CHAPTER 37
NEMO
KAKAPASOK palang namin sa kuwarto ay narinig ko na ang sagutan ng dalawa.
"Tatlo lang ang kama, walang agawan ha? Mahirap maagawan kaya uunahan ko na kayo." parinig ni Oyan sa tahimik na si Zild.
Hindi kumibo si Zild at umupo sa couch malapit sa glass window papunta sa veranda. Malapit rin doon ang kama kung saan pumwesto si August. Ako naman ay nahiga sa kama malapit sa pinto, nasa gitnang kama naman si Oyan.
"O, 'wag mo sabihin na diyan ka matutulog, Zild? Pwede naman kayo magtabi ni August." natatawang suhestiyon ko.
Mabilis akong tiningnan ni August at itinaas ang middle finger niya na mas ikinatawa ko.
Umiling si Zild, "Mahirap na matawag na mang-aagaw sa taong hindi marunong makinig pero magaling manloko." makahulugan na sabi ni Zild.
Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang mga kamao ni Oyan habang pinapakinggan ang pag-uusap namin ni Zild kaya napangisi ako.
"Bakit hindi ka na lang tumabi kay Namshen? Panigurado na wala iyong kasama sa kama, may blessing ko na naman kaya lumipat ka na lang ng kwarto." pabirong sabi ko.
Mahinang tumawa si Zild bago umiling, "Nirerespeto ko si Namshen. Hindi ko siya babastusin, hindi 'gaya ng iba diyan na nakipagrelasyon kaagad pagkatapos ng hiwalayan nila." pagpaparinig ni Zild.
Mabilis akong napaupo habang tinitingnan si Oyan na mabilis na hinagis sa puwesto ni Zild ang malaking unan sa kama niya. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang iyon, hindi ito ang inaasahan kong gagawin niya kung siya talaga ang bestfriend ko.
Mukha nagulat rin si August dahil napatalon siya sa kama, nagpipigil ako ng tawa sa nasaksikhan.
Naalerto si Zild kaya nakaiwas siya sa unan at tumama iyon sa glass window. Dahil sa lakas ng pagkakahagis ni Oyan ay nagkaroon ng lamat ang salamin. Sumipol ako habang namimilog ang mga mata.
"Woah! Kumalma ka, Oyan! Magbabayad tayo kapag hindi ka kumalma." pagpapahinto ko kay Oyan.
Mukhang hindi sila nakikinig sa akin dahil tahimik lang silang dalawa ni Zild habang nagsusukatan ng mga tingin. Pinilit matawa ni Zild bago tinapos ang katahimikan.
"Kung mahal mo pa si Namshen, dapat hindi mo siya hiniwalayan. Dapat hindi mo siya ipinagpalit, a true man understands how to let go if he truly cares for the person." seryosong sabi ni Zild, "Hindi 'yung nasaktan mo na tsaka mo sasabihin na nagseselos ka, nakakahiya ka." negatibong komento ni Zild.
Tumaas ang kilay ni Oyan, "Wow, so you are talking about 'what a true man is?', but why did you let Namshen cheat on me? Yeah, I accepted all the pain but I can't accept that she forced herself to love me while cheating on me! That's ridiculous!"
Napahiga si Oyan dahil sa malakas na suntok ni Zild. Namumula ang mukha nito sa galit kaya tumayo kami ni August para pigilan ang nangyayari. Inalalayan ko si Oyan na tumayo at si August naman ay inilayo si Zild ngunit pinigilan siya ni Zild at masama ang tingin na ipinukol kay Oyan.
"Kahit kailan, hindi ka niloko ni Namshen! Kahit may pagkakataon siya, hindi niya iyon ginawa! K-kitang-kita ko kung paano siya nalungkot sa pagkawala mo tapos heto ka ngayon, babalik at pagkakamalan siyang manloloko? Tsk! Nakakahiya ka, Oyan! Sarado ang isip mo para makinig kay Namshen pero bukas ang isip mo para husgahan at lokohin siya?! Pagsisisihan mong niloko mo siya! Tandaan mo iyan!" galit na galit na sigaw ni Zild bago sinipa ang couch at pinilit na pakalmahin ang sarili.

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Подростковая литератураNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...