"Claraaaaaaaaaaah!" Napalingon ako ng may sumigaw sa pangalan ko. Nandito kasi ako sa hallway ng building.
"Beatrice! Kamusta?" Masaya kong bati sa kanya. Galing kasi siya ng states dahil nagbakasyon. Alam niyo naman buhay mayaman.
"Okay lang naman bes! Alam mo ang daming hunks don eh kaya sulit." Napatawa naman ako. Iyan kasi siya eh puro hunks yung nasa isip niya.
"Ganun ba. Nakooo. Namiss tuloy kita." Sabi ko sa kanya sabay yakap.
"Wow ang chaka mo ha. Di bagay sayo. Anong ganap mo ditto ? Di kasi ako madalas gumagamit ng phone doon eh kasi sobrang busy sa preparation ng wedding ni kuya." Ani niya. Oo nga pala. Ikakasal na yung kuya niya. Hayst. Hanggang crush nalang ako doon. Wala na akong pag-asa. Asa naman at magugustuhan ako nun.
"Paano ba iyan. Ikakasal na siya bes? Wala na akong pag-asa sa kuya mo." Sabi ko. Tumawa naman siya at pinat yung likod ko.
"Ano ka ba? Ano bang nagustuhan mo ron. Di bale ihahanap nalang kita bago mong crush." Sabay kamig napahagikgik.
"So ano? Kailan ka papasok?" tanong ko sa kanya. Mahigit 3 linggo narin siyang absent eh. Sabagay di naman maapektuhan yung pag-aaral niya kasi di naman siya scholar. Unlike sa akin kailangan talagang pumasok baka matanggalan ako.
"Hmm. Maybe sa lunes na. Nakakatamad eh may jetlag pa ako simula kahapon. Ano tara kain tayo?" Napatingin naman ako sa relo ko. May klase pa kami.
"Next time nalang.May klase pa ako eh. Alas 5 pa."sabi ko. Nalungkot naman siya.
"Ayy ganun sige, text text nalang tayo okay?" nakangiti niyang sabi.
"Okay. Sige ingat ka ha?" Nagyakapan kami. Pumunta na siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
Pumunta na ko sa may locker ko para ilagay yung ibang libro ko. Mamaya pang 7pm yung klase ko. Kaya may time ako ngayom para makapagreview dahil quiz namin.
Pagsara ko ng locker laking gulat ko kasi may nakaabang pala sa gilid.
"Nanggunggulat ka ba?!" huling kita ko sakanya 3 days ago. Yung nangyari sa clinic. Diring diri ako pag maalala ko yun.
"Halata ba?" bigla nalang niya akong kinorner sa dalawang kamay niya kaya napasandal ako sa locker.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pagsasamantala sa akin?" Galit kong sabi sa kanya. Dahan dahan naman siyang lumapit sa kin kaya tumagilid yung mukha ko sa kanya. At ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko na nakapaninindig ng balahibo.
"Hindi at I won't stop until I make you mine." Sabi niya sabay hila at kaladkad sakin.
Maraming araw na ang lumipas pero di ko parin alam ang pangalan niya. Bakit Arah? May plano ka pa talagang kilalanin ang hayop nato?
"Saan mo ba ako dadalhin?" kaba kong tanong sa kanya. Di ko malimutan yung sinabi niya kanina. Ano bang ibig sabihin niya? Aangkinin niya ako?
"Calm down lady. Wala akong gagawin sayo ngayon. Wala pa." mahinahon niyang sabi. Sino ba ang hindi mapakali sa sinabi niya?
"Pleaaaase wag mong gawin sakin to oh. Mahirap lang ako at hindi kagandahan. Wala akong maiiibibigay sayo." Pagmamakaawa kong sabi sa kanya. Pero dineadma lang ako hanggang sa makarating kami sa rooftop. Binitawan na niya yung kamay ko. At may kinuhang.... Paperbag... naa may nakalagay na... Mang Inasal?
"Here." Sabi niya sabay abot nito.
"Ano to?" tanong ko sa kanya. Halata naman siguro ang sagot ko. Parang shunga lang.
BINABASA MO ANG
His Savage Love
Любовные романыClara Ysabelle Fuentes is just a simple commoner with a breathe-taking beauty who hides her face in a thick eyeglass. She used to live her life being contented and at peace not until he met this arrogant jerk badass boy name Gregorio Villarama who l...