Chapter I

13 6 5
                                    

Chapter I
Kyle's Pov

"Good morning class. Welcome to Grade 11. I am Miss Tam Salazar. I am  your adviser for this semester......" First day namin ngayon as a senior high, kaya medyo exciting.

"Be ready, be prepared, and enjoy your senior high school days. Be matured enough and consider yourselves as a model students. I'm expecting all of you to act like one..."

At the same time, nakakakaba kasi paniguradong hindi na ito katulad nong mga junior pa kami. Iniexpect namin na kung dati papetik-petiks lang, ngayon for sure magiging busy na.

Kung dati paselfie-selfie lang ang mga girls at nagmomobile games naman kaming mga boys, ngayon for sure more on reports, presentations, research at kung ano-ano pa.

Kasi sa stage na ito dito inihahanda ang mga estudyante para sa buhay kolehiyo nila. 

"Ok, ngayong naipakilala ko na ang aking sarili. Ibibigay ko na ang oras na ito sa inyo to give you a chance to introduce yourself. Lalong-lalo na sa mga new students. Hmm...let's start on this column."
"A-ahm! Hiiii.....Good morning everyone. I am Celi Mae Aguilar. Let's study hard. Fighting!"

Itinaas pa nya ang dalawa nyang kamay na nakaikom na parang nagmomotivate.

" I'm Camille Santio. It's nice to see you all. "

"Good morning Ladies and Gentlemen. Ken Gelo Marques everyone. The Supreme Student Government President and the Class President. Make sure to follow every rules.

Nagpatuloy lang ang pagpapakilala ng bawat isa, syempre lahat tahimik na nakikinig tatawa lang kung may nakakatawang nasabi ang nagpapakilala.

"Hello, An nyeong, Holla, Konnichiwa, Ni hao, Bonjour, Ciao. Magandang umaga sa lahat ng mga naggagandahang binibini sa harap ko " Masyadong maingay ang bibig ng isang to. Tsk!

"I'm Karl Gelo Marquez." Parang nagmukhang hinog na kamatis naman ang mga babae dahil sa kilig. Tss! "Don't forget to have fun after studying hard. Fighting!"

Pagkasabi nya non lumingon sya sa bandang kanan, sabay kindat kay hmm.. Celis? Celi? ah basta. Tss. Pambihira tong mokong na to. Mukhang man chichix na naman. HAHAHA

Sikat at kilalang maraming babae.  Sobrang layo sa kapatid nyang si Ken. Kung si Ken nerd, ito naman babaero.

Teka ako na pala. " Ahhm... Good morning. I am Kyle Lujury Brenido. Let's make this year a long and memorable year." Ngumiti lang ako at umupo. Well, I'm just a simple young man. HAHAHA

"Hi! I'm Kris Miquel Sandro."

Si Kris na pala ang huling nagpakilala kaya ng magsalita ng muli si Miss Salazar ay doon ko na itinuon ang atensyon ko.

Ipinaliwanag ni Miss ang lahat ng rules sa loob ng classroom. At nong marinig ko ang salitang rules napasilip naman ako kay Ken.

Hindi sya nagno-notes, mukhang hindi rin naman nya sinasaulo ang mga sinasabi ni Miss. Pero panigurado, nakatatak yan sa isip nya. HAHAHA Magugulat ka na lang sinisita ka na nya kasi may nalabag ka na pala.

Habang patuloy lang sa pagpapaliwanag si Miss, may napansin ako sa labas. Sa di kalayuan nakita ko ang isang babaeng nakahoody na gray.

Hindi ko maaninag ang mukha nya. Naka uniform din, kaya masasabi kong isa sya sa mga estudyante dito. Mabilis siyang tumatakbo dahil sa lakas ng ulan. Di din nagtagal may sumalubong sa kanyang lalaki na may dalang payong. Pinayungan sya nito at inalalayan sa paglalakad.

Ibabaling ko na sana ang atensyon ko sa harap ng mapansin ko si Kris na nakatitig din sa labas, mukhang pareho kami ng pinagmamasdan.

" Tsk. Anlakas ng ulan noh?" Saad ni Karl.

Cactus Heart became a Fragile WoodWhere stories live. Discover now