CHAPTER 1

20 2 0
                                    


5 years ago

"Pwede ba? Huwag mo nga akong sundan?!" sabi ko sa lalaking kanina pa sunod ng sunod sa kin at tila nagulat naman siya ng bigla ko siyang nilingon.

"Sino ba ang tinutukoy mo miss? Ako ba?" Sabi niya tsaka sabay baba ng sigarilyo.

"Eh sino pa nga ba? Alangan naman at iyong aso?" Tinuro ko yung aso sa may gilid. Natawa naman siya at tiningnan ako simula ulo hanggang paa.

"Sino ka ba para sundan ha?" Ani niya. Di naman ako nakaimik kasi sino ba naman ako para sundan eh hamak na nerd lang naman ako.

"Uhmm, kanina ko pa kasi nababantayan yung mga kilos mo. Tingnan mo sa may kanto na tayo pero heto ka parin." Pauwi na kasi ako sa apartment ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Alam mo, singkapal ng eyeglass mo yang confidence mo. Malamang dito rin yung patutunguhan ko." Napahiya naman ako sa sinabi niya.

"Abay malay ko ba eh baka mamaya may balak ka palang patayin ako."

"Buti nalang at naremind mo ako niyan. Baka nga at bigla nalang kitang patayin dito sa tinatayuan mo." Namutla naman ako kasi parang seryoso yung sinasabi niya. At sinong hindi matatakot sa itsura niya eh sa magulo yung buhok, may bigote, may kunting peklat siya sa kilay tapos may hikaw siya sa kanang tenga at yung porma niya parang gangster.

"Syempre joke lang yung sinabi ko to naman di mabiro." Sabi ko sabay talikod at mabilis na lumakad. Pero ilang hakbang lang tila naunahan niya ako.

"Ano? Gusto mo bang patayin na kita ngayon? Mamili ka.. Mamatay sa sakit o sarap?" Ngumisi siya ng tuluyan.

"Please ayaw ko ng gulo.. atsaka kalimutan mo nalang yung sinabi ko kanina." Pakiusap ko sa kanya.

"Ginulo mo na ako at gugulohin ko rin yang buhay mo. Kaya wala ka ng kawala." Sabi niya sabay hila sakin at hinalikan ako sa labi.

______

"Hoy! Tulala ka na naman diyan." Napabalikwas ako sa sinabi ng kasamahan ko sa trabaho.

"Sorry. May naisip lang." Nahihiya kong sabi.

"Ano ba naman kasi yang naisip mo? Alam mo namang oras ng trabaho ngayon." Sabi niya.

Iniisip ko kasi yung nangyari sakin nung isang araw. Walang hiya ang lalaking yon. Kinuha niya ang unang halik ko at iniwan nalang ako ng bigla. Pakshet siya. Naiinis talaga ako. Pero mas okay nalang yun kesa sa patayin pa niya ako. Baka kasi totohanin niya iyon, marami pa akong pangarap sa buhay. Oo, takot akong mamatay.  Yung threat na yun kadalasan ay totoo. Marami na akong narinig na may mga panganib sa lugar ng syudad na to. Di kasi ginagawang biro yun, at marami ding mga tarantado na nasa paligid lang. 

"Wala. Problema lang sa pamilya." Pagsisinungaling ko. Magsasalita na sana siya ng may sumingit.

"Arah, pakihatid ng order nato dun sa number 22." Tumango naman ako at lumabas na sa kusina. Pumunta na ako sa may sinabing number. Nag iisa lang yung customer at naka sunglass pa.

"Eto na po sir. Enjoy your meal." Sabi ko sabay ngiti at inilagay yung order niya.

"May gusto pa ba kayo sir?" parang pamilyar yung itsura niya sakin. Pero ayoko ng alalahanin yun.

"Yes. May gusto pa ako. Ikaw, pwede ka ba?" sabi niya sabay baba ng sunglass. Nabigla naman ako kung sino yun, tama nga ako. Ang walang hiya nandito sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Sumimangot naman yung mukha ko bago magsalita.

"Sorry di ako pwede. Pagkain lang ang iniorder dito hindi tao." Sarkastiko kong sabi. Di ko talaga makalimutan yung ginawa niya sa akin.

"Okay. Mamaya nalang." Di ko maintindihan yung sinabi niya kaya iniwan ko nalang. Bahala siya.

Natapos narin yung trabaho ko. Nag papart time job lang kasi ako dito sa restaurant bilang waitress from 8am to 1pm habang may klase naman ako from 2pm hanggang 9pm. Syempre dahil laki sa hirap kailangan kumayod para sa kinabukasan. Lalo na't 3rd year college na ako sa kursong Accountancy.

Lumabas na ako sa Restau para pumunta na ng school kaya naghintay ako ng jeepney. May motorsiklo namang huminto sa harapan ko.

"Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan?" sabi nung driver sabay hubad ng helmet niya. Sheeet. Ang kapal ng mukha niya pagkatapos ng ginawa niya sakin. Di ako nag salita at nag lakad malayo sa kanya. Muli naman niyang pinaandar ang motor niya at huminto ulit sa harapan ko.

"Don't test my patience lady, or might I say Clarah Yssabelle Fuentes." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yung pangalan ko? Stalker ba siya? Inayos ko yung salamin ko tsaka nagsalita.

"P-paano mo nalaman yung pangalan ko? Inilista mo na ba yan sa list ng papatayin mo?" Napatawa naman siya at sabay umiling.

"Manghuhula ka ba? Kasi bagay sayo." Hindi ko alam kung mabibwisit ba ako o manginig sa takot dahil sa sinabi niya.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Pinagpapawisan na ako dito.

"Ano? sasakay ka ba o hahalikan kita diyan?" Umangat naman ung dugo ko sa mukha ko. Bakit niya ba pinaalala yon.

"Walang hiya. Ang kapal ng mukha mo. Wala kang karapatang halikan ako!" Para na akong sasabog sa inis ko sa kanya.

"Buti nga't hinalikan kita eh. Kaysa naman sa patayin kita, magsasayang lang ako ng oras." Sheeet so totoo nga may plano siyang patayin ako. God please. Ikaw na po ang bahala sa akin.

"Wala naman akong kasalanan sayo ah. Bakit mo ba ako ginugulo?" Mukhang nairita na siya sa sinabi ko.

"Ang dami mong satsat. Di ba sabi ko sayo gugulohin ko rin ung buhay mo? Kaya sa ayaw at gusto mo sumakay ka na dito kasi malalate na tayo!" shocks! Ouh nga pala may klase pa ako. Kung malalate man ako kasalanan ng damuhong ito.

"Sige pero ngayon lang ha... wag mo na akong gulohin pa." Pumunta na ako sa likod niya para pumwesto. Nakapalda lang ako kaya patagilid akong umupo.

"Wala ba akong helmet?" sabi ko sa kanya.

"Oh eto isout mo." Sabay bigay sakin at tinanggap ko naman.

"Paano ka?" Sabay hubad ko sa salamin ko at sinout ang helmet. Di naman siya sumagot.

"Kumapit ka ng mabuti." Kumapit naman ako sa likod ng motor. Lumingon naman siya.

"Hindi diyan, dito" Sabay kuha ng kamay ko at inilagay sa bewang niya. Napakurap naman ako at kumapit ng mabuti.

"Ano ba.. mapupunit ung leather jacket ko." Sos arte naman nito. Hinawakan niya ulit yung dalawang kamay ko nilagay sa loob ng jacket niya. Bakit ang bango ng lalaking to? Parang nakakaadik.

Walang sabi sabing pinaandar na niya yung motor at napakapit ako ng matindi kasi ang bilis ng pagkakatakbo. Nararamdaman ko yung matigas na bato sa may tiyan niya. Eto ba yung sinasabi nilang abs? Bakit ang sarap hawakan kahit na may damit pang nakasagabal. Napasandig nalang ako sa likod niya at pumikit kaya diko namalayan umabot na pala kami.

"Hanggang diyan ka nalang ba? Natutunaw na yong abs ko sayo." Sabi niya kaya napadilat ako at dali daling bumaba.

"Feeling mo! ang lambot nga eh." kahit di naman. Sabay bigay sa helmet niya at sinout ung salamin. Napatingin naman siya sa dibdib ko.

"Ouh nga. Napakalambot. Parang ang sarap gawing unan." Umakyat bigla ung dugo ko. Sabay takip sa dibdib.

"Bastos! Tandaan mo to. Eto na ang huling beses nating pagkikita." Sabay bigay ko sa kanya ng masamang tingin. Lumakad na ako papasok sa building ng may sinabi pa siya.

"Wala man lang bang goodbye and thank you kiss?" Di ko na siya nilingon.

His Savage LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon