Martin POV
Hoy...ambag nyo sa inuman" paalala ko sa kanila nang malapit na namin maubos ang inorder na isang bucket na beer at ilang mga pulutan.
OH! kala mo naman tatakbuhan eh" sabi naman ni Vico at ibinigay ang pera na ambag.
Eto na lahat yung bigay ng tatay ko" lasing na tugon naman ni Blake at muntik pang mapasubsob sa table kung hindi napigilan ni Alyx na kakarating lang.
Nasaan na si Dave?" tanong ko dahil sabay silang umalis sa table kanina.
Umalis na..Oh" mahinahon na sagot nito bago ibinigay din ang ambag sa inuman.
Teka papaano yung ambag nya?" nag-aalalang tanong ko dahil sakto lang din ang pera na dinala ko.
Dave na yun, pagkatapos uminom di man lang nag ambag!" lasing na reak ni Blake sa nadinig bago uminom ulit kaya naman agad ko na itong sinaway dahil baka kinabukasan ay saktan na ito ng ulo dahil sa dami ng alak na nainom.
Hoy, tama ka na Blake ahahaha lasing kana" saway ko.
Ako na" sagot ni Alyx at nag-abot ulit kaya naman pinagsama-sama ko na ang pera namin para isang bigayan mamaya sa staff dito.
Alyx matanong ko lang kanina doon sa Gym, grabe ang tapang mo pre...sagutin ba naman si Senior Luna tapos ano pa nga yun" lasing na rin na salita ni Vico at inaalala ang sinabi ni Alyx kanina.
Papakasalan daw nya si Ate Luna, gagawin nya daw na asawa ahaahahhaa...BOBO" lasing na sagot ni Blake at napasinok sinok pa dahil sa kalasingan na kinatawa ko din at ni Vico bago nakangisi na tiningnan si Alyx na tahimik lang ngayon bago uminom.
Sya naman nauna. Simula pa lang ng pasukan ako na pinag iinitan nya" inis na sagot nito sa amin.
Napaka- isip bata NYO sa totoo lang! Ikaw pinapatulan mo tapos pag hindi nakapatol sayo sa amin ibubuhos yung galit. Tsk." reak ni Blake kaya naman napatahimik kami ni Vico.
Maling-mali" dagdag ni Vico at kita ko naman kung papaano napa-iling ng saglit si Alyx.
Nakakatakot yung mga seniors na yun parang hindi mga tao" salita ko at napa-iling din.
Baka nga hindi sila tao pre" biro ni Blake kaya naman sabay sabay kaming napangisi.
At ano naman" reak ko sa biro nito habang nakangisi na nakatingin dito.
Malay nyo may sumapi pala sa kanila na mga Seniors na namatay na..tapos hindi na sila mabubuhay pa kaya sumapi na lang sila sa mga bagong seniors na toh" kwento nito
Tapos every year meron silang bagong sinasapian" nanakot pa na dagdag nito na inano pa ang kamay na parang nanakot kaya naman agad itong nakatanggap ng batok kay Vico at ako naman ay binato ito ng corn snack na kinakain ko.
BOBO...kalasingan lang yan pre" natatawa na reak ko dito bago binato ng corn snack at kita ko naman itong mahina napatawa kaya naman sabay sabay kaming napatawa na din.
Pero sa seryososng usapan...nabalitaan nyo ba yung kwento sa general building" seryoso na turan ni Vico kaya naman napatahimik kami bago lumapit dito para marinig namin ng ayos.
Hindi, saang kwento yan" reak ko at agad naman akong sinenyasan nito na manahimik.
Makinig kayo....doon daw sa General Building kada gabi daw meron kang maririnig na umuungol" kwento nito kaya naman napalayo ako bago ito nginisian.
BINABASA MO ANG
TAMING MY ENGINEER (MENDOZA SERIES BOOK 4)
RomanceOne of the child of the famous diagnostician doctors in the country. Alyx Tiel Gabriel Mendoza want to make a new career for himself. By starting it with a new school and faculty. For what is worth he will make his best to be an Engineer. But soon e...