Gusto kong umiyak
Gusto kong maglupasay sa sahig na parang batang pinagkaitan makapaglaro sa malakas na ulan.Gusto kong kitilin ang sarili kong buhay para matapos na
Para matapos na lahat ng kalungkutan na aking nadaramaAng hirap...
Ang hirap mawalan ng taong ni kahit na kailan pa man ay hindi naging iyo.
Taong... Minahal mo... Ng sobra sobra...
Na halos sa kanya na umikot ang buong mundo moKahit alak hindi na mapapawi tong kalungkutang nararamdaman ko
Mamamanhid lang ang katawan ko kakalaklak ng alak pero hinding hindi mapapawi nito ang kalungkutang dala mo.Oo, ikaw! Ikaw mismo ang dahilan kung bakit nararamdam ko to.
Alam kong kasalanan ko kung bakit nanyari to, pero pasensya na, hindi ko napigilan ang puso ko.Nakalimutan ko nang maging masaya
Nagsimula lang to nung pinilit kong kalimutan ka.
Pilit kong kinakalimutan ang ating mga pagsasama.Ang iyong bawat ngiti na noon ay pumapawi sa pagod at hirap na nararanasan ko araw araw ay siya nang nagiging dahilan ng aking walang hanggang kalungkutan.
