Chapter 7

74 22 0
                                    

note:
maeencounter niyo dito yung isang cast sa kakatapos ko lang na work na si allura jang ito yung time na nagtatrabaho pa siya sa boss niya pati hanggang ngayon parin naman hope you enjoy this new update thank you.




***


Chapter 7: Closure







Naglulunch pa lang ang mga empleyado ko habang ako dito sa loob ng opisina ko kanina ko pa tinitignan ang sulat ni Hage sa sticker note. Ano ba talagang ibig sabihin nito? Bakit parin ba niya ginagawa ito sa akin sa kabila ng pagsusungit ko sakanya. I don't understand him. Ginugulo niya yung utak ko!



From: Aisha
Sis! Sa Saturday na baka naman di ka makapunta nyarn?

To: Aisha
Oo na!

From: Aisha
Ciao! Hahaha.



Inasikaso ko na yung pipirmahan na document na mga nakalagay sa folders. Ang gusto ko sakanila kapag sinabing may ipapagawa ako na ganito kaagad naman nilang gagawin ng walang mali para diretso pasa na sa akin. Ang last na agenda ko nalang yung meeting ko pa dito.


Tinawag nako ni Allura para sa meeting tapos nilock ko na itong opisina ko pagpasok namin sa loob ng meeting room nandoon na silang lahat nagbow naman sila sa akin bilang pagbati. Sinimulan na nila ang pagdidiscuss.

Madali lang natapos iyon at yung mga napag-kasunduan ay sang-ayon naman sa iba at kanina ng nasa meeting kanina pa tumatawag si kuya hindi ko alam kung bakit hindi ko yon nasagot dahil nasa meeting ako.


[Pwede ka bang pumunta dito? May nangyari kasi...]

Bigla nalang naputol ang tawag niya. Shit! Ano bang nangyari?

"Allura, please cancel all the meeting that i have today. May emergency." sabi ko sakanya

"Yes po madam." sagot naman niya at tinignan ang mga list na merong sched ngayon.

"And pwede narin kayong umuwi ng maaga." dagdag ko pa at ngumiti naman siya sa akin.

Ayan! Ang gagaling kapag sinabi kong half day lang sila. It's fine i know sanay naman sila sa ganitong routine ko dito sa opisina.



Pinaandar ko na kaagad ang kotse patungong tambayan nila. Ano ba kasing nangyari? Ito namang si kuya pinapakaba ako eh nakakainis! Nang dumating ako doon lahat sila matamlay ang mga itsura.


"Anong nangyari?" naka-kunotnoo kong sabi kay Thylane.

"Madam si boss po nasa ospital may away na nangyari kagabi madam at tsaka po si sir ford din po." - Thylane.

"Ano?!" gulat kong sabi.


"Kahit kailan talaga yang si Hage. Napaka!" sinabi na nila kaagad sa akin ang pangalan ng ospital sinamahan ako ni Thylane at ni Chandria sa ospital.



Pagpasok pa lang namin sa ospital may naririnig nakong nagwawala na isang patient.

"Ano ba tong mga pinagkakabit niyo sa akin! Ano ba! Hindi niyo tatanggalin ito! Or else..." pagkarinig ko nun nagtungo nako sa kwartong iyon.


Lahat sila napatingin sa direksyon ko at ang kaninang nagwawala na mukha niya ay napalitan ng pagkagulat tsk!



"Maiwan na po namin kayo ma'am." sabi sakin ng nurse niya. Pagkaalis ng mga nurse kaagad akong napailing sa kagagawan niya.



"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tingin ang ibinigay niya sakin at ganon pa din ang kanyang malamig na boses.



"Ano pa eh di pinuntahan ka. Si Kuya na saan?" tanong ko pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mga bandage ni kuya sa bandang kaliwang bahagi ng mata niya at mukhang pasa iyon at may sugat din sa gilid ng labi niya. Tsk! Ano na namang kagagawan ang ginawa nila!


Madam CEO & Her Ex-Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now