BG 16

1.4K 49 5
                                    

Chapter 16: The Truth (2)

*ANGELICA*

Unti-unting minulat ang aking mata, pag tingin ko bumungad sa'kin ang puting kisame. Bakit hindi itim? Char! Medyo malabo sa una hanggang sa maliwanag na ang nakikita. Napalingon ako sa gilid at kita na tulog silang lahat. Ano bang nangyare??

Oh shit! Oo nga pala!

Sinalo ko yung bala na dapat kay mommy tatama. Masamang damo talaga ako kaya matagal pa mamamatay. Tsk! Nakaramdam naman ng kirot sa may likod kaya napadaing ako. Mukhang nagising ata sila dahil sa aking pag aray.

"Angelica!" Nabigla naman ako ng sunod-sunod silang naglapitan at sunod-sunod rin nila akong tinanong. "Isa-isa lang, ako lang 'to."

"Tangina! Nabaril ka na lahat-lahat apaka yabang mo pa rin!" Singhal sa'kin ni Georgia. "Tsk! Anong gusto mo? Tumawa ako? Ano ako? Baliw?" Sabay irap sa kaniya. "Do you need anything, Angelica?" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang boses ni mommy. Napatingin naman ako sa kaliwa niyang braso. Anyare?

Napansin naman ata niyang nakatingin ako sa may braso. Tinago naman niya kaagad ito. Napatingin naman ako sa kanilang lahat. Nakakapag salita nga ako pero ang lamya ng boses. Hindi ako sanay na nanghihina. "Georgia, Evien. Let's go outside for a while." Napatingin naman ako kay Athan na hinila ang dalawa palabas. Anong meron? Nagtataka naman akong tumingin kay Angel at Alex na kasalukuyang nakayuko sila.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Nabigla ako ng umiiyak na si Angel at habang si Alex ay nangingilid ang kanyang luha.

Patay na ba ako para iyakan?

Kaya naman mas lalo akong nag taka. Pinilit kong bumangon kahit nahihirapan. Ngunit, tinulungan naman ako ni Alex at Angel bumango habang patuloy ang agos ng luha ni Angel. "Why? Why did you do that?" Napaangat naman ang tingin ko kay mommy. Mababakas mo sa tono niya ang guilt at inis.

"Ang alin?"

"Bakit mo sinalo ang baril na dapat sa akin?"

Ay haluh!

"Ay, hindi ko naman hahayaan na may mangyari sa inyong masama. Hindi naman ako baliw para gawin yun."

"I knew it was going to happen last night, but I hope you didn't get shot because I have a plan. I was wearing body armor last night."

"Ay! Hindi ho ako na inform na may plano pala kayo kagabi, edi sana di ko sinalo yung bala na dapat sa iyo." Di ko mapigilang hindi mag taray. Parang kasalanan ko pa! Imbes na magpasalamat.

"Ate." Nanlaki ang mata ko ng tawagin ni Angel akong 'Ate'. "I knew it already." Napatingin naman kay mommy. Gulat na gulat akong napatitig sa kaniya. Alam na niyang siya ang nanay ko??? "What do you mean?" Bigla naman akong kinabahan at mas lalong nanghina.

Nanginginig ang aking kamay pero pilit itong pinatigil sa panginginig. Nagkatinginan naman silang tatlo at tumango si Angel at Alex. Teka! Wag mong sabihin na hindi siya ang nanay ko? May kinuha si Angel sa may gilid. Isang brown envelope na sigurado ang laman ay result ng DNA test. Mas lalong kumabog ang puso ko dahil hindi malaman kung negative ba or match kaming dalawa.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon