Chapter 20

1.3K 19 0
                                    

CY's POV

Anong oras na ba? 11am. Bat hindi pa kaya bumababa si KY sa kwarto niya? Kahit na weekend, hindi naman yun tinatanghali ng gising. Baka nagpuyat na naman. Puntahan ko na nga.

**tok tok tok

No response. Tulog pa kaya? Pumasok ako sa loob ng kwarto niya.

Aba, ang mahal na prinsesa, tulog pa. Ano kayang ginawa nito kagabi? Tsk.

Teka, bat parang ang putla niya?

"Princess, wake up."

She slowly opened her eyes. Parang may mali. Parang parang ..

"Ne? Oppa I feel weak." - KY

"What did you do last night?"

"Nothing. Masama na po yung pakiramdam ko kagabi. Anong oras na ba?" - KY

"11am na. Ano pang nararamdaman mo?"

"Nanghihina lang ako Kuya. Yun lang po. Si Besty, naka-alis na ba?" - KY

"Oo, kanina pa. Malalate daw siya ng uwi. Teka, ikukuha kita ng pagkaen sa baba para makainom ka na din ng gamot."

Bumaba ako sa kusina at ipinagluto siya ng brunch niya. Wala pa man din sila Mommy dahil kailangan nilang asikasuhin yung expansion ng business namin sa Davao.

Tapos ko nang lutuin yung pagkain ni KY. Kinuha ko na din yung mga gamot niya. Sakitin kasi yan e. bawal sa kanya yung stress. Basta yun.

"Princess, kumain ka na. Tapos inumin mo 'tong mga gamot na 'to."

"Arasso Oppa."

Habang kumakain siya, napansin kong sobrang namumutla na naman siya at parang pumayat pa.

"Princess, kumakain ka ba ng tama?"

"Ne. Wae?" Sabay subo ng pagkain.

"Nothing. Speak in tagalog. Nasa Pilipinas ka. By the way, aalis pala ako ngayon. May gagawin kaming project ng blockmates ko."

"Magtatagal ka ba kuya? Kelan babalik sila Mommy?" - KY

"Hindi. In a day or two andito na ulit sila."

Nag-nod nalang siya.

Ayoko sanang pumunta sa paggawa ng project mamaya dahil nanghihina na naman si KY, pero naka-compromise na kasi ako.

"Kuya, ingat ka mamaya ha? *hug*" - KY

"Yes Princess. Magpahinga ka lang dito ha? Tawag ka nalang kay Yaya mamaya sa baba kung may kailangan ka. Bibilisan ni kuya pag-gawa ng project."

"Thank you kuya. I love you Oppa." - KY

Ganyan si KY, mas malambing siya kapag nagkakasakit. Kaya nga baby na baby nila mommy yan e.

Pagkatapos niyang kumain, ibinaba ko lang yung mga pinagkainan at gamot niya saka ako gumayak.

KY's POV

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ano ba yan. Sinusumpong na naman ba ako ng anemia? Ganito kasi ako dati.

Dati, si Charles nag-aalaga sa akin. Kamusta na kaya yun? Masaya kaya siya? Mahal niya pa kaya ako? Halos gabi-gabi ko pa din siyang iniisip. Ano ba yan Kimberly Yu, hindi ka na mahal nung tao. Siya pa iniisip mo. E may sakit ka na nga.

Aish, ayan, kakaisip sa kanya, pati sarili ko kinakausap ko na. Ayoko naman sabihin kala besty kasi for sure, sesermonan lang ako nun.

Readers, hirap na hirap akong magmove-on. Pero feeling ko 50% moved on na ako kasi masaya naman ako. Andyan naman kasi sila Besty at Stephen. Hindi naman kasi ganun kadali. Oo nga, hindi niyo naman ako nadidinig bangitin siya, pero iniisip ko pa din kasi e. Naging friends kami bago kami naging mag-on. Madaming memories. :(

Someday, We'll Know. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon