Hindi normal sa akin ang pagka-uwi palang ay magbubukas na agad ng facebook kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganyang bagay. Gumawa nga lang ako ng fb account para hindi ako mahuli sa mga announcement sa school.
Kaso ngayon, para bang may bumubulong sa akin na kailangan kong gawin iyon. Kailangan kong makilala kung sino si Lj Puno.
Nag log in na ako, pagkatapos I typed Lj Puno in the search engine.
Kaso pagkasearch ko, napakadaming lumabas na Lj Puno.
Sino siya dito?
Siguro naman taga-school namin siya diba?
Kaso ang problema sa mga lumabas na result, walang Lj Puno na nag-aaral sa school namin.
Ang weird.
Baka naman bluetooth username lang niya talaga yung Lj Puno.
Hay, paano ko siya makikilala niyan, eh hindi ko nga alam kung anong tunay niyang pangalan.
Ang pag-asa ko na lang ay sana magsend ulit siya ng file sa akin bukas, pagkatapos tatanungin ko kung sino siya. Tama.
Hindi naman siguro masamang malaman kung sino yung taong nag-pangiti sa akin kanina at nagpagaan ng loob ko, diba? Gusto ko lang mag pasalamat kasi kahit papaano natulungan niya ako.
Nag-search ako sa google ng magandang background pagkatapos ay nilagyan ko ng "Thank you" na caption yung picture then I saved it on my phone.
Isesend ko to sa kanya bukas.

BINABASA MO ANG
Once in a Bluetooth
Genç Kurgu"Paired but not connected." - Yan ang pakiramdam ko sa boyfriend ko ngayon. Kapag magkasama kami, alam kong nasa tabi ko siya pero hindi ko alam kung kasama ko ang puso niya. Before, everytime I'm with him I feel like I'm the most beautiful girl in...