⚔Chapter 12⚔
🗡Sorry🗡••Vladimir Lereg's POV••
Nakabalik ako sa mansion at agad akong sinalubong nila Nana at hindi maipaliwanag ang kanilang mga mukha.
"May problema ba? nakauwi naba si Aristia?"tanong ko habang nililibot tingin sa paligid.
"S-sir Vladimir umalis na po si Ms.Gil." sabi nila kaya agad akong napalingon.
"Saan nag punta?" takang tanong ko dahil wala naman akong alam na may lakad sya ngayon.
"Hindi po namin alam sir pero may bitbit pong malaking bag si Ma'am at sinabi po saming kayo ang ituring naming amo hanggat wala sya.." Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila kaya napagpasyahan ko nalang na mabilis umakyat papunta sa kwarto nia.
Kumatok lang ako at binuksan na ito ngunit katahimikan ang bumungad sakin at ang naka bukas na pintuan ng veranda sa Kwarto nia.
Nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba kaya't bumaba ulit ako para tanungin sila.
"Wala ba talagang sinabi kung san sya pupunta?" Bungad na tanong ko pagkababa.
"Wala po sir pero pinapabigay po ni Ma'am Rain itong susi.. Susi raw po yan sa isang garahe nia at pinapasabi na ingatan nio raw po." Sabay abot nito ng susi sakin at taka ko lang tong tiningnan pero napagpasyahan kong lumabas ng mansion at puntahan yung isa pang garahe na tinuro nila na para raw kay Aristia lang.
Agad kong ginamit yung susi at kusa na itong bumukas at puro napaka mamahaling sasakyan ang bumungad sakin at ibat-ibang klase ng motor.
I just looked around pero hindi ko parin maintindihan kung bakit sakin nia pinagkakatiwala ito ng may makita akong folder sa isa sa mga sasakyan na agad kong nilapitan at halos hindi ako makapaniwala sa nakalagay sa loob..
It was a documents that she signed na nagsasabing sakin nia pinagkakatiwala lahat ng Ari-Arian na meron sya hanggat wala sya at ang iba ay Death Will na kung sakaling may masamang mangyari sa kanya ay lahat-lahat ng pag-aari nia ay sakin mapupunta.
What the h*ll is this for?
Dumoble yung kaba ko dahil pakiramdam ko'y may masamang mangyayari sa kanya ng hindi ko alam.
Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ngunit wala akong nakapa kaya't agad akong tumakbo palabas dala yung mga papeles at agad sinarado ang garahe at agad pumasok sa mansyon paakyat sa kwarto ko dahil tanda ko na naiwan ko yung cellphone ko don kaninang umaga dahil sa pagmamadali.
Agad kong binuksan yung pintuan at nakita ko yung cellphone ko na nasa tabi ng kama kaya agad ko itong pinuntahan para tawagan sya ng mapansin kong iba na naging wallpaper ng phone ko at naging si Aristia nalang na nakangiti at kuha mismo sa loob ng kwarto ko.
Agad kong nilibot ng tingin ang kwarto ko at tingin sa litrato nia at mukhang ngayon araw mismo lang din nia kinuhanan.
Ngunit agad rin akong napahinto at nagtataka kung paano nia napalitan ang litrato dahil may password ko ito.
Ang anniversary namen noon..
My heart's beating fast na parang kakawala na sa dibdib ko dahil sa matinding kaba dahil nasa cellphone ko lahat ng memories namen noon na ilan sa mga natitirang pinag kaingat-ingatan ko at tinatago ko sa kanya.
I unlocked my phone and checked my messages at andoon pa lahat na mostly mga messages pa ni Aristia noon at sunod kong tinignan ay ang mismong gallery na nakita ko na may ilang nadagdag at kabado kong binuksan ang album na nakapangalan sa kanya na hindi ako ang naglagay.
I checked all of her pictures at lahat yon ay nakangiti sya ngunit halatang maga ang kanyang mga mata na parang kakagaling lang sa pag-iyak.
I just looked at all of her pictures habang napahiga sa kama at sino zoom pa ilang kuha nia para makita ko kung umiyak nga ba talaga sya hanggang sa mapadpad ako sa videoclip nia na ngayon ko lang rin nakita kaya agad akong napaupo at nangangatog ang mga daliri ko ng pinlay ko na yung video.
She was just sitting on where I'm sitting right now habang nakatutok sa kanya ang camera ng phone ko na mukhang pinatong nia sa lamesa sa tabi ng kama.
Nanatili syang tahimik at nakayuko at ilan sandali pa rinig ko na ang mga hikbi nia at panay punas nia ng luha.
She just cried for few minutes at panay pahid sa mga mata nia at gusto ko syang yakapin habang pinapanuod sya dahil ramdam ko nahihirapan at nasasaktan sya.
Ilang sandali pa humugot ito ng malalim na hininga at rinig parin ang mga hikbi nia at dahan-dahan ng angat ng tingin...
The moment she looked on the camera parang dinurog yung puso ko dahil halata na sobrang nasasaktan sya at pilit syang ngumiti ng tipid habang patuloy ang luha sa mga mata nia.
May pumatak na tubig sa screen ng cellphone ko na agad kong pinunasan at kinapa ko ang aking mukha dahil hindi ko namalayan na napatak na pala luha ko habang pinapanuod si Aristia.
Nagpunas ako ng luha at pinag patuloy syang panuodin..
"H-hon...." Garalgal na tawag nia na agad naging dahilan ng hindi ko na mapigilang pagluha at napaupo sa sahig katabi ng kama habang hawak ng mahigpit yung cellphone ko.
"H-hon I-im sorry..." Umiyak na sabi ni aristia at yumuko ulit.
"I-im sorry..."
"I-im sorry k-kung hindi kita maalala.." Himihikbing sabi nia.
"I'm sorry na n-nasasaktan kita d-dahil hindi kita maalala"
"I'm sorry..." Paguulit nya at kagaya nia ay hindi ko narin mapigil ang aking pagiyak.
"H-hindi kita matandaan H-hon..p-pero b-bakit hindi mo man lang sakin sinubukang Ipaalala? M-may nagawa ba ko sayong m-mali kaya dimo masabi sakin?"
"K-kung meron I-im sorry... Hindi ko gustong saktan ka.."
"I-I'm sorry..."
"Nakalimutan man kita pero itong puso ko..I-ikaw parin laman nito.. H-hindi ko gustong saktan ka k-kung may nagawa man ako p-please sabihin mo naman sakin... Itatama ko.."
"I-itatama ko lahat.."
"P-pakiusap ... Tulungan mo kong maalala ka.. Nakikiusap ako sayo hon.."
"Ayokong makalimutan nalang ng g-ganun memories naten l-lahat ng pinagsamahan n-naten.."
"I-I'm begging you Vladdy...Help me...tulungan mo ko h-hindi ko na kaya."
"I'm sorry Vladdy ..I'm so s-sorry.." Agad kong inoff yung phone dahil hindi ko na kayang marinig pa ang pag iyak nia dahil sobrang nasasaktan ako.
Agad akong napayuko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang aking hikbi.
I should be the one saying sorry Rain...
Dahil ako ang may malaking kasalanan sayo...
Patawarin mo ko...
Pakiusap...
Ako nakikiusap sayo hon...
Patawarin mo ko....
Patawarin mo ko kung hindi ko magawang ipaalala sayo dahil hindi ko kaya..
Hindi ko kaya dahil alam kong mawawala ka sakin...
Patawarin moko sa mga ginawa ko....
Sasabihin ko sayo lahat-lahat pag kaya ko na sa ngayon patawarin moko..
"I-im sorry Hon... I'm so sorry....."
BINABASA MO ANG
Taming The Legendary Assassin (Last Season)
Action⚔TAMING THE LEGENDARY ASSASIN⚔ (Season 2) 6years ago .. I lost my family that been my whole world so suddenly... My weakness is my emotions but this weakness also gives me strength to stand again.... Revenge is the only thing that keeps me going N...