Check out the photos I posted on Chapter 1 and 2. I find it cute hihe.
—
Dumaan ang ilang araw at hindi ko pa din makalimutan si Isagani. There's something in him na gusto ko siya makita araw-araw. Hinahanap hanap ko siya every second like... what the heck is wrong with me?
"Girl, are you okay?" Vivian asked.
"Oo naman, bakit?" Pag sisinungaling ko. Ano ba yan, bakit kasi hindi siya mawala-wala sa mind ko? Pati dito sa cafeteria, umiikot mata ko kakahanap.
Umiling-iling naman siya. "Kanina ka pa balisa, what's wrong ba? Hindi naman sana natin exam today..."
"Baka gutom lang ako hehe..." Pagsisinungaling ko ulit.
Ilang minutes ang nakalipas ng biglang napuno ng bulungan ang buong paligid. Nasa iisang direction lang sila nakatingin kaya tumingin na din ako.
And there they are... Ang apat na pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. I swear to g! Alam niyo yung mala-movie ang datingan?
"OMG!!!" Mahinang tili ni Vivian. "Girl, this is the best day of my life!"
Girl, same. This is the best day of my life din! Ang cliché man pero swear, feeling ko nasa movie ako at kami ni Vivian ang bida sa storyang ito.
Umupo sila sa bakanteng table at nag usap usap. Ang sarap nilang titigan, para silang nagsho-shoot ng commercial dito sa cafeteria.
"Girl, kilala mo ba mga yan?" Bulong ni Vivian with a suspicious look.
"Obviously, hindi. I only know that Isagani since iniwan mo 'ko sa kanya." Inirapan ko siya.
"I knew it. You're too innocent to know these hotties. Let me introduce the R2S2 PACK!" panimula niya.
Pack? Wolves ba sila? Bakit nga ba nauso 'tong mga ganitong eksena? Bawat school ata may mga ganitong mga groups? May mga grupo ng sikat, nerds, musicians at kung ano ano pa.
"Meet Hunter Rhodes, rich and a jerk. He looks soft and friendly but I tell you, Bella... He is very rude. He likes to play tricks and a total playboy." Napa-irap naman si Vivian sa ere habang nagkukwento.
Hunter Rhodes. What a nice name, may mga magulang pala talagang nagpapangalan ng ganyan sa mga anak nila.Lumapit ng bahagya si Vivian at bumulong. "I heard... Iba't ibang babae yung inuuwi niya sa condo niya every night!"
Lumaki mata ko. College student ganun na agad ginagawa? Pinagmasdan ko siya maigi. Kausap niya yung mga kaibigan nya. Mukha naman siyang matino? Lalo na kapag tunatawa, parang pwede siya maging pari. Wag mo lang alamin yung totoong ginagawa niya kase... you know.
"And the boy beside him is Jeffrey Rothchild! Lastname palang, alam mo na. Siya lang ata ang pinakamatino sa kanilang apat. He's very gentle and talented. He's popular kasi tuwing may nakikita siyang kailangan ng tulong, as in tinutulungan niya talaga." kumikinang yung mga mata ni Vivian habang nagkukwento.
YOU ARE READING
Sealed With A Kiss! [ VSOO fanfiction ]
FanfictionIsabella Valentin, a goddess but timid lassie who is NBSB or No Boyfriend Since Birth. Then she met this cold but charming lad who will make her college life extraordinary. What do you think will happen if they collide?