Jennie's POV
Nauna nang pumunta siya sa office kanina .. May important meeting raw kasi sya with an investor..
Nagbonding kami with ron and jisoo,
Kaya pala napaaga ang uwi nila kasi 4 month pregnant na si jisoo... Ayyiiee may pamanggkin na ako!!..
kagabi at 3 am na kami nakauwi kasi naginuman pa sila ni ron..
Kaya sabi nya after ng meeting ko with Mr. Lee wag na raw akong dumiritsyo sa office, uuwi na raw ako..
Dahil umandar ang pagka fashionista ko, na dress ako, at medyo kinulot ko ang dulo ng buhok ko..I took me an hour to prepare myself
When I got into the restaurant nandoon na si Mr. Lee
Niyaya nya akong umupo at nagkamustahan kaming dalawa..
Mr.Lee: "anyway where's Mr. Manoban? I though he'll join us?"
"I'm sorry sir but Mr. Manoban have some important matters to attend to. Do you mind if I'll be the one to discuss the proposal?"-tanong ko sa kanya..
kinakabahan kong tanong baka kasi mas gusto nyang si Marion ang makausap nya kesa sakin.
"no, not at all" - He answered while smiling
Napakagwapong nilalang!!
(@Q@)
ngayon ko lang syang nakitang ngumiti kaya tulo laway talaga ako...
Nasabi ko na bang hunk din sya?? Well kung di pa ngayon sinasabi ko sanyo hunk po sya, ang ganda din ng mata nya parang nang hyhypnotize.
Ka-edad lang ata sya ni Marion kaya fresh na fresh pa din syang tignan. Yumyumyum....
Nagstart na din kami agad pagtapos ko syang pagpantasyahan. As expected ang dami nyang tanong, feeling ko tuloy nasa korte suprema ako sa mga tanong nya, gusto ko nang palakpakan si Marion ngayon dahil sa galing nyang maghandle ng mga ganitong meeting. Nakakalusaw kaya ng utak!!
Kung kanina nangiti pa si Mr. Lee nang magstart na kami seryosong seryoso na ang mukha nya para syang striktong professor na handang sigawan ako pag nagkamali ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos kami at makita kong nakangiti na uli sya.
--
Nag-paalam na kami sa isa't-isa ng matapos ang Q and A nya, pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng tawagin nya uli ako at ayaing maglunch. Pumayag naman ako since balak ko na munang maglunch bago umuwi.. Kumain na rin naman siguro si Marion kaya wala na akong makakasabay.
After namin kumain atbdahil pareho kaming may dalang sasakyan nagpaalam na ulit ako sa kanya kaso
bigla na lang nagloko ang kotse ko kaya sa kanya na lang ako sumabay.Hinatid nya na ako sa ba namin pagtapos kumain. Pagbaba ko pa lang sa harap ng gate kitang kita ko na sila marion and as usual ang siryoso nanaman ng mukha nya.. Makapambahay na sya..
"Mr. Manoban" tawag ni Mr. Lee kay Marion.
Agad naman siyang napatingin samin. naman nanlilisik ang mata, nakatikom din ang kamay nya na parang manununtok na.
Tinignan ko yung tinititigan nya...
.........
Yung kamay pala ni Mr. Lee na nakahawak sa bewang ko. Inalalayan nya kasi ako lumabas ng sasakyan kaya nakahawak pa sya sa bewang ko.
Tss.. Galit na naman yan..
Bago pa magtama ang tingin namin sa isa't-isa, umiwas na ko ng tingin. Bala sya dyan. Rare ko lang nakikitang magselos yan..