Xandra's POV
"DO you think Almira's frankness would help?" I anxiously wondered as my recent breath instantly left a mark by the window to which I am sitting beside to. It still isn't the season of cold, yet the blur on the once clear glass is evident, obscuring my view of the neat and tall standing of the Niveous Ruffus building.
The woods piled around the blazing fire then crackled, pulling my gaze on to the boy whose idea was to trap me with anxiety after guessing that it could be Almira who has Clyde disappear from Morleen's radar box. It wasn't exactly a gaze of tranquility but one that is filled with the desire of passing some of this burdening feeling to him.
"Oh please, Xandy, Xandy..." he repeated as he waves his index finger at me, warning me not to realize the words brimming in my head. "Tinanong mo 'ko kung sino sa tingin ko, edi sinagot ko. Sa tingin ko si Almira 'yon e, anong gagawin ko?" Mabilis na pinarolyo ni Howard ang mga mata niya mula sa akin. Pabulong-bulong pa ito habang prenteng nakaupo sa ala-trono niyang upuan malapit sa pugon ng silid.
"Isa pa," pagtutuloy niya at mula sa pagkakapatong ng kaliwa niyang binti sa kanan ay pinagpalit niya ang mga ito sa pagkaka-dekwartro. "Ano naman kung si Almira? I mean, I'm sure she already did know kung bakit natin pinaliligiran si Vantress kahit walang nagsasalita sa ating lahat."
Herman Morleen, holding his game controller while sitting on a red bean bag on my right also seconded the previous' remark. "She's Peter's sister, that automatically means she's genius too. Maidudugtong niya ang mga piraso ng puzzle kapag nagkausap sila. Tiyak din na gagamitin niya ang butas na hindi natin siya nasabihan para mas madaling mapaintindi kay V-boy kung bakit siya naririto."
Sana nga ganoon kadali 'yon.
Tulad ng dati ay may halong pagkamangha ko siyang pinakinggan na inaanalisa ang mga bagay-bagay habang pipindot-pindot sa controller upang mapanalo ang larong nasisigurado ko ay hindi laro. Dahil sa bawat larong sumisibol sa screen ng kuwadradong telebisyon, may naaapektuhan na kaganapan dito sa Lefroma si Morleen. At itanggi man niya o hindi, batid kong ang mga makukulay na tauhan at mga pambatang tunog ng laro ang nagkukubli kung paano niya subaybayan ang malawak na lupain dito.
At sapagkat pinaka-ayaw niya ang pinapakialaman ang mga laro niya, wala na akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Wala na 'e. Pinagtulungan na ako ng dalawa. Ito namang si Peter na mismong kapatid, tahimik lang na nagbabasa habang nakadapa sa carpet na nakalatag sa tabi ng pugon, masayang pinatototohanan ang mga salitang nababasa sa saliw ng tugtugin ng mga kahoy at apoy.
"I wish he would. No matter how terrible of a father Claude was, I'm sure he still did care for his only son, after all." I wasn't sure how it simply and smoothly left my lips, a thought that I was meaning to say to him but cannot afford.
Hindi naman ako 'yong nakaranas ng pagkabata na laman ng mga tsismis at diskusyon ng mga tao sa Underground. Hindi naman ako 'yong produkto ng isang pagsasama na walang nakaaalam kung naging matagumpay nga ba. Higit sa lahat, hindi naman mga paa ko ang nakasuksok sa mga sapatos niya para basta-bastang lumikha ng teorya.
"Ma-swerte ka at wala rito si Kristoffer," Howard scoffed as his eyes are deeply attached to the fire, almost like visualizing what could have happened if Cromello did indeed hear me saying that.
YOU ARE READING
The Mhorfell Children (A Prequel to MAOG)
Mystery / Thriller[FIL/ENG] Clyde never wanted to go to the Lefroma Delazelle University. Rather than a school, he always sees it as a playground of children his parents wanted him to be- towering, cunning, fit for the rank they are born with, and everything that he'...