Reblog for Love

1.6K 44 4
                                        

***

It takes one click to feel how you are loved dearly..

***

There are seven continents in the world, a hundreds of nations, one heart and there is one only you I have set my eyes for. Who can say that love at first sight don't exist? They do. An example? Me. One look and you mesmerized my eyes, one word and I melted away. Since then I did not forget not a single feature of your face and the way you speak to me. As 1 Corinthians 13 said, love is patient, love is kind, it is not jealous.. For me, you are love, love is you. Korni na kung korni pero magtatagalog na ako.  (Isa pa, kanina pa dumudugo ang ilong ko kakaingles) Sa ngayon, wala pa akong lakas ng loob para aminin sayo ang totoong nararamdaman ko. nag-iipon pa ako ng tripleng kapal ng mukha. Doble pa lang kasi itong sa akin e. Pero kahit ganun, sa simpleng post ko nito, para na ring ipinagsigawan ko sa mundo kung gaano kita kamahal. Kung hindi mo man ito mabasa, salamat. Kung mabasa mo naman, thank you. Sino ba ako para basta na lang sabihing mahal kita? Eh ito lang naman ako, simple pero galante sa pagmamahal sayo. Iwasan ka man nila, ayawan ka man ng mga tao sa paligid mo, tunmingin ka lang sa likod mo, handa kitang yakapin para ipadama sayo ang pag-ibig kong matagal ka nang gustong sabihan ng I love you..

Reblog.

"Ang sweet naman nitong si "renewedconspiracy" ". sabi ni Melody sa sarili habang busy sya sa kakatingin ng mga bagong post sa tumblr. For Melody, this is her escape from reality, aside from going out with her friends, this stuff makes her happy. Sino ba namang tao ang hindi mag-eenjoy sa ligayang hatid ng Tumblr hindi ba? Isa si Melody sa mga naeengganyo at fan ng blogsite na ito.

"Kung sino man ang babaeng tinutukoy nya rito, ang ganda niya na at ang swerte pa. Sana man lang may picture sya dito pati yung girl of her dreams niya para masaya." patuloy lang sa pagrereblog at pag-scroll ng mga post habang kumakain ng paborito  nyang potato chips. Nagvibrate ang cellphone nya at pagtingin niya sa screen, ang best friend niyang si Rob ang nagtext. "Tol, patambay. Katamad dito e."

Napabuntong hininga sya pagkabasa ng text ng pasaway niyang kaibigan at saka inihagis ang cellphone sa sofa. Hindi nya na ito nireplyan dahil di naman sya nakapag-unli. At isa pa, ayaw nya sayangin ang regular load para lang sumagot ng "ok" dito.

"Haay. Hanggang kailan kaya niya ako tatawaging 'baby' sa susunod na text niya? Lagi na lang 'tol' e." yes, she's in love with the bestfriend, like anyone does. Gusto nyang pigilan ang feelings nya para dito sa pagkakaalam nyang mali iyon pero wala na syang magagawa. She loves him.

"Mag-aral ka nga." sabi ni Rob sa kanya pagdating nito. Naabutan kasi siya nitong online pa. "Tumblr ka ng tumblr e."

"Paki mo ba? Tapos na ako mag-assignment e. Inggit ka?" sagot naman nya rito habang naghahanda siya ng meryenda. Pinakaingat-ingatan nya ang pagprepare dito dahil naniniwala siya sa kasabihang "The best way to a man's heart is through his stomach." Kahit pa sandwich lang ang ginagawa nya, paki ba nila diba?

"Melody anu to? Ni-reblog mo ito?"

"Ha? Ang alin?"

"Ito nga oh. dali." lumapit naman agad sya sa kaibigan at itinuro sa kanya ang sinasabi nitong ni-reblog niya.

"Oo, nakita mo naman diba? Obvious ba? Bakit? Don't tell me nainlove ka sa sinabi nung nagpost na si renewedconspiracy? Ayee.." nginitian niya ito nang pang-asar at tinusok-tusok ito ng mahina sa tagiliran pero nanatiling tahimik ito at nakatingin sa monitor ng laptop.

"Hoy natulala ka na dyan."

Nang matauhan si Rob, humarap sya bigla kay Melody. "Sabihin mo nga, bakit mo nireblog tol?" tanong nito sa kanya. Di naman maintidihan ni Melody ang ibig sabihin ng kaibigan kaya naguluhan siya.

"Masama ba? Bawal na ba mag-reblog ngayon?" nagugulumihanan na si Melody sa mga ikinikilos ni Rob kaya kinakabahan siya para sa best friend.

Hindi na sya nakagalaw pa nang kabigin sya nito at niyakap siya ng mahigpit. Nevertheless, Melody's still curious about what's happening but at the same time, her heart smiles in happiness.

"Bakit mo nga nireblog yun Tol?" nang hindi na makapagsalita pa si Melody, nagpatuloy sa pagsasalita si Rob. " Ah basta, ngayong alam mo na, masaya akong may tripleng kapal na ng mukha ako para sabihin sayo ang feelings ko. Eh ito naman ang rason bakit ako pumunta dito. Tatambay ang puso ko sa puso mo at hindi na aalis.. Mahal na mahal kita Melody.."

"Tol..." masaya si Melody. Aminado sya. Pero sa bilis ng mga pangyayari, di niya alam kung kaya pa niyang tumili o magsalita.

"Anong tol? Pwede bang ako na lang ang baby mo?" sabi nito sa kanya pagkangiti niya. Kinilig naman siya..

Siya naman ang yumakap dito at pinisil ang pisngi nito. "Oo naman.. Matagal ko nang gustong sabihin yan sayo e. I love you tol..este Rob."

Nginitian sya nito ng matamis. "May kasalanan ka pa pala saken."

"Ano?"

"Bakit mo pala nireblog yun e sakin naman galing yan para sayo. Ako si renewedconspiracy.."

Imbis na mag-react pa, inihilig na lang ni Melody ang balikat nya kay Rob. At alam niya, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay nila, magiging masaya na sila. Maaari ngang dito na matatapos ang pagkakaibigan nila, pero ang pag-ibig nila ay dito na magsisimula papunta sa walang katapusang kasiyahan ng kanilang mga puso. 

Salamat sa tumblr. 

Salamat sa reblog.

One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon