05

178 82 266
                                    



"Aray naman, Anais! Gago ka ba?!", sigaw ni Kai habang pinapalo siya ni Anais pagpasok namin ng unit niya. 


"Can't we not celebrate? Malapit na magkajowa tong friend natin dito!" tanong ni Anais habang dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. 


"Pwede naman pero wala man lang bang 'hi hello' diyan? Pwedeng mangamusta muna? Pwedeng magpaalam rin bago kumuha ng kung ano ano sa ref? Condo mo toh ha? Condo mo?" pang-aasar ni Kai kay Anais. 


At ayan nanaman, nagsimula na ulit ang bangayan. Pag itong dalawa talaga ay nagsama, kakailanganin mo ng ear plugs. Halos magsigawan na sila pag nag-aasaran. Hindi man lang mahiya sa mga kapitbahay. Di pa naman ata soundproof dito. They actually also have a love-hate relationship with each other kaya di ako magtataka kung magkatuluyan sila in the future. 


Hindi pinansin ni Anais si Kai at umupo nalang sa sofa habang tumitingin ng pwedeng mapanood na movie sa netflix. Pumunta naman ako sa kusina para ayusin ang mga nabili kong pagkain namin. Tinulungan ako ni Kai ilagay sa mga plato ang pagkain habang titig na titig sa akin. 


"Ano yung sinasabi ni Anais na malapit ka nang magkajowa?" bulong niya sakin. 


"Chismoso ka rin pala noh", I scoffed at him. "Kanina kasi nakita ko si Dee sa La Salle. Remember the guy I met nung birthday ni Anais? He fucking asked for my number!" masayang kwento ko sa kaniya habang tumitili na ewan. 


"Saya ka na niyan?", he asked me annoyingly.


"Ano ba! Minsan na nga lang akong makaranas ng ganitong feeling, ang kj mo pa. Grabe talaga sobrang matching ng names namin then same music taste pa kami tapos mukha pa siyang anghel na hulog ng langit. Shet, sana siya na talaga"


Kai looked up and said "Tita oh, ang landi ng anak niyo." 


"Gago ka talaga" 


Anais was just quiet the whole time so I left Kai in the kitchen and joined her in the living area. She was sitting down on the floor drinking the can of soda she got from the fridge earlier while her eyes are focused on the show she's watching. I glanced at the TV. Nagulat ako nang makita kong nanonood siya ng Fifty Shades of Grey. Agad kong hinablot sa kamay niya ang remote at nilipat ito sa netflix kids. 


"Hey, they were just getting to the good part! Bakit mo nilipat?" she said while giving me an innocent look. 


Anais is the type of person na maamo ang mukha pero pag nakilala mo, may kulo rin sa loob. Out of us four, siya ang pinakamakalat sa amin. Makalat na conyo.


"Aren't you uncomfortable to watch this with your friends? Just watch it later pag-uwi mo sa bahay", I scolded her. 


We heard the doorbell rang. Kai asked me to open the door since he was setting up the food in the dining table. I played boss baby on netflix before I went to the door to open it. As usual, Lili arrived with books on her hand. She was also still wearing her white uniform. Nothing new. Pero ang ikinagulat ko ay ang lalaking nasa likuran niya. He looked tall compared to Lili whose height is just below the guy's shoulders. Naka white uniform din siya pero UST yung ID lace niya. At paano naman nabingwit toh ni Lili? The last time I checked, she's not interested in dating yet.  

Notes from the Moon (Solar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon