09

142 63 177
                                    



"Miss, may stock pa po ba kayo nito?", tanong ko sa sales lady. Andito ako ngayon sa SM Aura dahil naghahabol akong mamili ng mga ireregalo ko sa mga kaibigan ko. I haven't found time to buy gifts because of my hectic schedule so I reserved this day for shopping. Magkakaroon kasi kaming magkakaibigan ng Christmas party sa bahay ko this weekend at mukhang balak pa nilang mag overnight doon. Most of them will spend the holidays with their family so we planned this party five days before Christmas. Anais will go to Paris while Dee will go to the US. In my case, I'll be saving money first before I go on a trip. 


I just bought Lili a new backpack from Anello. Worn out na rin kasi ang kaniyang bag na matagal na niyang ginagamit dahil puno ito palagi ng mga makakapal na libro. 


"Ito po ma'am", inabot sakin ng sales lady ang bagong stock ng bag saka ako pumunta sa cashier para magbayad. 


Si Nay Fellie naman ay binilhan ko ng isang cookware set dahil mahilig siyang magluto. Noong isang araw rin ay pansin kong medyo lumuluma na ang mga lutuan sa bahay kaya naman bumili na rin ako nito. Binilhan ko rin ng Adidas Stan Smiths si Kuya Dan. 


 For Kai, I bought him a pair of Birkenstock sandals. Mahilig siya sa mga sandals at loafers. Binibiro pa nga namin siya ni Anais na parang tatay siya dahil sa style niyang manamit. Oo nga pala, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Whenever we meet, pansin kong ang awkward nila sa isa't isa. Pinipigilan ko lang ang sarili kong tanungin si Anais tungkol sa nangyari dahil alam kong hindi pa siya handang sabihin ito sa akin. Anais is the type of person to update you about her day or anything that happens to her, may it be something important or not kaya hahayaan ko muna siya ngayon. 


Umuwi na ako sa bahay dahil iyong mga regalo nila Anais, Blaze, at Dee ay inorder ko online last week. Si Anais ay pinagawan ko ng custom made champagne heels with pearl and stone embellishments sa isang online shoe store. Si Blaze naman ay binilhan ko ng dark blue Littmann stethoscope.


Nag order naman ako ng Dior necktie para kay Dee. This isn't just an ordinary necktie dahil ilang araw ko nang tinatahian ito ng embroidery ng kaniyang pangalan. I sewed his name which is in cursive on the bottom part of the tie. I thought I'd buy him this since he always wears corporate attire at work. 


Naalala ko tuloy ang nangyari samin noon sa ball. Until now, I still feel butterflies in my stomach whenever I remember the way he confessed his feelings to me.


"I like you, Dani."


My heart was pounding off my chest. It's not my first time receiving confessions from others pero iba talaga ang feeling kapag yung crush mo ang umamin sayo. I stared at him for a while. I can't put into words what I'm feeling right now. 


"You don't need to say anything. I don't want you to feel like you need to reciprocate my feelings just because I told you about it. Just please let me like you'' he told me with full sincerity screaming from his eyes. I didn't bother to talk. Nginitian ko lang siya at pilit ikinalma ang sarili ko. I was just letting the moment sink into my mind. 


Pagkauwi ko ng bahay ay diretsahan kong ibinalot ang aking mga napamiling regalo at inilagay ang mga ito sa ilalim ng Christmas tree na itinayo ni Kuya Dan nung isang buwan. Bumagsak na rin ako sa kama dahil sa pagod. 

Notes from the Moon (Solar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon