Lianne's
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───"Lianne, i know you're uncomfortable with me, but i hope we'll get close in the future" Sabi bigla ni junmo habang nakatingin parin sa kalsada.
"Hindi naman, i just, hindi ko lang alam kung ano ang dapat kong sabihin." Sabi ko, tumingin sya sakin mula sa rare-view mirror "Pero sana nga maging close tayo, kuya" Nakita ko na nanlaki ang mga mata nya noong narinig nya yon
"Nandito na tayo." Sabi nya sabay hinto ng sasakyan, lumingon at sa labas, nasa hospital kami.
"Ma, she's here" Narinig kong sabi ni jungmo bago tumingin saakin, i was starting to feel nervous.
"Pasok ka na daw lianne" Sabi nya, tumango ako at pumasok sa kwarto.
My eyes widen when i saw a middle aged woman, her body was lifeless at parang wala nang laman. Hindi ko alam kung anong mararamdaman, masaya dahil nakita ko na sya? o malungkot dahil nakita ko na sya kung kailan ganito na ang kalagayan nya?
Lumingon sya saakin at ngumiti,
"yura" tawag nya sakin, kinunot ko ang noo ko sa pangalan na una nyang nabanggit 'yura' yoon ba ang pangalan ko dati?Nagbow ako at tumayo sa gilid nya, "Lapit ka ng konti baka hindi mo ako marinig" Pabiro nyang sabi, kinagat ko ang labi ko at bahagyang lumapit sakanya.
"Lianne po ang pangalan ko" Sabi ko, her expression changed slightly before going back to smiling again
"Sorry, lianne pala" Aniya, tumayo lang ako doon ng walang sinasabi. "Sorry, ah? ngayon lang ako nagparamdam sayo" Sabi nya, i sighed and nodded my head
"Okay lang po, may rason naman po kayo diba?" Sabi ko, ngumiti sya at lumingon sa labas
"Maayos ka nilang pinalaki, noh? mabuti naman" Sabi nya, tumango ako.
"Opo.." Sabi ko, lumingon ulit sya sakin
"May itatanong lang po sana ako" Sabi ko, tumaas ang kilay nya "Ano yon anak?""Bakit nyo po ako iniwan sa bahay ampunan noon?" Sabi ko, humigpit ang hawak ko sa dulo ng damit na sinusuot ko. Tumingin sya sa baba at nagbuntong hininga.
"Mahirap kasi tayo noon, hindi ko na kayo mabuhay ni jungmo dahil umalis ang tatay nyo" Panandalian syang huminto "iniwan muna kita sa bahay ampunan dahil maghahanap ako ng trabaho, para makaipon at mabuhay ko kayong dalawa"
"Bakit ako lang po? bakit-" "Sakitin kasi si jungmo noon, at alam ko naman na hindi kakayanin ni jungmo na mawalay saakin"
Lalo pang humigpit ang hawak ko sa damit ko, paano ako? tinanong nya ba kung ayos lang saakin na maghiwalay kami?
"Alam kong magulo ang isipan mo ngayon, patawarin mo ako huh? hindi ko kasi alam ang gagawin ko noon dahil bata pa ako noon" Sabi nya, i looked down at my feet
"Araw araw akong nagtrabaho noon, halos hindi na ako umuwi, para makaipon, noong medyo guminhawa na ang lagay namin ni jungmo, hinanap kita" Sabi nya, nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako sakanya.
"I saw you with your new family, and you looked so happy, i couldn't take that happiness from you just because i am finally stable" Sabi nya, naramdaman ko ang pag-kirot ng puso ko "Paulit ulit ko nang sinasabi 'to, pero anak i'm sorry" Sabi nya, hinawakan ko ang kamay nya
"I called you here because i want to spend time with you, i want to do family things with you and jungmo, for one last time" Sabi nya, unti unti kong naramdaman ang pag agos ng luha mula sa mga mata ko.
"You see, i don't have much time, i only have two months left" "T-that's it? sure na yon?" Tanong ko, she gave me a bitter smile before nodding her head.
"Ano ba ang sakit nya?" Tanong ko noong pumasok na ulit kami sa sasakyan, "ALS"
"Ano-" "Her muscles are getting smaller kasi nawawala na yung mga cells, she's getting weaker and weaker lianne" Sabi nya, nakahawak sya sa manubela at alam kong pinipigilan lang nya ang sarili nyang umiyak.
"Anyway, you should contact your family since uuwi ka na next week" Sabi nya, panandalian akong tumahimik
"No, i'll stay, until her last breath"
BINABASA MO ANG
fanboy ₊˚ ﹆ • haruto watanabe
Fanfiction"sorry pinukpok ko yung ulo mo gamit yung pyongbong ko!!" :¨·.·¨: '·. WHEREIN going to a blackpink concert with your cousin lead to you meeting haruto watanabe. ↻┊complete ©heeongz