Chapter 4 - Yes

55 3 3
                                        

Break namin ngayon, pagkatapos kong kumain ay umupo na ako sa lumang arm chair sa labas ng room namin.

Binuksan ko na ang bluetooth ko at nag-scan ng devices kaso walang lumabas na Lj Puno.

Inulit-ulit ko ang pagsscan pero wala talaga. Baka absent siya ngayon? O baka naman trip niya lang talaga kahapon magsend ng files tapos ngayon hindi na?

Hay, sayang ang effort ko sa pag-gawa ng "thank you" picture :(

Napaubob nalang ako. Hinihintay na mag-beep ang phone ko at may dumating na file.

Nakaramdam ako ng crampled paper na binato sa ulo ko. Hindi ko pinansin noong una pero nang umulit, umalis na ako sa pakakatungo.

Nakita ko si Adrian na nakatayo sa may pinto ng room at naka-smirk sa akin, tiningnan ko ang kamay niya at may hawak siyang isa pang crampled paper.

"Problema mo?" Sabi ko habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Wala kasing basurahan."

"Oh, anong gagawin ko?"

"Kaya sayo ko nalang to itatapon." Then binato niya sa akin yung papel.

Napa-nganga ako sa sobrang asar. Lumunok ako ng laway, huminga ng malalim atsaka tumayo. "So, sinasabi mo bang mukha akong basurahan?"

Itinaas niya ng bahagya ang balikat niya. "Hindi naman. Mukha ka lang basura."

Nagpintig ang tenga ko.

"Basura ng iba na handa kong pulutin." Sabay ngiti.

"Tigilan mo ko huh. Kung ano-ano pinagsasasabi mo."

Natawa siya. "Hindi ka pa din nagbabago." Tumalikod na siya at pumasok na sa room.

Di pa din nagbabago? Makapag-salita siya, parang close kami aah. Sabagay classmate ko siya simula grade 1 pa, nakakapagtaka nga eh bakit di kami naging close, siguro dahil sa ugali niya. Asar -,-

Hay, mas lalong nakakaasar kasi wala pa rin si Lj Puno. Ayaw ko na nga. Ayaw kong maghintay sa wala. Ieerase ko na tong picture na ginawa ko, in the first place, ang weird kaya nito.

*Beep*

Accept file from Lj Puno?

Yes or No

"Ngayon ka pa nagparamdam kung kailan badtrip na ko sayo?! Ayaw ko na, joke lang sayang effort ko sa paggawa ng pic."

Inaccept ko at nakareceive ako ng voice recording. I clicked the play button:

"Bakit palaging naka-open ang bluetooth mo?"

Uy, he's talking to me now, should I answer him?

Wala naman sigurong masama diba?

I record my own voice and I said, "Actually, ngayon lang kasi hinihintay kita may isesend sana ako sayo eh."

Tsk. Mali, baka kung anong isipin ng puno na yan kapag yan ang sinend ko.

Nag-try pa ulit ako, "Hindi ko alam na naiwan ko palang open ang bluetooth ko, nalaman ko lang nang magsend ka sakin ng file."

That's better! Then I send it to him. After a couple of minutes, I received a reply via bluetooth.

He said, "I see."

Yun lang ang sinabi niya? Chineck ko kung putol ang natanggap kong voice recording pero sabi ng phone ko received successfully naman.

Ang tipid naman niya magsalita.

I record my voice again, "I want to know who you are. Lj Puno is not your real name, right?" Then I send it to him.

"How can you be so sure?" He replied.

Tsk. Oo nga noh, hypothesis ko lang naman na hindi Lj Puno ang pangalan niya. Ano ng isasagot ko sa kanya?

"Because I never heard that name before."

That's nice and honest answer. I send it to him.

"It's because your ears are too busy focusing on the things you only want to hear." He replied.

And that hit me... totoo ba yung sinabi niya? Masyado na ba akong gumagawa ng sariling mundo kasama ang mga taong gusto ko? Ilan ba ang kaibigan ko? Si Sheena lang. Mukhang totoo nga.

"Bakit parang kilalang-kilala mo ako?" I replied.

Hinintay ko ang reply niya pero wala na akong natanggap hanggang sa dumating na ang teacher namin at lumipas ang lahat ng subject at mag-uwian na, wala akong nareceive.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once in a BluetoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon