Chapter 3

3.8K 42 0
                                    

Chapter 3

(A/N: Stephen's picture at the side. :D )

**********************************************************

KY's POV

Last week na nang school. Pero we have to be here inside the campus para sa signing of clearance. Si Besty at mga org mates ko yung mga kasama ko. Si Charles kasi, busy din e.

"Ate KY, wala daw po si Sir Ramos. Mamaya pa daw pong 3pm ang balik." Si Trish, org mate ko.

"Ah, ganun ba? Osige, lunch muna tayo. Open gate naman di ba?"

"Opo. Bakit po ate?" Si Jean, isa pa sa ka-close ko sa org. One year ahead lang naman kami ni Besty sa kanila e.

"Tara kumaen sa labas? Sawa na kasi ako sa food sa canteen e." -Besty

Sabagay, may point naman si Besty e. Kaya ayun, naglunch kami sa mall. Malapit lang naman kasi kami e.

Sa mcdo namin napagkasunduang kumaen. Since 'tong bestfriend ko e nagsuggest na itry daw naming yung barkada treat. Aish. Bestfriend ko talaga. Hahaha.

"Oy KY, sure ka na ba na kukuhanan mo ng entrance exams lahat ng university?"

Hmmm. Sa totoo lang, ayoko naman talagang kumuha ng entrance exams sa lahat ng university. I wanna enjoy my summer. Sila Kuya Cy kasi, pupunta sa Palawan. ;(

"Uhhhh, eeee Besty, alam mo naman na eto yung gusto ni mommy di ba?"

"E bat hindi mo sinabing ayaw mo? Besty naman." Pano ko susuwayin mommy ko, e mataas expectation nun sa akin.

"Oo nga ate, kung ayaw mo naman kasi, bakit mo gagawin?" - Trish

"Hmm. Okay lang naman no. Para din naman kasi sa akin yun."

Kumaen lang kami. Kasi naman naging awkward na. Ayoko namang suwayin yung mga magulang ko diba? Mali yun. Alam ko namang para sa akin din itong mga desisyon nila.

Never pa kaming sumaway ni Kuya sa parents namin. Kasi we both know that they only want the best for us.

After naming kumaeng apat, medyo naglibot muna kami. Nagpaalam ako sa kanila na magccr lang.

"Uy, wait lang ha? CR lang ako saglit. Text niyo nalang ako kung nasan kayo. Sunod ako."

"Samahan na kita besty?"

"Wag na. Kaya ko naman e. Tawagan nalang kita kung asan na kayo. Okay?" She just nodded as a reply. Nagpunta naman na ako sa CR.

Malapit na ako sa CR nang may nakabunggo sa akin.

"OUCH!" Napa-upo ako sa lakas ng impact, ganun din siya.

"Miss, sorry. Okay ka lang ba?" - ??

"Okay lang ako. Next time tumingin ka po sa dinadaanan mo kuya." My head aches. Tumama kasi sa pader. ? Aish.

"Sure ka ba dyan? Sorry talaga miss." Tinulungan niya akong tumayo. Habang itinataas niya ako, napansin ko na gwapo si Kuya, matangkad, matangos ang ilong at singkit! :D Muka din siyang mabait.

"Okay lang po ako kuya. Sige po. Kelangan ko na talagang mag-cr e." And by that umalis na ako.

Buti nalang walang pila sa CR. Paglabas ko. Andun si Kuya. May inaantay siguro kaya nilagpasan ko na.

"Hey! Kimberly Yu! Wait up." Huh? Teka, ako yun ah? Kaya nilingon ko siya.

Kaya lang, paglingon ko, sakto, na-out of balance ako. Buti nasalo ako ni Kuyang nakabungo sa akin kanina.

Someday, We'll Know. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon