Chapter 20

1.3K 94 21
                                    


TBIILWYM 20 | I-talk mo sa pader

"Seryoso?" Biglang sabat ni Xerxes na nakikinig pala sa amin, humarap ito sa akin. Matalim ang tingin, "mag-usap tayo." Seryosong sambit niya.

Napapagitnaan nila ako ngayon hindi ko alam kung sino ang susundin. Mananatili ba ako o susunod kay Xerxes? "Huwag mong pilitin si Teya kung ayaw… May special visitor ka naman. Bakit hindi 'yon ang bigyan mo ng pansin? " Maangas na sabi ni Zachariah nawala ang mahiyaing bersyon.

Agad namang tinapatan din ng masamang tingin ni Xerxes si Zachariah, "pake mo ba? Ikaw ba inaaya ko? Hindi ‘di ba? Sa pagakakatanda ko hindi Teya o Galatea ang pangalan mo." Sarkastiko nitong sabi, sabay hablot ng kamay ko. Agad namang ginawa ni Zachariah ang paghablot effect ni Xerxes.

Awkward akong napalingon sa kanila pareho nila akong hawak-hawak. At hindi lang 'yon nakatingin din ang kambal na kuya ni Xerxes pati ang nanay nito ganoon din si Charentina na hindi maipinta ang mukha.

Agad na pumagitna sina Kuya Xenver and Xenvri ng mapansin ang komusyong nangyayari, "hala gago, walang away! Peace.." Anito at pilit pinaghiwalay sa akin ang dalawa. "Teya, mabuti pangsundan mo nalang si kapatid para makapag-usap na kayo," bumaling ito kay Zachariah, "pre roon muna tayo…Give them privacy." Anito saka umalis tumingin muna sa akin si Zachariah. Tingin na nagsasabing it-is-okay-for-me-to-leave?
ngunitian ko s'ya at tinanguan.

"Okay," aniya at naglakad na papalayo.

Ngayon kami nalang ni Xerxes ang natitira ilang minuto ang lumipas at tahimik pa rin. Akala ko ba gusto n'ya akong makausap? Eh, ano 'to? Library? Observe silence?

"Imbyerna ka!" Nabigla ako sa sigaw n'ya, tinignan ko ito at nakita kong papaiyak na.. Hala? Anong ginawa ko?!

Agad ko s'yang nilapitan, "hoy! Hindi kita pinapaiyak! At saka huwag ka ngang umiyak nagmumukha kang tanga!" Ani ko.

Pinandilatan ako nito ng mata at pinunasan ang luha, "i-talk mo sa pader! Kairita ka!"

Mas nakakairita ka! "So, ako na naman ang may kasalanan? Hindi kita inaano Xerxes for your information ikaw nga ang may atraso sa akin!" Sumbat ko, aba'y huwag niya akong artehan!

Natahimik ito bigla napayuko, "gusto ko lang naman maging proud si lolo," aniya, naguluhan ako. "Hindi pa talaga ako lalaki may parte pa rin sa akin ang may pagkamalambot... At hindi si Charentina ang gusto ko! Akala mo hindi ko nakikita mga masasama mong tingin sa kanya!"

Nag-iwas ako ng tingin, "hoy, hindi ah! I-talk mo sa pader!" Panggagaya ko.

Inikutan n'ya ako ng mata, it felt surreal.."Anong hindi? Selos ka ata eh!" Akusa nito dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko, "sabi kasi ni lolo gusto n'ya si Charentina. For once gusto kong maging proud siya sa akin kaya pinilit ko ang sarili kong mapalapit kay Charentina at magkilos lalaki.. Kahit na minsan kaimbyerna ang lipstick n'yang hindi bagay ang shade!"

Tila gumuho at biglang umayos ang mundo ko, hindi n'ya gusto si Charentina… Pero may pagka pusong mamon pa rin s'ya, so... Sino ang babaeng tinutukoy n'ya? O pati 'yon gawa-gawa lang? "Tapos, ang bilis mo akong ipagpalit kay Zachariah.. Wow ah, ano close na kayo? Mag bff na kayo? In a relationship? Ano? Sagot!" Napatalon ako sa sigaw nito, akala mong nanay ko para gisain ako ng ganito.

Teka nga...

"Hoy! Huwag mo akong gawan ng issue! Ikaw nga r'yan ang nang iwan sa akin! Aba naman kahit simple lang 'yon nakakahurt pa rin! At ano namang pake mo kung in a relationship kami ni Zachariah? I talk mo sa pader!" Duro ko sa kanya, hindi mapigilang mapikon.

Para itong hindi makapaniwalang napatingin sa akin, "hoy chakabella.. Mahiya ka naman… Bestfriend tayo dapat kalang magsabi sa akin." Seryoso nitong sabi, "syempre masasaktan ako.." Anito, namula ang magkabilang pisngi ko dahil doon..

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon