BIKINING ITIM

2 0 0
                                    

Habang masaya kaming nagkukwentuhan ng aking mga tropa sa harapan ng tindahan ni Aling Tonying ay may isang pumaradang tricycle sa aming harapan at mula doon ay lumabas ang isang napapakagandang dilag.

Para siyang isang anghel na kababa lang sa langit dahil sa taglay niyang kagandahan na naging dahilan para mapatulala at mapanganga kami ng tropa ko.

Mula sa loob ng tindahan ay lumabas si Aling Tonying.

"Sonia!" masigla niyang salubong sa nakikita naming anghel.

"Ma!" sigaw din nito.

Nagkatingin kaming magkakabarkada at para bang nagkakaintindihan kami kahit na wala naman kaming sinasabi.

Dahil sa kagandahang taglay ni Sonia, hindi ko talaga maiwasan ang hindi siya isipin. Sa bawat ginagawa ko ay laging siya na lamang ang laging laman ng isipan ko. Ewan ko ba, nababaliw na yata ako sa anak ni Aling Tonying!

Sa sobrang pagkabaliw ko kay Sonia, kahit na wala akong pera, bumibili ako tapos sisiguraduhin ko na ang bibilhin ko ay wala doon sa tindahan ni Aling Tonying para lang magkaroon lang talaga ako ng dahilan para makita ko ang maganda niyang anak.

Minsan nga, sinisilip ko siya sa bintana since halos magkadikit lang naman ang bahay namin.

"Rachelle, bumili ka ng suka kina Aling Tonying. Bilisan mo," utos ni Mama sa kapatid ko.

"Ma, ako na po. Ako na ang bibili."

Agad kong kinuha ang pera na nasa kamay ni Mama na sana iabot niya sa kapatid ko pambili ng suka kina Aling Tonying.

"Aba'y himala 'tong batang 'to, ah!" bulalas ni Mama.

"Kunwari lang 'yan si kuya, Ma, pabili kunwari kahit hindi naman siya ang inutusan para lang masilip niya ang magandang anak ni Aling Tonying," tukso ng kapatid ko sa akin.

Agad kong hinubad ang suot kong tsinelas saka itinapon ko sa makulit kong kapatid, mabuti na lang at nakailag.

"Makikita ko na naman si Sonia," kinikilig kong sabi habang naglalakad ako papunta sa tindahan nila.

Excited na excited na ako, nagmukha tuloy akong timang habang ini-imagine ko na naman ang babaeng mala-anghel ang ganda.

"Sonia, Sonia, Sonia," paulit-ulit kong bigkas sa kanyang pangalan.  Para talaga akong nasa langit kahit na pangalan lang niya ang nababanggit ko.

"Aling Tonying, pabili po ng suka," sabi ko habang ang mga mata ko ay pasilip-silip sa loob ng tindahan sa pagbabasakaling makita ko ang anak niya at hindi nga ako nagkamali.

My god! Ang ganda talaga ng prinsesa ko! Oh, Sonia, kung mapapasaakin ka lang, aalagaan at mamahalin talaga kita habang buhay at------

"Aray! Ba't niyo po ako binatukan, Aling Tonying?"

Hindi ko na tuloy natapos ang mag-iimagine ko kay Sonia nang bigla ba naman akong binatukan ni Aling Tonying ng sukang binili ko.

"Kanina pa ako nagsasalita dito, ni hindi mo man lang ako pinapansin," inis na sabi ni Aling Tonying. "Alis ka na," agad naman niyang taboy sa akin.

Napasimangot akong umalis sa kanilang tindahan pero bago ko pa nilisan ang kanilang tindahan, muli kong sinilip si Sonia at talagang kinilig ako!

"Kuya, gising! Gising, andiyan sa labas si Ate Sonia, hinahanap ka!"

Agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig ko mula sa aking kapatid ang pangalan ni Sonia.

"S-si Sonia?! Hinahanap ako? B-bakit?!" nagkautal-utal kong tanong.

A COMPILATION OF SHORT STORIESWhere stories live. Discover now