DEVIN P.O.VHabang kumakain ako ng dalang sandwich ni maysii, pinagmamasdan ko siya.Shet! Bat ang ganda ng babaeng to sa paningin ko?. Di ko aakalaing makikita ko ulit siya Ilang taon na rin kasi ang lumipas simula nung makilala ko siya. Siguro nakalimutan na niya ko noon kasi bata palang kami ng magkakilala kami. Naaalala ko pa nga laging "bata" ang tawag niya sakin kahit na sinabi ko na sa kanya ang pangalan ko. Makakalimutin kasi tong babaeng to AHAHAHA.
Hays! Nagkita ulit tayo maxie. Sa sobrang pag-iimagine ko sa nakaraan di ko namalayang ubos na pala ang kinakain ko-.- . Lumapit ako sa maliit na ref. ni maxie may tubig naman siguro dito. Sabi na eh , kumuha ako ng maiinom saka tiningnan si maxie. Nakatulog na ang putek! HAHAHA ang amo ng mukha niya kapag tinitingnan.
Lalapitan ko sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Iniluwa nito si Lorenz, Nagkatinginan kaming dalawa saka niya ibinaling ang tingin kay maxie.Napataas ang isa niyang kilay muli niya akong tiningnan.
"Tapos ka na bang kumain?"Malamig niyang tanong. Tumango nalang ako sa kanya saka kinuha ang platong kinainan ko kanina.
Lumapit ako sa pwesto niya. "Sige bro, baba muna ako"Sabay tapik ko sa braso niya pero di niya ko pinansin. tsk! problema neto?Hayaan nalang nga. Pakalabas ko saka niya isinara ang pinto.
Iling - iling akong bumaba ng hagdan. Naabutan ang iba na nasa sala tas yung iba naman nasa garden ata. Di ko na sila inabala. Tumungo na lamang ako sa kusina. 6:30 p.m palang naman so makakapagluto pa ko ng makakain namin mamaya. Ako nalang magluluto total wala naman akong ginagawa saka pagod yang mga yan mamaya panigurado.
Inihanda ko na ang mga ings. saka ang mga materyales na ginagamit sa pangluto. Adobo lulutuin ko saka prinitong isda. NagsiMula na kong magluto. inuna kong lutuin ang adobo saka ko sinunod ang pri-prituhin kong isda.
Ilang minutong pagluluto ay sa wakas natapos ko na din. Inilagay ko na sa tamang lalagyan ang adobo at isda. Tiningnan ko ang orasan, It's already 7:30 p.m kaya naman paniguradong maya-maya lang pupunta na sila dito sa kusina. Inilagay ko na ang niluto ko sa lamesa saka kumuha ng plato, kutsara't, tinidor. Inayos ko na ang mga nakalagay sa table.
Saktong pagtapos ko magprepare ay maingay na nagsi-datingan sila dito sa kusina. Napatingin sila sa mga pagkain saka ibinaling ang tingin sakin. Napanganga ang girls, ang boys naman pinagmasdan lang ako. NgiNitian ko nalang sila, saka inalis ang apron na suot ko.
"Omyygg! ikaw nagluto ng lahat ng ito Devin?"Manghang tanong ni Jayziel. Nabatukan naman siya ni mica.
"Ikaw talaga magtatanong pa eh, obvious naman"Tumawa nalang sina Larisse at stella.
"Magsi-upo na kayo para makakain na tayo, alam kong pagod na kayo"Nakangiti kong sabi sa kanila.Sumunod naman sila sa sinabi ko.
"Teka tatawagin ko lang sila Maysii."Sabi ni stella. Tumango nalang kami sa kanya. Agad naman siyang tumayo at tumungo sa kwarto ni Maysii. Hays kasama nga pala niya si Lorenz.
Ilang sandali lang bumalik na ulit si Stella kasama na sina Maysii at Lorenz na halatang bagong gising ang dalawa. "Bagong gising ah ehem"Nang-aasar na sabi ni Julz.
"Naks naman! magkatabi ulit kayo matulog? HAHAHA"Tanong naman ni clyde. Tiningnan ko lang sila. Inirapan ni maysii ang dalawa habang nakangisi naman si Lorenz.
"Anong masama dun?tsk"Takte! Nagtatabi pala tong dalawa tas ok lang kay maysii. Sabagay ganun naman talaga to! walang malisya sa kanya lahat.
"Tsk"
"Ah eh wala naman HAHAHA sabi na kasi sayo clyde eh wala namang masama kung magkatabi sila matulog yang utak Mo talaga ang duMi"Sabi ni julz. Nabatukan naman siya ni Clyde.
"Tangina mo pre! Ako pa sinabihan mo nyan eh ikaw unang nang-asar-.-"Babatukan na sana ni Julz si Clyde ng biglang magsalita si Maysii.
"Tsk! tama na nga yan. Kumain na tayo!."Tumango na lamang ang dalawa . Gaya ng dati ako ang nagpray saka namin sinimulan ang pagkain.
____
LOREN P.O.V~
Grabe! close pala sila ni maysii tsk!.Nagawa pang matulog sa kwarto ni maysii-.- badtrip ka tol! Kanina pa kami tapos kumain sina Stella na ang naghugas ng pinagkainan namin. So bale ang iba nagpapahinga na, kami naman nila maysii andito sa sala nanunuod ng movie.
"Grabe di kayo nagsasawa sa horror movie na yan?"Tanong ni Mica. Kakarating lang niya, kakatapos lang ata nila magharutan ni cylde psh. Di ako bitter ah-.-
"Si clyde nga di nagsasawa sayo, syempre ganun din kami sa horror movie duh!"Sagot ni Stella. Ayan na naman ang dalawa magbabangayan na naman yan.
Gaya ng dati magkakatabi kaming nakahiga sa lapag nina Julz,Jayziel , Rafael, Larisse, Devin , Maysii at ako. Si stella katabi si Chester habang sina Mica at clyde naman nakaupo sa sofa. Yung dalawang yan di mapaghiwalay tsk!. Busy na busy ang iba kakapanuod ng horror movie habang ako eto busy kakapanuod sa anghel na mukha ni maysii.
"Shit!"Nagulat ako sa biglaang pagsigaw at pagyakap ni maysii sakin. Bumilis yung tibok ng puso ko. Tangina! maririnig niya to >_< .
"HAHAHAHA matatakutin ka pala eh"Pang-aasar ni Devin. Maya-maya lang biglang bumitaw sa pagyakap sakin si maysii saka ibinaling ang tingin kay Devin.
Men! Epal ka! -.- nasa sakin na atensyon eh. "Taena mo bata!"Binatukan ni maysii si Devin. binelatan naman ni Devin si maysii.
Ang arat sa mata! bwesit!. Makaalis na nga lang, bago pa ko makagawa ng gulo -,- . Dahan-dahan akong tumayo ng hindi napapansin ni Maysii. Baka kasi magtanong yun kung saan ako pupunta. Tumungo ako sa garden kung saan makikita ko ang mga bituing nagniningning.
Normal pa ba tong nararamdaman ko?bakit nagseselos ako ng ganto?Napakahirap magselos ng palihim. Bullshit! Iba na to. Kumpara sa naramdaman ko noon kay Jammin. Hirap ideny sa iba pero tanginaaa! Bakit ganto?!. Pano ba to?. Naguguluhan na ko-_-Ilang buwan na rin kaming hiwalay ni jammin. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita siguro bumalik na siya sa ibang bansa. Ang daming naganap sa loob ng ilang buwan. Daming nagbago may dumating isa na dun yung epal na devin na yan! Tsk!
"Hoy"
"Ay maysii"
"Ow dude HAHAHAH maysii pala ah!"kingina! mushroom ba to? Sulpot ng sulpot eh-_-
"Tsk!"
"Ano dude?inlove ka na ulit?AHAHAH"tanong na may halong asar ni Rafael. Siya lang naman mahilig mangbulabog bwesit!
"Pinagsasabi mo?tapos na ba movie dun?"Pag-iiba ko ng usapan. Baka kung ano na naman masabi netong ugok-_-
"Ah oo. Kanina pa, hinahanap ka nga ni maysii eh"Naniningkit akong tiningnan ni Rafael. Tsk! Iba na naman nasa isip neto.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan! Baka gusto mong mawalan ng mga mata at di mo na makita si Larisse"Biglang tinakpan ni Rafael ang bibig ko. HAHAHA sabi na nga ba eh.
"Alam mo? Napakaingay mo gago!"Tinawanan ko lang siya saka iniwan siya sa garden. Baka ako pa asarin ulit pabalik eh HAHAHAHA
Hays! Bat naman kaya ako hinanap ng babaeng yun? Miss niya ba ko? HAHAHA asa Lorenz! Psh!.
______________________________________
YOU ARE READING
THE LOST BADGIRL | ON GOING
Mystery / Thriller"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish: