Chapter 1 - Yes or No

82 6 1
                                    

Accept file from Lj Puno?

Yes or No

Sino 'to?

I cancelled it without a second thought. In the first place, who would accept a file from a stranger with an odd name? And, who would take the risk to have their phone crashed because of virus?

Wala. Walang taong gagawa ng ganoon.

Except people who are hopeless romantic, they might fantasize that this guy is their soulmate, without even thinking that their dream itself can destroy their perfectly shape hearts to dream again.

Hay, baka isipin ng iba diyan na ampalaya ako. Hindi po ako bitter, may boyfriend kaya ako. He's Jason and we're in... good terms, really. We just... don't bond too much these days. Busy kasi siya sa preparation ng math quiz bee, siya ang pambato ng school namin. Siya at ang bestfriend ko na si Sheena.

"Kanina pa kita hinahanap, naandyan ka lang pala."

Nagliwanag ang buong paligid nang marinig ko iyon. "Babe!" Lumapit ako kay Jason at niyakap siya. "Kumusta ang review niyo? Nakakain ka na ba?"

Bumitaw siya sa pagakakayakap. "Oo."

Parang ang cold niya ngayon. Siguro pagod lang siya.

"Bakit mo pala ako hinahanap, miss mo na agad ako? Grabe siya." Biro ko kaso hindi manlang siya ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Para bang dapat may ipag-alala ako pero hindi ko alam kung ano.

Bumuntong hininga siya. "May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano 'yun?"

Tumungo siya. Nakailang segundo na ang nakalipas pero di pa din siya nagsasalita.

"B-Babe?"  Parang onti-onti nang nanunuyo ang lalamunan ko. Nako, wag naman sanang mangyari 'yung kinakatakutan ko. Hindi ko kaya.

Bigla niya akong niyakap. "Na-miss din kita."

Parang nabunutan ako nang napakalaking tinik ng marinig ko iyon. "Pinakaba mo ako, akala ko kung ano na ang sasabihin mo."

"Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Ouch! Napagtripan mo nanaman ang pisngi ko."

"Ang cute mo kasi eh."

Nag blush ako. "Talaga?"

"Hay, ang bilis mo talagang maniwala!" Tumawa siya at inakbayan ako. "Pasok na nga tayo ng room."








Kaunti pa lang ang tao ngayon sa room. Sabagay 15 minutes pa naman before time.

Umupo na ako sa aking upuan akala ko tatabi  sa akin si Jason pero tumabi siya kay Sheena. Pinapasok niya ako sa room para lang iwanan ako? Yung totoo?

Pero siguro kaya doon siya pumwesto ay dahil mas kailangan nila ni Sheena ng time ngayon kasi silang dalawa ang ipanlalaban sa quizbee. Bakit kasi hindi ako magaling sa math? Edi sana ako yung kapartner ni Jason sa quizbee. Pero, okay lang, para sa school naman yang ginagawa nila.

Nginitian ako ni Sheena. I smiled back at her. Pagkatapos ay pinanood ko na lang silang dalawa mag usap. Nasa likod ako tapos sila nasa unahan kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. But it seems that they are having a good time, I can tell by the way they laugh and by the look in their eyes.


Once in a BluetoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon