Chapter 33

830 64 2
                                    

TBIILWYM 33| Down the dark street


Suspicious, lagi nalang hindi umuuwi si Papa ganda. Kung dati'y ayos lang ngayon ay hindi na. Halos tatlong linggo s'yang hindi umuuwi. Bakit?

Nangunot ang noo ko, lilipas na naman ba ang araw na 'to na walang uuwing Papa Ganda sa bahay? Nag-aalala na ako sakanya, baka may problema ito sa trabaho. Napabuntong hinga ako, anong gagawin ko?

"Ayos ka lang?" Ani ng isang boses, nilingon ko ito. Ngumiti ng pilit, "sus, wala pa ba? Kung ganito buong buwan baka rito na ako sa inyo tumira n'yan. Pero don't worry, hindi ko pa isusuko ang Sierra Madre sayo," napangiwi ako sa sinabi ni Xerxes. Masyadong wild ang isip nito.

Oo nga pala, simula ng hindi umuwi si Papa laging nakabantay si Xerxes sa bahay namin. Natatakot daw itong ako lang mag-isa sa bahay at saktong babae ako, kaya eto s'ya ngayon na rito sa amin. Lagi na s'yang natutulog rito pagkuwana'y aalis din, babalik lang tuwing gabi.  Ang sabi ko nga'y kaya ko naman na mag-isa pero maging sila tita, tito at kuya Xenver at Xenvri ay agree kay Xerxes.

"No iha, mas mapapanatag kami kung kasama mo si Xerxes. May magbabantay sayo don't worry he's not that soft guy anymore," napakunot noo ako sa sinabi ni tito, ano raw? Narinig ko ang mahihinang tawa ng kambal, nag thumbs up pa sa akin.

"Pero tito, tita––"

Umiling si tita, "nag-aalala rin kami sayo iha. Mag-isa ka lagi sa bahay,kailangan mong may kasama. Baka siguro may inaasikaso lang si Generoso kaya hindi nakakauwi at saka boyfriend mo naman itong anak ko. " Hinaplos n'ya ang buhok ko, "mas maarte pa nga 'yan sayo, don't worry hindi ka gagapangin."

Napangiwi ako, wow ah? Hindi? Sus!

Nang makitang desidido silang lahat wala na akong nagawa kundi sumang-ayon, wala namang mawawala. At saka tama si tita, baka nga ako pa ang manggapang sa malanding baklang 'to.

Nailing ako sa naalala, "sa tingin mo uuwi na s'ya ngayon?" Tanong ko kay Xerxes na abalang nagtutupi ng mga damit. Ngumiti s'ya at tumango, hinagkan ang aking pisngi.

"Uuwi si mother Earth don't worry, " anito. "Ay, mamaya tignan natin yung result sa website ah?" Natigilan ako, website? Napansin ni Xerxes ang pagkalito ko, "tanga, yung inapplayan nating test para sa scholarship! Sabay tayong kumuha ng test sa Academy, 'di ba?" Sagot nito, agad ko namang naalala.

Oo nga pala, pagkatapos namin sa Senior High agad kaming nagkasundo ni Xerxes na sabay kukuha ng scholarship sa sikat na Academy sa kabilang lugar, sana nga'y palarin kami.

"Sana makapasa tayo," sabi ko sakanya.

"Huwag kang mag-alala, oo 'yan. Tiwala ka lang."

Sana, hindi ko aakalaing magiging dependent ako kay Xerxes...sa boyfriend kong kumare ko lang dati...

━─━────༺༻────━─━


["Hindi ka ba pupunta mamaya Teya? Gorl, may party kina Rossweisse invited lahat!" ]

Tumili ito ng pagkatinis-tinis hindi halatang excited si Shamaine. "Pero alam mo namang hihintayin ko si papa ganda kailangan naming mag-usap. Ilang araw na s'yang hindi umuuwi kailangan kong maghintay ngayon. Baka ngayong gabi na s'ya umuwi, mahirap na at baka magkasalisihan kami," paliwanag ko sakanya. Rinig ko ang dismayadong buntong hininga nito.

Sitio Series 1: This Beks Is In Love With You MareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon