JOURNEY 18

21 2 60
                                        

Chapter 18

Rules

"I am sorry, Riz but... no matter how I want to stay by your side. I... can't because I'm just..." Iling niya sa akin at hindi na itinuloy ang sasabihin.

I knew it, kaya pala hindi siya gaanong lumalabas sa scene and it was always moments of Narizz and Vann only.

"Why? Eh hindi ba galing ka sa real world? Bakit hindi male lead ang naging role mo?"

Umiling naman siya at matagal pa bago nakasagot. "Because I'm not really meant to be here in the story, Riz."

Natulala naman ako sa sinabi niya.

"But why are you here?"

"Hindi ko pa alam," umiling siya sa akin.

My mouth turned round at tumango tango pa. Oo nga pala, nasabi niya na hindi pa rin buo ang memories niya.

Binalik ko naman ang pagpupunas ng panyo ko sa labi niya, nakatitig ako dito habang ginagawa iyon pero pansin ko ang mariin ding titig sa akin ni Vans.

Vans! Don't stare at me like that! Parang natutunaw ako.

Mahina akong tumikhim at bahagyang tumingkad. Matangkad din kasi si Leon kaya kailangan ko pang gawin iyon. Nang mas malapit ako sakanya, mas lalo kong napansin ang malaking hiwa sa gilid ng labi niya.

Malakas nga talaga ang suntok ni Narizz sakanya kanina.

"Medyo malaki pala talaga ang sugat mo..." bulong ko para mawala naman ang awkwardness sa sobrang tahimik ng paligid.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy pa rin sa pagtitig sa akin kaya mas lalo kong pinagtuunan ng pansin ang labi niya. Napalunok pa ako.

"Punta kaya tayo ng clinic? Baka may ointment sila doon na pwedeng ipahid diyan sa labi mo," I suggested at tinigil na ang pagpahid. May mga kaonting dugo pa rin kasing lumalabas doon.

Tumango naman siya at nauna nang maglakad sa akin. Siguro papunta iyon sa clinic. Pinagmasdan ko pa ang likod niya bago tuluyang sumunod.

Pinag isipan kong mabuti ang sinabi niya na ang character ni Leon ay isang second lead lang sa story. Just a third party.

Pero... anong klase kaya siyang third party? Mag paparaya? O makiki-agaw?

Base kasi sa mga line niya na naririnig ko... mukhang matindi ang pagiging third party niya kay Narizz at Vann.

Sana naman hindi umabot sa puntong may masaktan.

But this is a story Narizzalyn, so expect that there's a conflict and twist in it. I wonder who is the writer of this story?

Sinubukan kong isipin iyon pero biglang sumakit ang ulo ko kaya napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa sentido ko.

"What's wrong?" Tanong ni Vans na nakatigil na rin pala at nakalingon sa akin. Mabilis niya pa akong dinaluhan at inalalayan.

Umiling naman ako sakanya. "Nothing... I just tried to remember something."

"May naalala ka?"

Umiling ako. "No, sumakit lang ang ulo ko,"

"'Wag mong pilitin ang sarili mo, okay? Hayaan mong lumabas nang kusa. Don't think too much, baka mas maapektuhan pa nito ang memory mo," He said with a glint of concern on his voice.

Tumango na lang ako at huminga ng malalim. "Okay... okay..." mahina kong sinabi at ngayon ako naman ang nauna sa kanya sa paglalakad.

Mabilis kaming nakarating sa clinic, since nakahinto naman ang nurse doon, ako na ang naggamot sa kanya. Ako rin naman kasi ang nanakit.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon