Chapter 1

25 5 2
                                    

Nagising ako sa sakit ng ulo ko, minulat ko ang aking mga mata at tumingin ako sa paligid, kung 'di ako nagkakamali nasa ospital ako. Siguro nagtataka kayo kung baket ako nandito.

"Oh miss Gonzales nagising ka na pala?" Isang lalaki na nakasuot ng puting lab coat at stethoscope ang lumapit sa akin. Oo siya nga siguro ang doktor na nagasikaso saken.

"Opo kagigising ko lang kanina. Um, ga'no katagal na po ba kong walang malay?" Tanong ko sakanya.

"Well naranasan mo ang isang aksidente kahapon.. and good thing 'di ganon kalala ang impact sa ulo mo kaya naman nagkamalay ka agad compared sa ibang kasama sa car accident" Tugon niya.

"Ah miss, andyan nga pala yung kaibigan mo na nagbabantay sayo habang unconscious ka pa, marahil nasa counter siya pinupunan ang ilang mga form para sa iyo."sabi niya habang naglalakad papunta sa ibang pasyente na kasama ko sa ward.

Naghintay ako saglit kung sakaling pumasok siya, naaalala ko ang mga pangyayari, 'di ko mapigilan isip isipin kung ano na kayang nangyari kay Louie? Sya ang huli kong kasama bago mangyari ang lahat ng 'to.

Lumipas ang mga minuto may pumasok na lalake na tila ba mangiyak ngiyak nung nakita ako

"Rhianne thank God gising kana" Nagulat ako ng makita ko si Jared at niyakap niya 'ko, siya pala ang tinutukoy ng doktor kanina. "Im sorry ngayon lang ako" sabe niya saken at kitang kita ko ang ngiti sa mukha niya.

Pinalo ko ang braso niya "ako nga dapat ang magpasalamat sayo kase sinasamahan mo 'ko dito"

"Ano kaba parang wala tayong pinagsamahan" agad niyang tugon saken.

Naging magkaibigan kami ni Jared simula ng nagtransfer ako sa Blisshaven mula grade 9 at ngayon grade 12 na kami sakanya ko rin nakilala si louie at siguro tama ang pagkakataon na 'to para tanungin ko sakanya kung kamusta na ang boyfriend ko.

Jared's POV
Sobrang tuwa ko nung makita kong gising na siya pero kita ko parin yung kaba sa mukha niya kaya't tinanong ko siya "ok ka lang ba? May masaket ba sayo?"

"Di kase ako matahimik e, andito din ba si Louie? Gusto ko siya makita" sagot niya sa'kin.

Napatingin ako sa baba na para bang nadidismaya. Alam kong masakit ang sinapit nila, bestfriend ko si Louie pero ba't 'di ko mapigilan magselos.

"Please tell me na ok lang siya" Maluha na ang mga mata niya at 'di ko kinakaya na makita siyang ganto kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay at inalalayan siya palabas.

Rhianne's POV
sobrang nagaalala talaga 'ko at ayaw pa sagutin ni Jared ang mga tanong ko bagkos hinila niya lang ako palabas ng kwarto. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa canteen ng ospital at umupo kung saan wala gaanong tao.

"Jared ba't mo 'ko dinala dito? Kala ko pupuntahan natin si Louie" tanong ko sakanya.

"Seryoso yung pag uusapan naten e matao sa ward and since nandito rin naman na tayo, do you want anything?" Sagot niya saken habang nakuha ng pera sa wallet niya.

"Wala pa 'ko gana kumain, get me something to drink nalang" nagpunta siya sa counter and came back with a cup of coffee. He took a deep breath at sinabi saking "Mas maigi na siguro 'wag mo muna siya makita"

"Baket? Gusto ko lang naman malaman kung ok lang siya" sagot ko sakanya with a confused face.

He answered "Ayos yung kalagayan niya actually galing nga ko do'n kanina and nandon yung parents niya, alam ko mainit dugo nila sa 'yo kaya 'wag na muna natin sya puntahan"

Muntik na 'ko magtampo sakanya pero I think reasonable naman, hay nako dahil sa nangyare saminh disgrasya baka mas lalo ako itaboy ng parents ni Louie.
Sinubukan lang naman maging masaya pero ba't humantong sa ganito?

Tragic AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon