002.

36 6 3
                                    

I just want to thank my first 28 readers! Naa-appreciate ko yun, sobra. I am trying my best to write a decent story to all my co-vsoo shippers out there!

I hope you like this second chapter. Enjoy reading!

-------

"We're here." sabi ni kuya Rafael at ni-hinto ang sasakyan.

Huminga ako ng malalim at lumabas. "Wish me luck!"

Kuya Rafael laughed. "Don't forget to breathe, Bella."

"I will." I whispered.

Inikot ko ang paningin ko sa entrance ng school. Ang ganda ng ambiance ng paligid, halatang mayayaman talaga ang nag-aaral dito. Sobrang laki ng school, hindi ko alam kung saan ako pupunta nito.

Naglakad lakad ako sa hallway together with the other students. Nagbabakasakali na mahanap ko ang faculty at makapagtanong kung ano schedule ko.

"Excuse me, can you tell me kung nasaan yung faculty?" Someone asked.

"Sorry, yun din hinahanap ko eh."

She pouted. "What year ka na?"

"1st year palang ako." I said and smiled.

Biglang lumiwanag yung mukha niya. "OMG! Mag-classmate pala tayo eh!" Masaya niyang sabi.

Nawala naman ng konti ang kaba ko at napalitan ng excitement. Finally, may kakilala na din ako. Mababawasan na yung hiya ko nito.

"I'm Vivian, what's your name?" She kindly asked.

"Isabella. Nice to meet you!"

Sabay naming hinanap ang faculty room. Sa sobrang laki ng school, natagalan kaming mag-hanap at na-late sa pag pasok sa classroom.

I have a weak heart. When I was young, nagkaroon ako ng sakit sa puso to the point na I need to stop going to school para magpagamot. Luckily, naagapan naman pero nag-iingat pa din ako at baka bumalik ang sakit ko.

"Two beauties, please introduce yourself." pagka-pasok na pagkapasok, yun agad ang bungad saamin.

Vivian confidently walked in front of the class and started talking. "I'm Vivian Laurent, 19 years old. I am the one and only heiress of Laurent Real Estate. I hope we can be friends!" biglang napuno ng bulungan ang buong classroom.

"Laurent? Wow, she's rich!"

"That's why she looks familiar!"

"Lovely." banggit ng proffesor namin at natahimik ang klase. "Next."

"Good luck!" Vivian whispered.

I smiled and walked in front of the class, feeling nervous. "G-good morning everyone. I'm Isabella Valentin, 19 years of age. Currently residing at Corinthian Gardens, Quezon City. Nice to meet you!" halos pabulong ko nang sabi.

Nag bulungan ulit mga kaklase ko. Dahan dahan akong umupo sa bakanteng upuan at tahimik na nakinig sa buong araw.

Natapos ang buong klase ng maayos. Halos wala din ako naintindihan at dinadaldal ako ni Vivian. Halos lahat mga anak mayaman, yung iba naman either models or artista. I can say na hindi naman akonahuhuli dahil kilala din naman ang parents ko sa bansa.

"Tutal first day natin today, at maaga pa, bakit hindi natin ikutin 'tong buong school?" suggest ni Vivian.

Pumayag ako at 3:00 PM palang naman, 4:00 pa ako susunduin ni kuya Rafael. Sobrang laki ng school to the point na may mga golf cars kang mahihiram if you don't want to walk. Sa likod ng school ay pwede ka mag golf. May area din para sa horse-riding and fencing. Sa kabila naman swimming pool para sa mga swimmers.

Lahat nalang ng madadaanan naming lugar, may crush si Vivian. Kanina pa siya kinikilig at tumitili kapag may nakikitang gwapo.

"Sino sa tingin mo ang bagay sakin? Yung nasa golf area? or yung swimmer? ahhhh!" tili niya ulit.

"I think hindi--" hindi pa ako tapos mag-salita ng bigla siyang tumili ng sobrang lakas.

"OMG! I knew it!" sigaw niya sabay hila sakin. "Nakikita mo ba yung lalaki sa puting kotse na yun?"

Sinundan ko ng tingin and tinuturo ni Vivian. "Uh, yes. Bakit?" hindi ko masiyadong makita dahil malabo mata ko.

"That's Isagani Siedler!"

"Isagani... what?" napakamot ulo kong tanong.

"Siedler! Hindi mo kilala ang mga Siedler?" gulat na tanong niya sakin.

"Hindi... kailangan ko ba siya makilala?"

Napahawak sa ulo si Vivian sa sinabi ko. "My gosh, Bella! Ikaw nalang ata hindi nakakakilala sa mga Siedler! Sila lang naman ang may ari ng France---"

"MAY ARI NG FRANCE?!" Pasigaw kong tanong. Mga taong dumadaan ay napatingin na din saamin.

"Shhh! Ano ka ba? Bakit ka sumisigaw diyan?" galit na tanong niya sakin.

"Seryoso ka? May ari talaga ng France?" tanong ko ulit.

Napa-irap naman si Vivian. "Are you crazy?! Bakit naman siya magiging may ari ng France? France and Siedler Group. Kilala sila sa sobrang dami nilang businesses around the world. Sila yung pinaka-top sa pinaka-mayaman dito sa Philippines and of course, sa ibang bansa. Old money!"

Napatingin ako sa gawi nung Isagani Siedler. May ganun pala talagang pamilya? Yung sobrang yaman? May ari ng france-- ano ba yan... I think need ko mag tanong kay dada about sa mga ganitong bagay.

"Let's go and say hi!" bigla akong hinila ni Vivian papunta dun sa lalaking may ari ng France. Ginawa ko lahat para makawala pero mas malakas siya kaya nag paubaya nalang ako.

"Hi Isagani Siedler, I'm Vivian Laurent!" sabi niya na nakangiti. "And this girl right here is Bella Valentin."

Wala pa isang araw parang kilala ko na 'tong si Vivian. She is the type of person na alam niya kung ano talaga gusto niya. Super girly and at the same time, super straightforward. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha o nagagawa lahat ng gusto niya.

Tinignan lang ako nung Isagani at binalik din ang tingin kay Vivian. "Miss Laurent."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nag salita siya. His voice... it's deep... husky... rough... warm... and soulful... it's different. It's my first time hearing this kind of voice.

"Pleased to meet you." Ang sarap pakinggan ng kaniyang boses. Kahit pa paulit ulit siya mag salita, hindi ako magsasawang pakinggan ito.

Wait... what's wrong with me? Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ko iniisip yung boses niya? pinag masdan ko ang mukha niya. Gwapo, sobrang gwapo. He looks heavenly. Is he even real?

Bigla akong bumalik sa katinuan ng biglang may malaks na busina akong narinig. Sundo pala ni Vivian. "I need to go! See you tomorrow!" Nagpaalam siya saamin at umalis. Naiwan ako mag isa sa harap ni Isagani Siedler.

Sealed With A Kiss! [ VSOO fanfiction ] Where stories live. Discover now