Chapter 9: Abandoned or Shunned

235 14 7
                                    


"DIFFERENT, huh?" bulong ko sa hangin habang nakalutang sa ere ang kanang kamay kong nakadaupan ng kamay ni Alexandra. Si Alexandra na may kung anong tiwala sa akin na hindi ko rin labis na maintindihan.


Nais ba niya akong mahulog sa isang patibong at pumalya o ang tulungan ako?


I heaved a sigh, containing my confusion towards the ambiguous words I've received today. Words like ivy that may crawl around me until I chase after my breath hurriedly... choked and dead as cold as it leaves outside the school walls. My mind was clear before I got here, and when I did, it turned blurry and I fear that it might get worse and just simply be black.


Tinapunan ko ng tingin ang kasama ko sa silid, Clarke Gomez ang ngalan niya at kahit ilang araw na rin kaming nagpaparte sa apat na sulok na ito, ni isang salita ay walang namagitan sa aming dalawa. Tanging ang mahihinang paghinga lang namin sa paghimbing ang nagkakatugma't nagkakausap.


Mag-aalas tres na rin at naiinggit ako kung paanong kay lalim na ng pagkakatulog niya habang ang likod niya'y nakatapat sa akin, at tahimik na tumataas-baba ang katawan sa bawat paghinga. Isa pang kay lalim ay ang gabing kay aliwalas sa labas, walang ulap at lalong walang pagsilip ng mga tala. Ang lamparang nasa gilid ko na lang ang nagsisilbing liwanag at ang buwan, tulad ng kamulatan kong hindi magamba-gambala ng antok kanina pa man.


"What a really cliché thing to say..." A comment came out of my mouth, a comment in regards to the word 'different' that keeps ringing in my ears for quite some time now. A word that made me stop my steps. A word that halted my impulsiveness a while ago and urged me to think whether going out of these premises is the right thing or not.


Dahil kung iisipin... sina Alexandra, Howard, Kristoffer, Herman, at ang magkapatid na Devroid, 'di hamak na mas matagal na sila sa akin dito at mas kilala nila ang bawat kanto ng Lefroma. Ngunit bakit hanggang ngayon, naririto pa rin sila, nakakulong at walang tumutulong?


Imposibleng walang rason kung bakit hindi sila... kami... makalabas.


Imposibleng walang paraan para makatakas.


At higit sa lahat, imposibleng walang rason kung bakit hindi umalma si Raeliana sa pagpasok ko rito sa Lefroma.


She must've known, isn't it?


With a new set of questions prepared, my motivation to discover the answers destined for each one of them fueled the life on my hand, chest, and mind. I might not be able to find a way out of here now, but clarification is the least thing I could give to afford peace of mind.


Kaya naman ibinaba ko ang aking kamay at saka ito ginamit upang abutin ang switch ng lamparang nananahimik sa ibabaw ng nightstand. Hinawi ko ang makapal na kumot na bumalot sa ibabang parte ng aking katawan at hinanda ang mga paa na dumampi sa mga tsinelas.


Dahan-dahan kong isinuksok ang mga paa ko sa itim na pares, at gayon na rin ang pagtayo ko, dala-dala ang asul na dyaket na naglalaman ng ilang patalim na baon ko mula sa mansyon. Sinubukan kong huwag gumawa ng kahit anong kakarampot na ingay kahit na ba sa pagtungo ko sa pinto at hanggang sa pagbukas-sarado nito.

The Mhorfell Children (A Prequel to MAOG)Where stories live. Discover now