Chapter 1

245 9 0
                                    

Alyx POV

Yung mga freshman na tapos na mag fill out ng form...pumasok na po kayo dito" salita ng isang senior engineering student na lalaki na may hawak ngayon na mic para marinig namin ang sasabihin nito mula sa unahan ng stage.

Salamat" pasasalamat ko sa isang senior student din na lalaki na nag-ayos ng form ko at ng matapos ito ay agad nito ibinigay sa akin ang isang name tag template na may pangalan ko.

Sa unahan ng template ay nakalagay ang pangalan ko at sa taas nito ay design ng logo namin bilang engineering student.

Kulay dark green ang font ng engineering at black pen naman ang ginamit para isulat ang pangalan namin.

Nang makapasok na sa isang gym ay marami na ring mga estudyante na tulad ko ang mga nakaupo. Kaya naman agad narin akong naghanap ng pwesto na mauupuan.

Ang lahat ay naka upo sa sahig na agad ko ring tinularan ng makahanap na ako ng pwesto.

So nandito na ang lahat, Tama ba?" Tanong ng isang senior na bagong dating bago tumingin sa mga kasamahan nito na kanina lamang ay nasa booth ng registration.

Mag- uumpisa ang araw natin ngayon sa pag-aaral ng theme song ng Faculty natin. Lingid sa kaalaman nyo or alam nyo na." Umpisa nito at inilibot ang tingin sa amin na tahimik lang din na nakikinig dito.

Na ang bawat faculty ay may kanya kanyang tradisyon na inaapply or ginagawa parin hanggang ngayon. Kaya sa paunang tradisyon ng Faculty ay aaralin nyo ang theme song natin" jolly na sabi nito na nag-aanyaya na makisabay kami sa kanya ng bigla itong mag simula na kumanta.

Ano'ng faculty ito?" Masayang pagkanta nang babae na sinabayan pa ng ibang senior na sumasayaw na din habang kumakanta.

Kaya naman sa mga nakikita ay diko mapigilan na hindi mapangisi or mapangiti.

Engineering!!!Engineering" malakas na sabay naman ng mga ibang senior kaya naman ang buong gym ay napuno ng tawanan. Hanggang sa sumayaw at nakisabay narin isa-isa ang mga katabi ko na agad din akong niyaya.

Tara, Sayaw na!!" Masaya na anyaya ng babae na katabi ko din at hinigit higit pa ako nito gamit ang braso na pilit akong pinapatayo para sumayaw.

Faculty ng manggagawa, malakas,....." pagkanta nila kaya naman wala na akong ibang choice kundi sumali na rin sa kasiyahan nang bigla akong napatigil sa pag tayo dahil sa malakas na pag bukas ng pintuan ng gym na agad sinundan ng maraming lalaki.

Ang kasiyahan na nangyayari kanina ay biglang nawala at napalitan ng katahimikan.

Kaya naman napatahimik na rin ako at napatingin sa mga tao na papasok ngayon dito.

Pati mga seniors na babae ay tumahimik din at tumingin sa mga ito.

Nakapila ang lahat habang seryoso na naglalakad ang mga ito na nasa likudan ang kamay.

Seryoso ang mga ito at kung pag babasehan ang paglalakad ay halata na may mga katungkulan ang mga ito sa faculty namin.

Kapansin-pansin din ang uniform na suot suot ng mga ito na kulay dark green polo shirt na pare-parehas.

Sa gilid nito ay may nakatatak din na logo ng Faculty.

Derederetso na lumakad ang mga ito papunta sa stage.

Sa nakita ay agad naman akong napa-ayos ng upo at itinuon ang tingin sa stage kung saan dumeretso ang mga ito.

Kapansin- pansin naman ang babae na pumwesto sa pinaka gitna at unahan ng stage. Samantalang ang mga babae naman na nag-aasikaso sa amin kanina ay nagsi-alisan na din sa harapan.

TAMING MY ENGINEER (MENDOZA SERIES BOOK 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon