⚔Chapter 19⚔

339 17 0
                                    

⚔Chapter 19⚔
🗡Panic🗡

••Vladimir Leregs POV••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

••Vladimir Leregs POV••

After revealing her past to her I was just closing my eyes and waiting for her to end my life at ang dagger na hawak nia na may lason sa aking balat ngunit agad nyang inalis ito bago pa man ako masugatan at agad akong napadilat.

I saw her dropped the dagger at patuloy na umiiyak ng hindi naglilikha ng kahit anong tunog at nakatingin sakin at agad humawak sa ulo nia...

"H-hon are you ok?" Alalang tanong ko sa kanya at agad syang nilapitan at pilit pinapatingin sakin ngunit hindi ko magawa dahil agad syang sumiksik sa sulok ng kama..

"W-wag kayong lalapit .." mahinang sabi ni Aristia at kita ang matinding takot sa mga mata nia habang tinatakpan ang mga tenga at umaatras sa kanyang kama.

"H-hon ako to.." Sabay hawak ko sa braso nia pero lalong nagsiunahang pumatak ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng matinding takot at mas sumiksik pa lalo sa sulok

"W-wag nio kong sasaktan... T-tama na.."umiiling na mahinang sabi ni Aristia.

"K-kuya ...  A-ayoko na ..tulungan nio ko.. m-mommy hindi ko na k-kaya.. D-daddy." Patuloy na pag iling nia at mas sumiksik sa sulok habang mahinang nagmamakaawa at patuloy sa pag-iyak nito.

"H-hon its ok.. Nandito ako."pilit ko syang pinapakalma ngunit parang hindi nia nako makita o marinig man lang..

Ito ang dahilan kaya ayaw kong maalala nia pa dahil isang napaka laking trauma sa buong pagkatao nia ang mga pangyayari noon.

Nasasaktan akong makita syang ganito.

Agad kong niyakap si Aristia at agad itong nangatog sa takot at pinipilit akong itulak palayo at hindi ko narin mapigilan ang luha sa mga mata ko habang yakap sya.

Ramdam na ramdam ko kung gaano sya nasasaktan at nahihirapan ngayon.

"H-hon please wake up.. Ako to si Vladdy.." Umiiyak na bulong ko habang hawak sya habang sya'y patuloy parin sa pag mamakaawa at pagpupumiglas kasabay ng panay nyang pag hikbi.

"A-ayoko na ..please m-mommy t-tama na.."

"Hon.. Please stop.. W-wala na sila, hindi kana nila masasaktan pa ulit. Proprotektahan kita sa lahat. So please w-wake up." Pagmamakaawa ko habang yakap sya.

"Save me.. I-it hurts h-hindi ko napo k-kaya .." Mahinang bulong nia at panay parin ang iyak ng biglang mangatog ang buo nyang katawan at nahirapan ng huminga.

"h-hon..!" Agad kong pinindot ang emergency button para tumawag ng doctor at agad pilit na pinapakalma si Aristia.

"T-tulungan nio ko.. T-tulungan nio ko.."patuloy na pagmamakaawa nia ng dumating agad ang ilang doctor.

"What happened to her?" Sabay lapit nito at mas lalong kinatakot ni Aristia ng makita sila .

"Nahihirapan po huminga.. P-pakiusap tulungan nio po sya.." Pagmamakaawa ko at agad tumayo para malapitan nila.

"H-huwag kayong lalapit!!" sigaw nia sabay pulot ng dagger na nasa kama na agad kinahinto ng mga doctor.

"T-tama na. Hindi ko na kaya.."

"V-vladdy...s-save me..." Mahinang tawag ni Aristia pero nasa mga doctor nakatingin at patuloy ang pagiyak habang hirap sa pag hinga.

I quickly run to her and removed the dagger in her shaking hand at agad ko itong tinapon sa kung saan.

"Hon, nandito nako.. H-hindi kana masasaktan pa ulit a-ako to si Vladdy.." Mahigpit na yakap ko sa kanya at agad syang tinurukan ng pampakalma ng doctor at naramdaman kong kumalma ang pangangatog ng katawan nia at agad ko syang tinitigan sa mata.

"Aristia I-I'm here.. H-hindi ko na hahayaan saktan kapa nila ulit hanggat nandito ako, Ililigtas kita.." Pilit akong ngumiti sa harap nia habang nakatitig lang sakin ang mapupula nyang mga mata habang patuloy parin sa pag iyak at hikbi.

"V-vladdy...."Naluhang tawag nia.

"Vladdy...." Yumuko si Aristia habang tawag ako at mahigpit na humawak sa kaway ko na nakahawak sa kanya at dahan-dahan ko syang niyakap and this time hindi na sya nagpupumiglas.

"D-don't leave me hon..P-please lu...lumayo na tayo.."nanghihinang pagmamakaawa nia at tumango ako.

"We will, ilalayo na kita..just take a rest at magiging ayos rin ang lahat."Tipid na ngiting sabi ko.

Aristia slowly nodded her head at dahan-dahan lumuwang pag kakahawak nia sa kamay ko at napasandal nalang sa balikat ko't agad nakatulog dahil sa gamot na tinurok sa kanya at dahil narin sa pagod.

Dahan-dahan at maingat ko syang ihiniga sa kama at lumayo ng unti habang hawak ng mahigpit kamay nia para malapitan ng mga doctor dahil natanggal ang dextrose na naka kabit sa kanya kanina.

Kinabitan sya ng respirator para maayos na makahinga at may kung ano-ano pang ginawa para masuri ng ayos ang kanyang kalagayan pero ang mga mata ko nakatutok lang sa mukha ni Aristia na mukha paring nahihirapan at agad lumapit sakin yung doctor ng tapos na syang masuri.

"Please try to not agitate the patient, right now she's in the state of shock and delusion and she might have a sudden heart attack if it happen again so we need to be more careful.." Sabi ng doctor at tumango lang ako.

"Call us again when she wake up." Utos nito at umalis na sila.

Agad akong lumapit kay Aristia at marahang pinunasan ang luha sa kanyang mata na ngayo'y natutulog na.

"I promise that this time I won't just leave you and just let you suffer alone.." Bulong ko at hinalikan sya sa noo.

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon