Prologue

18 6 8
                                    

Prologue
Shem's Pov

Lakad-takbo ang ginawa ko. Pinuntahan ko na lahat ng posible nyang puntahan o pagtambayan sa loob ng Campus pero ni anino nya hindi ko nakita.

Tumigil muna ako sandali. Lumingon-lingon pa baka sakaling nasa paligid lang siya. Pero wala talaga, habol hiningang napayoko na lang ako. Itinuon sa mga tuhod ang aking mga kamay para doon ilabas ang pagod.

Nasa harap na ako ngayon ng gate. Napansin ako ni Manong guard na nakaduty roon.

" Ahh...May kailangan po kayo? Pano ko po kayo matutulungan?"

" Ahh. Manong, may nakita ba kayong gwapong lalaki. Siguro nasa 5'11" ang height, maputi, maitim ang buhok, broad shoulders, malakas ang dating?"

Mahahalata sa mukha ni Manong na wala syang nakita ayon sa pagkakadescribe ko. Kakamot-kamot siya sa ulo, bumagsak naman ang balikat ko dahil alam kong hindi ko maririnig ang gusto kong sagot sa tanong ko.

Haysst.....Kailangan ko talaga siyang makausap at hindi ko na ito maipapagpabukas pa. Tumingin uli ako sa guard.

"Sige po, dibale na lang."

"Pasensya na. Hindi ko po talaga nakita ang hinahanap nyo. Kanina pa po akong tanghali nakaduty dito wala pa namang lumalabas."

Ibig sabihin nandito parin sya sa loob ng campus.

"Sige po, salamat."

Pabalik na sana ako sa loob ng matigilan sa nakita. Nahinto saglit ang paghinga ko at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kyle Lujury

Naglalakad siya papalapit sa gawi ko habang inaayos ang kwelyo ng polo. Kasama sina Karl at Kris na mukhang nag-aasaran at si Ken na bahagyang naka ngiti dahil sa dalawa. Habang siya'y walang kaimik-imik.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa taong kanina ay hinahanap ko lang, ngayo'y nasa harapan ko na. Bawat hakbang na ginagawa nya ay bumabagal kahit mabilis naman talaga.

Wala siyang emosyon at iyon ay nagpapadagdag sa lakas ng dating niya. Dumarami na ang nakikita kong mga estudyante. Tapos na ang klase sa mga oras na ito, kaya mukhang pauwe na ang lahat.

Pero kahit dumarami na ang mga estudyante at dumarami na rin ang ingay. Tila naging tahimik ang paligid. Nagtatakang napahawak ako sa aking dibdib, tibok lang ng puso ko at mababagal na yabag ng taong nasa harap ko ang aking naririnig.

Kasabay ng mga naglalaglagang dahon, ihip ng malamig na hangin, bumabalik ang mga ala-ala ko sa kanya. Kakaiba sa pakiramdam, nakakatuwa na nakakaluha.

Marami akong gustong sabihin. Natatakot ako at kinakabahan kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon o magiging sagot nya pero buo na ang pasya ko. Tama na yong mga oras na sinayang ko at binale wala sya.

Ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't -isa.

Tug.tug... Tug.tug...

Nagtama ang aming mga mata. At isang ngiti ang aking pinakawala.

Tug.tug... Tug.tug...

"Ky-" magsasalita na sana ako ngunit...

Iniwas niya ang kanyang mga tingin, inosenteng binaling iyon sa isang babae na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. At niyakap ang braso ni Kyle na parang linta!

"Bhabe, where are we going tonight?"

Bhabe? Tss!

Naglaho ang mga ngiti ko ng matapos magsalita ni Camille ay nginitian niya ito at ibinalik niya ang mga tingin sa harap ngunit...

Sa pagkakataong iyon, tuloy-tuloy siyang naglakad. Parang hanging bigla lang na padaan. Lumampas na parang hindi ako nakita at nakilala.

Hindi ako makagalaw, hindi ko iyon inaasahan.

Nahagip ng paningin ko ang mga kaibigan niya at kita sa mukha nila ang pag-aalala.

Hindi ko napansin na may tumutulo na palang mga luha mula saaking mga mata dahil mas naramdaman ko yong kirot dito sa puso ko na nagpapahirap saaking huminga.

Naninikip ang dibdib ko.

Nanghihina ang mga tuhod ko pero pilit ko pa ring nilingon ang kaninang nasa harap ko lang, ngayon ay nakatalikod na at naglalakad papalayo.

Hindi ako makapaniwala. Nakakapanghinayang.



Cactus Heart became a Fragile Wood
-MeshemReal-

For more updates visit my facebook account: https://www.facebook.com/meshemreal.wp

Disclaimer: This work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I apologize for the typographical error and for the grammar that you will encounter. I'm a beginner and honestly I'm not good in grammar.

Please vote, comment and follow.
Thanks!!! Love lots❤️

Cactus Heart became a Fragile WoodWhere stories live. Discover now