Chapter 3: The One King

469 26 5
                                    


'CONDOLENCES.' Ayan ang ilang libong beses kong narinig sa buong magdamag mula nang makaapak ako pabalik ng mansyon hanggang sa nasa harapan ko na ang taong isa sa mga pinaka-kinamumuhian ko. Paulit-ulit nilang inutal ang salitang ito na halos ikarindi ko dahil hindi ko mahanap ang parte ng sarili ko na nagluluksa para sa lalaking nakaratay sa bukas na kabaong.


Condolences kamo? I would've appreciated it more if it was congratulations or maybe if... if the condolences are for Clyde Alistair who Claude brought with him to the coffin's nurturing and frilly white bed.


Kahit na ba ngayon na sobrang lapit ko sa kanya kumpara sa karamihan ng sandali ko kasama siya, hindi ko magawang lumuha sa itsura niyang hindi wangis ng natutulog kundi ng isang bangkay. Hindi ko magawang magsalita ng ukol sa pagkalumbay dahil galit lamang ang nakuha ko sa pares ng mga mata niyang ngayo'y nakasarado na. Hindi man lang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa una pa lamang ay tanging masasakit lamang na salita ang nahita ko sa bibig niyang ngayo'y tali na.


At higit sa lahat, hindi ko maatim na hawakan ang maputlang kamay niyang walang ibang dinulot kundi maiitim na pasa, bilugang mga bukol, at mapupulang sugat na kahit kaila'y hindi na gagaling pa kahit humupa na sa pisikal na basehan.


"Thank you. We are glad you're here," I replied back formally in a daze, reminiscing every pain my own father caused me. And at the same time, I was impatiently waiting for the old man to leave me alone here in the front. A man who only knew who to kiss Claude's ass.


When I thought he couldn't even more insolent, his left hand landed on my right shoulder, patting me as if I'm a kid who just lost his candy. "It's alright. It will pass. Nandito lang kaming mga kaibigan ng daddy mo para tulungan ang pamilya Vantress," dugtong niya na siyang nakapaglantad ng tunay na rason kung bakit siya naririto.


Para sa iba, marahil isang emosyonal at sagradong kaganapan ang isang burol. Lalo na't kung minsa'y nasa bilang ng nakikiramay hinuhulaan ng iilan kung gaano kalaki ang epekto ng namayapa sa mga taong dumalaw. Gayunpaman, iba para sa akin. Lagi na lang iba.


"He's right, Clyde. You may depend on us on handling the things for you for now. You can just focus grieving for your father," another associate of old age yet short stature seconded which finally ticked me off.


Ako na mismo ang marahas na tumalikod sa dating pinuno ng Vantress Mafia at umiwan sa matatanda nang hindi sila makaramdam na hindi ang presensya niya o salita ang aking prayoridad. Mababaw kung sasabihin kong nagawi sa akin ang mga mata ng lahat sa dire-diretso kong paglalakad papalabas ng silid. Ni hindi ako nagpapigil kahit sa dating sekretarya ni Claude dahil natitiyak kong siya at ang lahat ng bisita ay hindi tanga o bulag sa nakaraang dekada.


They knew how he abused me. And they did nothing. It's only obvious I do the same for their stares.


"Cal..." a soft voice called me, luring me to the first sight of my mother today. Fortunately for her, she can easily elude the people's chatter by saying she wanted to have her own space to mourn.

The Mhorfell Children (A Prequel to MAOG)Where stories live. Discover now