A Love Story

1.9K 59 7
                                    

A Love Story

***

Cliché, but not-so-typical love story of best friends.

***

“Kath, mahal ko talaga sya.” Halos maluha ako sa sinabi ni Rence. Kung gaano sya ka-inlove nung sinabi nya yan saken, yung puso ko naman, parang dudugo na. Ang sakit malaman at marinig na sinabi sayo mismo ng taong mahal mo na may iba syang mahal. Yung gusto mong umiyak at sumigaw dahil sa sakit na nasa puso mo pero di mo magawa? Na tatakpan mo ng mga ngiti ang lungkot sa puso mo? Na sasabihan mo sya ng mga encouraging words para ipursue nya yung pagmamahal nya dun sa babaeng gusto nya pero sa loob mo sana ikaw na lang ang minahal nya?

Ang hirap.

Wala nang mas sasakit pa.

“E-eh di ligawan mo sya. Parang may gusto rin naman sya sayo e.” sabi ko sa kanya sabay ngiti. Pilit kong tinatago sa puso ko yung sakit. Na kung pwede ko lang ihabol sa kanya na, ‘Ako rin, gusto kita Rence.’ Pero di ko kaya. Di ko magawa. Ayokong masaktan ako ng sobra. To the point na kahit isipin ko palang na sabihin ko yun sa kanya, rejected na kaagad ako.

“Yun na nga e, nararamdaman kong may gusto rin sya saken. Kaso aalis sya. Pupunta sya sa probinsya nila. Baka mahirapan akong sabihin yun.” Nakita ko sa mga mata ni Rence na nag-aalangan syang umamin kay Raphaella. Inakbayan ko sya at pinalakas ang loob nya.

Ano pa nga ba ang magagawa ko bilang ulirang BEST FRIEND?

“Ano ka ba Rence! Cheer up! Wag kang mawalan ng pag-asa. Alam mo, ang mga girls, naghihintay lang sila ng time para kausapin sila ng lalakeng gusto nila. Alangan namang si Raphaella pa ang umamin sayo diba? Hey, be a gentleman.”

Rence, naghihintay ako. Naghihintay ako na sabihing gusto mo ako. Umaasa ako..

Pakiramdam ko gumagaralgal na yung boses ko and in any time, maiiyak na ko. Parang..Di ko na ata kaya magstay pa rito ng matagal. Na dapat mailabas ko na lahat ng sakit na nasa puso ko ngayon.

“Tama ka nga siguro Kath. Oo, aamin na ko sa kanya mamaya. Pupunta ako sa kanila. Sasabihin ko na yung totoong feelings ko. Ayoko na magkunwari.” Puno ng pag-asa yung tono ng pananalita ni Rence. Pero ako? Heto, umaasa. Pa rin. Sana man lang may masamang hangin umihip sa puso nya at maramdamang ako pala ang mahal nya at hindi ang iba. Pero wala. Hanggang panaginip ko lang masasabi at mararanasan yun.

“Very good! P-proud talaga..ako..sayo. **sniff** yan ang tunay na **sniff** lalake.. Di naduduwag.. **sniff** magsabi ng …feelings nya **sniff**” Sorry Rence, di ko na mapigilan ang luha ko. Pasensya na.

Nagulat sya ng Makita akong umiiyak. Kahit di nya alam ang dahilan kung bakit, inakbayan nya ako at pinunasan ang mga luha ko. Mga luhang di nya alam na sya pala ang dahilan.

“O Kath! Bakit k-ka naman umiiyak? Ano ‘yun? Bigla ka na lang umiiyak dyan e.”

Hinawi ko yung kamay nya at pinunasan ko ang mga luha ko. “W-wala to Rence. Tears of joy. Hehe. Kasi aaminin mo na kay Raphaella na gusto mo sya. Masaya lang ako p-para sayo.”

Ngumiti sya at bigla akong niyakap. Kung pwede ko lang ipadama sa mga yakap nya na mahal ko sya,kung pwede ko lang ipadama na sana patahanin nya ako sa pagluha, kung pwede lang sana ipadama sa kanya na sana mahalin nya rin ako.

“Haha. Di mo naman kelangang madala sa emosyon ko Kath. Basta’t andito ka para suportahan ako, lalaban ako. Nakataya ang love life ko rito e. pag napasagot ko si Raphaella, lalabas tayo twing sabado. Pero syempre sa 6 days na in a week, siya ang kasama ko.”  Kinindatan nya ako. Bakit ba kelangan may mga ganitong pakiramdam sa mundo? Yung nanandyang manakit?  “Kaya wag ka nang iiyak ha. Papanget ka nyan, hala ka. Wala magkakagusto sayo hehe.”

One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon