PROLOGUE

133 5 0
                                    

Prologue

JUDAS
May 1, 1892

Ngayong araw na ito ay ang aking kaarawan. Ngunit kami ay hinahabol ng mga tauhan ni Papa at kasama ko ngayon ang aking kasintahan na si Pablo. Oo lalaki siya dahil ako ay isang bakla at tutol ang aking ama sa pagmamahalan namin ni Pablo, kaya eto kami ngayon hinahabol ni Papa na balak patayin si Pablo at kunin ako para ikulong sa bahay.

Nandito kami ngayon sa gubat.

"Mahal natatakot na ako" saad ko dahil sa mga humahabol sa amin at pangambang may mangyayaring masama.

"Wag kang mag-alala mahal dahil nandito ako para protektahan ka" sabi ni Pablo na siyang ikinangiti ko.

Habang kami ay naglalakad sa gitna ng gubat, may narinig kaming putok ng baril at kami ay naalarma. Tumakbo kami ng tumakbo dahil nasa likod na pala namin ang mga humahabol sa amin. Habang kami ay tumatakbo, ako ay nadapa at nasugatan. Agad akong pinatayo ni Pablo at pinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit agad rin kaming naabutan ng mga tauhan ni Papa.

Humarap si Pablo sa akin sabay sabing "Mahal kahit anong mangyari lagi mong isipin na mahal na mahal kita" sabay halik sa akin na lumuluha.

"Mahal na mahal rin kita ngunit lalaban tayo ng sabay Mahal at wag mong sabihin yan dahil walang mangyayaring masama" sabi ko habang umiiyak.

Ngunit habang kami ay magkayakap na umiiyak, may bigla pumutok na baril at biglang natumba si Pablo.

BINARIL NILA ANG AKING MAHAL.

"MAHAL BUMANGON KA MAHAL NA MAHAL KITA" saad ko habang umiiyak.

"M-ma-mahal, mahal n-na m-mahal k-kit-kita" bulong niya sa akin at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"HINDEEEEEEEE" sigaw ko habang umiiyak.

Agad akong tumayo at lumapit sa isa sa mga tauhan ng aking ama at mabilis kinuha ang kanyang itak at itinapat sa aking puso.

"Mahal ko, pangako darating ang panahon na tayo'y muling isisilang at magmamahalan ng wala ng hadlang" sabi ko habang umiiyak at sabay saksak ko sa sarili ko.



Itutuloy.......
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME

Mahal Kita Noon Pa Man Hanggang Ngayon (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon