita. Tinawanan ko na lamang siya.
"Love, kuha mo 'ko ng kanin," bulong ni Isaac sa tabi ko. Inilapit ko nga ang kaldero at nilagyan ang plato niya at ganoon na rin sa akin.
"Love, ulam," sabi ulit niya nang matapos ako sa paglagay ng kanin sa plato niya. Kinuha ko rin ang niluto kong sinigang na baboy at nilagyan ang plato niya at plato ko.
"Love," pagtawag niyang muli.
Hinarap ko na siya at pinagtaasan ng kilay. Ano ba problema ng lalaking 'to at parang 'di makakilos nang kanya lang at kailangang umasa pa sa akin?
"Ano?" masungit kong sagot na tinawanan niya.
"I love you," sabi niya at bigla akong hinalikan sa labi.
Agad na namula ang mukha ko at unti-unting napangiti. I really love it kapag hinahalikan niya ako nang biglaan o 'di kaya'y hindi ko alam. Ilang beses niya na 'tong ginagawa at hindi man lang masanay-sanay, namumula pa rin ang pisngi ko.
"Ehem," hinarap namin si Seri na ngayon ay umiinom ng tubig. "Respeto naman sa single mong friend here," sabi niya.
"Ehem," si Six naman ang hinarap namin. "Nandiyan naman si Ellias, ah?" pang-aasar ni Six.
"Luh. 'Di ka mahal ng Nanay mo?" Seri fired back.
"Mahal ako ni Mommy," sagot naman ni Six.
"Yuck, Mommy raw. Ano ka, baby?" pagtataray ni Seri.
Lahat kami'y tumawa sa sinabi ni Seri. Hinarap ko si Isaac at bumulong.
"Mommy ang tawag mo kay Tita, 'di ba? Baby ka?" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Oo, baby mo," sagot niya at hinawakan ang kamay ko mula sa ilalim ng lamesa.
"Kumain ka na nga," sabi ko naman at binawi ang kamay ko. Napakalandi ng lalaking 'to.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Puro asar din ang abot ni Seri at Ellias. Nanahimik na lang tuloy si Seri at nagseryosong kumain para tigilan na namin siya. Nang matapos kaming kumain ay nagbihis na ng swimsuit pagkatapos ay pumunta na ng tabing dagat.
Kasama ko si Isaac ngayon at siya ang photographer naming apat. Nagpakuha pa kaming magkakaibigan ng ilang pictures kay Isaac at pagkatapos ay kaming dalawa naman.
Ramdam ko ang palad ni Isaac sa baywang, mula sa likod ay nakahawak siya sa habang ang mga mata namin ay diretso sa camera na hawak ni Sabby. Ilang shots pa ang kinuha ni Sabrina at ilang pose din ang ginawa namin.
"Are you happy, love?" tanong ni Isaac nang tingnan ko isa-isa ang mga pictures namin.
Gabi na at kakatapos lang namin mag hapunan. Nandito ulit kaming dalawa ni Isaac sa may tabing dagat. Nag latag kami ng sapin dito sa may buhanginan. Ang iba naman naming kaibigan ay nasa loob na ng bahay. Ganito kami lagi ni Isaac tuwing gabi, nakatingin lang kami sa kalmadong dagat habang nag-uusap ng mga kung ano ano.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing makikita ko kung gaano kami ka-sweet sa mga pictures! Ang ganda gandang tingnan. Sana'y ganito palagi...
"Of course," sagot ko at ngumiti. "Ang ganda ganda ng mga kuha natin pati na rin 'yong mga kuha mo sa aming magkakaibigan."
Ibinaba ko ang camera at isinandal ang ulo sa balikat ni Isaac, we intertwined our hands, too. Tiningnan ko lang ang kamay naming magkadikit. It feels like our hands was made for each other, saktong sakto...
"I can't be a model cause I wanna be a chef, love," sabi ko pa. "But you should pursue your passion."
Gusto ko sanang maging model para ako lang lagi ang kukuhaan ni Isaac ng litrato ngunit hindi naman pwede 'yon. Mas gusto ko ring maging chef, gusto ko ang pagluluto. Gusto kong mapasaya ang mga tao sa pamamagitan ng mga luto ko.
"After graduating, I'll take another course that's connected to photograpy. Don't you worry, okay?" he pats my head.
"Since you're a great photographer, gusto ko sa opening ng restaurant ko, ikaw ang kukuha ng mga pictures. Ayos ba 'yon?"
Tumango tango naman siya. "Of course, love."
He encircled his hands on my wait. Nasa likod ko na siya ngayon at nakayakap siya sa akin.
"Can I say something crazy?" He asked.
"Hmm?" tanong ko. Ang atensyon ay nasa dagat.
"I wanna marry you," He said.
"Hey, that's not even crazy," I whispered. Naluluha na ako sa narinig. "I wanna marry you, too."
Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Let's marry each other when we're successful enough, okay?"
Tumango-tango ako sa sinabi niya.
Everything is planned...
🍁▪🍁▪🍁

BINABASA MO ANG
Trip To Paradise
Roman pour Adolescents[COMPLETED] An Epistolary Mikyla Nicole is fond of happy endings, it's because she watches a lot of drama's and reads stories that has happy endings on it, but she don't want to be related in real-life boys. When Leo Isaac came to her life, that's w...