#FriendRequest

71 4 0
                                    

Bree's POV

"Hi Bree" Siya nga. Yung lalaking new student na pinaguusapan nung tatlong babae kanina, yung lalaking nakita ko sa hallway na nagpatulala sa akin, yung lalaking pinalibutan ng mga babae kanina bago magstart yung class namin, yung lalaking minahal ko at nagparanas sa akin ng first heartbreak ko. Siya nga yun. Si ADAM BRYCE CASAGRANDE. Hindi ako nagkakamali. For a minute, natulala lang ako sa mukha niya. Nakangiti pa siya. "Huy beshie! Ano ba yang...ADAM?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Nung napasigaw na si Tamara, nawala ako sa pagkatulala ko at nagtinginan naman yung mga classmates at prof ko sa gawi namin. "Anong kaguluhan ang meron dyan, Ms. Go?" Sita ng prof namin. "Nothing sir. Natuwa lang po masyado si Tamara." Pageexplain ko. Pero bumalik ang atensyon ko sa nagsalita. "Dito ako nag-aaral." Then Adam flashed a smile to Tamara and looked at me. "Okay class, attendance lang tayo for today. Next meeting will be the start of our regular class. So be ready for our recitation. Class dismissed." Yung prof namin nagsalita. Lumabas na yung mga classmates namin. "See you around Tamara and Bree *smile sabay wink*" at lumabas na din ang nagsalita, si Adam. At kami ni Tamara, naiwang nakanganga dito sa room. "OMG BESHIE!! Nakita mo yun?! The nerve of that Adam para magpakita pa sayo. And the worst is, kinausap ka niya na parang walang nangyari. Ugh!! Grabe siya beshie!!" Sigaw sakin ni Tamara. Tumayo na ako at niyaya na si Tamara umalis. Naiinis ako. Bakit ganun si Adam sa akin. Parang walang nangyari dati between the two of us. I mean, nagka-amnesia ba siya at nakalimutan na niya yung ginawa niya sa akin dati. After nun, ang lakas ng loob niyang kausapin ako ng ganun. And the worst is, bakit ganun yung inasal ko kanina sa harap niya? Dapat sinagawan ko na siya dahil sa inis at galit ko sakanya e. Pero bakit di ko nagawa? Nakatulala lang ako sakanya at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Ugh!! Why?!

"Beshie, tara milktea tayo. I feel na ang lalim ng iniisip mo e. Kasing deep ng well na pinanggalingan ni Sadako. Hahahaha. Just kidding." Sabi ni Tamara. Tumango nalang ako at pumunta kami sa Milky Tea Galaxy, yung shop sa tapat ng school namin. Maraming students ang bumibili dito. Maliban sa masarap yung foods and drinks nila dito, kakaiba din kasi ang ambiance ng place na to. Para kang nasa outer space. Yung tipong kapag may problema ka at gusto mong tumakas sa magulong mundo natin, sumakay ka lang ng spaceship at lumipad ka na papuntang outer space. Yung wallpaper ng shop nila ay hindi ganun ka-dark tulad ng outer space kasi punong puno ito ng mga stars and planets na glow in the dark. Yung upuan nila dito, mukhang spaceship kaya feel na feel mo talaga yung paglalakbay mo. Madalas kaming tumambay dito ni Tamara simula nung mag-open tong shop na to last year. Paano ba naman, ang gagwapo ng mga employees dito. Para silang mga perfect aliens. Hehe. Yan kasi ang weakness ni Tamara. Handsome boys. Joke. Hahahaha. Well, di naman talaga ako mahilig sa boys. Focus lang ako sa studies ko. I have my reason kung bakit gustong gusto ko dito sa shop na to. Simply because, I LOVE STARS. Masaya ako whenever I see one. Lalo na pag madami sila tuwing gabi. Hindi ko alam kung bakit masaya ako pag nakakakita ako ng stars. Basta ang alam ko, nawawala yung lungkot na nararamdaman ko.

"Hi Ms. Tamara and Ms. Brianna. It's nice to see you here again." Bati sa amin nung owner, si Elise Cruz. Maganda, mabait and matalino. Actually, I like her for my Kuya Miguel. Kaso nahihiya ako kay Ate Elise e. Baka sungitan lang ni Kuya. "Hi Ms. Elise. Lalo kang gumaganda ah." Nambola pa tong si Tamara. If I know, gusto niya lang malaman yung number nung guy na nasa tapat ng table namin. "Nako Ms. Tamara, call me Ate Elise nalang. Too formal e." "Scratch the 'Ms.' when you call us din. Too formal din e hahaha" sabi ko kay Ate Elise. "Okay. Hehe. So, what's your order girls?" "Hm, yung all-time favorite namin." Sabi ni Tamara. "Okay, Starry Milktea coming up! Maiwan ko muna kayo girls. Madami pang dumadating na customers e. Enjoy!" Then iniwan na kami ni Ate Elise.

Habang hinihintay namin yung order namin, biglang napalingon kami sa may entrance kung saan may pumasok na pamilyar na mukha. Yung mukhang di ko makakalimutan. Si Adam. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya, hindi ako nakakapagsalita kahit na madami akong gustong sabihin sakanya. Bigla naman akong nabalik sa realidad nang nagsalita si Tamara. "Earth to Brianna Mendez. Hello beshie!! Baka malusaw yang epal na alien na yan" At dun na ako umayos ng upo at tinignan ko ng masama si Tamara. Nang-aasar pa siya. Hmp. Nandito na pala order namin. Makakain na nga.

Hashtag Throwback FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon