7 am palang nasa school na ako, siguro masyado lang akong excited na isend yung ginawa ko kay Lj.
Binuksan ko na ang aking bluetooth at sinimulan ng mag-scan for devices kaso wala pang Lj Puno na lumabas.
Oo nga naman, masyado pang maaga siguro wala pa siya dito.
Naalala ko bigla si Jason. Nako, baka sunduin niya ako sa bahay, nalimutan kong itext siya na naandito na ko sa school.
Agad akong nag-type ng message para sa kanya kaso hindi nagsend.
Ano ba yan, bakit ngayon pa ako nawalan ng load? Talaga nga naman oh, baka magalit yun sa akin.
Makikitext sana ako sa classmate ko kaso ako pa nga lang pala ang tao dito sa room.
Nako, kawawa naman si Jason baka mapagod lang siya kapag pumunta pa siya sa bahay atsaka baka ma-late pa siya.
Kailangan ko sa kanyang masabi na naandito na ako. Kanino ako makikitext?
Parang may dumating na anghel ng makita ko si Adrian na pumasok ng room.
Sakto, hulog siya ng langit!
"Adrian, patext ako please." Sabi ko sa kanya.
"Ayaw ko." Sabi niya sabay upo sa upuan niya.
"Hay, ang damot. Wag na nga lang." Akala ko anghel ang dumating, yun pala... nevermind hmp!
"Bakit ka makikitext?" Tanong niya.
"Wag na, ayaw mo naman eh." Sabi ko na parang nagtatampo.
"Bakit nga?"
"Itetext ko sana si Jason. Patext na pleaaaseee."
"Ayaw ko."
"Para isang text lang eh." Napakabait talaga ng lalaking yan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit siya ang pinaka hindi ko ka-close dito sa room.
Sigh. Ano ng gagawin ko? Paano na 'to?
"Lilly?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Sheena kasama si... Jason.
"Bakit ang aga mo?" Tanong ni Shee.
"Trip ko lang. Kayo, bakit ang aga NIYO?" Sabay tingin kay Jason.
"Nagkasabay lang kami ni Shee sa may gate ng school." Depensa ni Jason. "Buti na lang pala di na kita dinaanan sa bahay niyo, naandito ka na pala."
"Oo nga." Sabi ko. Buti nalang din hindi kita natext kung hindi magmumukha akong tanga. Actually, nagmukha na akong tanga, sobrang nag-alala ako sayo tapos makikita ko na may iba ka palang sinundo.
Gusto ko yan sabihin sa kanya pero ewan ko ba, hindi ko kaya.
Tumabi sa akin si Jason, kinuha niya ang cellphone ko. As usual, maglalaro lang yan.
"Oh, bakit naka-open bluetooth mo? Tsk. Mavavirusan ang phone mo."
Akmang icoclose na niya ang bluetooth ay inagaw ko ang cellphone ko. "Wag, may hinihintay akong... file."
"Huh? File? Kanino ka nagpapasend? Kay Shee o kay Adrian?"
Tiningnan ko sila, wala silang hawak na phone. "Basta. May ipapanood pala ako sayo."
Ipinanood ko sa kanya yung video na sinend sa akin ni Lj pero wala lang ang reaction niya.
"Naintindihan mo ba?" Tanong ko.
"Hindi. English eh."
I rolled my eyes. "Asar! Sayang lang ang battery ng phone ko."
Bigla niya akong niyakap. "Joke lang, naintindihan ko. Kapag dumating yung araw na nasaktan ka dahil sa akin, tandaan mo na hindi ko 'yun ginusto. Kasi kahit kailan hindi ko gugustuhing masaktan ka. Ayaw kitang masaktan." He whispered to my ear.
"Pero... sinasaktan mo na ako ngayon."
Gusto kong tahiin ang bibig ko, now na! Dapat sa isip ko lang 'yun eh... hindi ko dapat sasabihin 'yun.
Bumitaw siya sa pagkakayakap. "Anong ibig mong sabihin?"
"Aah, w-wala 'yun." I pushed myself to smile. "Ang higpit na kasi ng yakap mo sa akin kanina, hindi na ako makahinga."
"Ganoon ba." He cupped my cheeks. "Babe, tandaan mo kahit na anong mangyari..." He looked straight into my eyes. "Mahal kita." Naramdaman ko na seryoso siya at totoo ang kanyang mga sinabi.
Para bang biglang hindi ko na maramdaman yung sakit. Parang biglang naglaho lahat ng aking pag-aalala. Kasi ngayon, alam ko na kasama ko si Jason, ang buong attention niya at ang puso niya.
I smiled. "I love you too."
At lahat ng ito ay dahil kay Lj Puno.

BINABASA MO ANG
Once in a Bluetooth
Teen Fiction"Paired but not connected." - Yan ang pakiramdam ko sa boyfriend ko ngayon. Kapag magkasama kami, alam kong nasa tabi ko siya pero hindi ko alam kung kasama ko ang puso niya. Before, everytime I'm with him I feel like I'm the most beautiful girl in...