BG 8

1.9K 51 0
                                    

Chapter 8: A sad scene

*ANGELICA*

Habang nasa loob kami ng kotse ang tanging tingin ko lang ay sa labas. Kita ko naman ang pag-aalala ni Athan pero di nalang ito pinansin sa halip mas tinuon na lang ng pansin tumingin sa labas.

Ni minsan hindi ko manlang naranasan sa kanya na alalahanin ako. Ni minsan di manlang niya ako tinanong kung kumain ka na ba? Or kamusta ka? Walang ganyan. Nung maliit pa ako, lagi niya ako sinasaktan, physical and emotional pero lahat ng yun pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan. Tuwing sinasaktan niya ako lagi kong takbuhan kwarto ko tapos yayakapin ko lang ang unan at doon lang ako magdamag. Naranasan ko na rin na hindi kumain nung maliit pa ako. Dalawang araw wala akong kain pero lahat ng yun tiniis ko.

Nakilala ko ang dalawang baklang yun dahil one time pinalo ako ng pinalo ng Tita ko kaya naman tumakbo ako nun palabas ng bahay namin. Umiiyak ako sa may bandang puno at doon nagtatago. Dun ko rin nakilala sila Georgia at Evien. Silang dalawa ang tumulong sa'kin sa lahat-lahat. Sila rin kung minsan ang nag papakain sa'kin kung halimbawa man ay di ako nakakakain sa bahay. Sila rin ang nagsilbing magulang ko. Sila ang umakyat sa stage para sabitan ako ng medal.

Akala ng lahat ay malakas ako at walang problema or kinakatakutan. Pero mali silang lahat, sa maskarang nakikita nila yun ang napapansin nila. Pero sa loob ng maskara, napakalungkot ng buhay na tipong hindi mo na gugustuhing mabuhay. Oo nga't malakas ako pero may kahinaan rin naman at yun ang mga magulang ko.

Kapag usapang magulang na nanghihina kaagad ako at nawawalan ng lakas. Tuwing nakikita ang iba na masaya ang pamilya at buo? Naiisip ko na, nasaan kaya sila? Buhay pa ba sila? Or ano? Ano kaya buhay ko ngayon kung kasama ko sila? Hinanap ba nila ako o hindi? Sobrang sakit ng mga sinapit ko maliit palang ang dami ko ng problema at pinag daanan.

Tahimik lang akong umiiyak. Ayokong makita nila na mahina ako. Kaya naman kaagad kong pinunasan pisngi ko pagkarating namin ng kompanya. Balik na naman ako sa emosyon ko. Tahimik lang ako hanggang sa makarating sa office tahimik lang ulit.

Alam ko rin na napapansin ni Athan na sobrang lungkot ko pero mas pinili niya ang manahimik at hindi mangielam. Pagkaupo na pagkaupo ko biglang may nag ring sa phone ko. Kaya naman kaagad ko itong sinagot at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hell..."

(Angelica.)

Nanlaki naman ang mata ko at bigla nalang nag uunahan tumulo ang luha. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako ka emosyonal ngayon at hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon.

(Angelica my daughter.)

Napahawak ako sa may bibig ko at nahagulgol. Hindi ko alam pero feeling ko si Mama ito.

(Meet me at your condo right now.)

"Ikaw... Ikaw po ba... Mama ko?" Nauutal na tanong ko.

(Malalaman mo ang lahat.)

End call...

Dali-dali ko naman kinuha ang bag ko tsaka humarap kay Athan. Gulat naman siya sa itsura ko marahil ay nakita niyang mugto mata ko.

"Athan. Uwi na muna ako huh? Salamat." Tsaka nag mamadaling umalis ang kaso nahawakan niya braso ko. "Why are you crying?" Takang tanong niya.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon