chapter 6

21 1 0
                                    


Sana magwork yung gagawin ko para sa kanya.

(Charleigh)

Nauna na si je sa school. Habang ako, umaasa.

Naghihintay ako na may bumusina na kotse sa labas, pero wala. Hinihintay ko na may mangungulit sakin pagbaba ko ng kwarto, pero wala.

Wag naman po sana pero, tingin ko sa buong araw na to, siya nanaman po laman ng isip ko. Di ko alam pero isang araw palang siyang wala, parang ang boring ng araw ko.

Tumayo na ko at nagsimulang magabang ng jeep. *para para!* tatlo kami sumakay ng jeep. Isang nanay at kanyang dalawang anak. At dahil dun, nagpahuli nako. 'ayy!' ugh. Nakita ko tinisod ako ng bata. Okay lang. Bata naman.

Inabot ko na ang bayad ko sabay tingin sa bata na kinakalabit ako. Inabot niya sakin ang isang red card. Ano to, F4?! Haha. 'SORRY.' yan ang nakalagay sa card. Nginitian ko na siya at bumaba.

Nasa gate nako ng school pero may iba. Bat puro couples nakikita ko? At ang tahimik! Hala zombieeeees! Keme lang. *lakad lakad lakad* ang awkward. Paakyat nako pero inabutan ako ng couple ng Orange at yellow na card. Nakasulat dun, 'SORRY.' okay?

Umakyat nako ng classroom pero una kong nakita, MGA PICTURES KO. as in may S. Madami. Sobra. Halos collage na tong door. May nakalagay na Green na card sa gitna. At dun nakasulat, 'SORRY' wait, bat puro sorry. Walang goodluck? Galit ka? Or haha man lang ganun? Puro sorry?

Nagklase ng maayos. Hanggang sa mag break. Kumain ako magisa kasi wala si je. Di ko makita. Nakaoff din ang phone ng gaga. Pumila nako pero sumisingit sila!! Nagabot ng card na Blue yung babaeng sumingit with same text on it.

Nagtataka nako kung bakit ako, walang ganung card. Anduga. Di ako nabigyan ng principal! Nakakapagtaka na talaga.

"bat mo ko nitapunan ng juice?! Watch where you're going!" tapunan ba ko ng juice?! Ugh. Nice just nice. Wala si je, si laelius and all of this.

She gave me an indigo card with the usual text on it. "hi. Sorry. I'm leaian by the way. Sorry talaga. Here, magpalit ka ng dress nalang." kinuha ko yung dress at nag thank you sa kanya. Naka civilian clothes pa namab mga tao kasi first week palang naman daw. So yun.

Di ko mabitawan yung cards sa kamay ko. I dont know why. Lumabas nako ng cr at dumiretso sa meeting place ng club.

Ako lang ata late. Busy na sila. "sir president, ano po pwede ko gawin?" syempre di naman pwede na wala ko gawin. "uhm paki dala nalang nitong mga materials sa gym. Salamat. Balikan mo nalang yung iba." so I started to carry the materials, paints, and brushes to the gym. P

"ay iha, papasok ka? Saglit. Kukunin ko susi sa guardhouse. Pasensya na sa abala." sabi ni manong guard.

Nagabot siya ng violet card na may 'sorry.'... Nanaman. So yun binuksan niya yung gym. Binaba ko na yung materials sa isang tabi then biglang nag open yung lights. 

"Charleigh Lorenzo, sorry kung nainis ka sakin, kung kinulit kita sobra, I cant promise you anything pero Im sure of one thing, You are  special to me. Maybe not just as my friend but something deeper than that. Parang ikaw yung cards na hawak mo. Ikaw yung nagbibigay ng kulay sa araw ko. Di ko kayang mawala ka. Please? Sorry. Alam ko masyadong OA para sa pag aapologize, pero wala pa ito sa nararamdaman ko nung time na sinigawan at iniwan mo ko. Ayoko na mangyare ulit yun. Kaya, SORRY. "

Wait. Yung luha ko, yung uhog ko. Punas towel sa mukha. Breathe. Ugh di ko na kaya!! Tumakbo na ko papunta sa kanya at niyakap siya. Bumulong ako sa kanya. 'di mo alam kung gaano mo ko pinagalala sa isang absent mo lang. Ugh. I hate you! Bat ang effort mo masyado?! *batok* yan! Maano kasi! Oo na. Bati na tayo.'

"YIEEEEEEEEEEEEEEE" "lam na this!" mga loko. Nandito pala sila lahat. May hawak na 'Im sorry Charleigh'

Set up!!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

what ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon